TFT: Chapter Thirteen

1.6K 68 10
                                    


~Luna~

Ngayon na ang school festival sa Pledis Academy.Dalawang araw palang nung pumunta sila sa school namin pero madami na agad ang gustong pumunta.
Hindi sana ako pupunta pero pinilit ako ni Seungkwan at nung apat at sinabing manood daw uli ako ng performance nila.

Maraming magpeperform at marami din silang stall dito.Pagkain man o mga merch.May nakita pa nga akong stall ng merch tapos may mga tinitindang merch ng seventeen.Ganon ba sila kasikat?

Wala akong kasama ngayon dahil may kailangan gawin sila Seungkwan.Hindi naman sumama sila Bobby kasi hindi daw sila interesado.Walang pasok ang school namin ngayon dahil kinausap na sila ng Pledis Academy.

Bumili ako ng hotdog sandwich at juice tsaka umupo sa ilalim ng puno.
Nang maubos ko na,nagsimula na akong maglibot.Maganda ang Pledis Academy at makikita mo na maraming mayayaman ang nag-aaral dito.Pero karamihan ang nag-aaral sa school na 'to ay mga dancers,singers,performers at iba pa.

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito.
"Hmm?"

"Hey its Jun.Pumunta ka daw dito sa second floor ng main building doon sa pangalawa sa dulong room."

"Sige."
Malayo palang sa room ay naririnig ko na ang tawanan nila. -.-

"Are you even allowed here?"-biglang harang nung babae.Maputi siya at maganda mukhang galing siya dito sa isang room na puro babae ang nasa loob.

"Uhm,tinawagan kasi ako nila Jun."
Tumaas naman yung kilay niya.
"Ikaw?Hindi pwedeng pumunta dito ang iba.Only Pledis Academy's students lang."

"Hmm.Bababa na lang--"

"Luna."
Tatalikod na sana ako pabalik pero may tumawag sa akin kaya napalingon ako.Si Mingyu.

"Bababa na ako.Bawal daw--"

"Pinapunta ka namin dito.Pwede yan."-sabi niya tas tumingin doon sa babae.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"Akala ko isa siya sa mga fangirls niyo.Psh.Oh well,see ya."-mataray na sabi niya tas pumasok na doon sa room."

"Bakit niyo ba ako tinawag?"-tanong ko tapos sumunod sa kanya.
"Baka ma-out of place ka sa baba.Wala ka namang kilala don."

"Dito ang room ng seventeen."-dagdag niya tapos nauna ng pumasok.

"Hey Luna."-nakangiting bati ni Jun tapos kumindat.Tinanguan ko lang siya.
"Asan si Boo?"

"May binili lang."-sagot ni Seung Cheol.
"Kumain ka na ba?Mamaya maya magii-start na ang performance."

"Oo tapos na."
Tumunog na naman ang phone ko.
"Hmm."

"Where are you?"

Sa tinis palang ng boses niya makikilala mo na agad.Si Nami.
"Nasa taas ako bakit?"

"Really?Diba bawal jan?Are you with them?"

"Bawal nga daw.Bakit ka ba napatawag?"

"Sasama sana ako sayo.Wala akong kilala dito."-maarteng sabi niya.

"Asan ang mga kaibigan mo?"-kunot noong tanong ko.
Syempre.Madami yang mga alagad tas ngayon wala.

"May pinuntahan sila.So,can I go there?"

"Teka,"
Tumingin ako kela Seung Cheol at nagtanong.
"Pwede ba daw si Nami dito?"

"Sure.Kasama mo naman siya eh."-sagot niya tas ngumiti.
"Umakyat ka na sa main building.Aabangan kita sa labas."

The Four Transferees [SVT's Hiphop Unit FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon