~Luna~
Tinatamad ako pumasok pero dahil wala naman akong gagawin sa bahay at baka mahuli ako sa lessons ay napagdesisyunan ko na bumangon na lang at maghanda na pumasok.
"Nak, nandyan na sila Bobby. Sumabay ka na lang daw sa kanila."Tumango na lang ako tapos kumuha ng carton ng gatas at ensaymada sa refrigerator. Dinala ko rin ang jacket ko dahil panigurado parang ref din ang kotse ni Bobby.
"Good morning, my loves." nakangiting bati ni Hanbin pagkalabas ko.
Tinigil niya pa ang paglalaro ng temple run para lang buksan ang pinto ng sasakyan. Nakasandal lang si Bobby at Hanbin sa labas ng kotse kanina at nagchichismisan tapos nasa loob naman si Jinhwan at Donghyuk.
Ang iba naman nilang kaibigan ay nasa kabilang sasakyan.Doon nila ako pinapaupo sa likod pero doon ako umupo sa tabi ng driver's seat. Mas gusto ko dito para di ako naiipit sa likod.
"Lipat ka nga sa likod, Jinhwan." sabi ko. Nagkamot pa siya ng ulo pero hindi naman na siya lumaban pa at lumipat na lang."My loves, dapat dito ka eh."
Nakita ko pa sa salamin na sinasamaan niya ng tingin si Jinhwan. Inirapan ko siya tapos nagsuot na lang ng earphones."Insan, may baon ka ba ngayon?" rinig kong tanong ni Bobby.
Nagtataka lang ako kung bakit ang takaw-takaw niya pero may abs pa rin siya.
"Wala eh.""Tabi dali, Donghyuk!" nagmamadaling sigaw ni Hanbin. Nasa gitna kasi siya nila sa likod at balak pa ata akong pagbuksan kaya inunahan ko na.
"Dapat kasi diyan ako sa gilid eh.""Kasalanan ko ba kung mabagal ka." asar ni Donghyuk na nakangisi pa. Inirapan lang siya ni Hanbin tapos umakbay sa akin kaya napairap din ako.
"Ay wow. Di pumalag si my loves." proud na sabi niya at ngumisi pa sa mga kaibigan niya kaya tinabig ko ang braso niya.
"Insan, sabay ka na lang sa amin mamaya. Libre ko."
Big time talaga eh. Napangisi naman agad ako tapos nakipag-fist bump sa kanya."Bye, my loves."
Hindi ko na lang pinansin si Hanbin at pumasok na sa room.
Pagdating ko, nandoon agad sila Hansol malapit sa pinto at parang may inaantay. Lalampasan ko na sana sila pero tinawag niya ako."Bakit?" tanong ko. Umiling naman siya.
Feeling close naman 'tong mga 'to.
"Wala naman. Practice tayo mamaya ah?""Okay."
~Mingyu~
"Boyfriend kaya niya yun?" tanong ni Vernon na parang ang lalim ng iniisip.
Mas sanay kaming tawagin siyang Vernon kaysa sa Hansol. At mas madalas na tumatawag sa kanya non ay mga malalapit sa kanya."Siguro. Naka-akbay sa kanya eh tapos tinawag pa siyang 'my loves'." sagot naman ni Seungcheol. Mga chismoso.
"Tinawag lang ng 'my loves', sila agad?"
Napailing na lang ako sa mga 'to. Ang suplada kaya ng babaeng yun. Tsaka baka magkaibigan lang pala."Ano bang pakialam niyo kung may boyfriend na yung babaeng yun?" iritang tanong ni Wonwoo habang hindi inaalis ang tingin sa libro niya. Ewan ko ba dito parang laging naiirita pero ganyan talaga siya paminsan minsan.
"Grabe ka naman, bro. Maka-'babaeng 'to'. May pangalan siya 'no. Luna bro Luna." paulit-ulit pa na sabi ni Vernon kaya natawa si Seungcheol.
BINABASA MO ANG
The Four Transferees [SVT's Hiphop Unit FF]
FanfictionWhat will happen if the four hot and handsome transferees messed up your heart?