Leo POV
Buong klase nakadungaw lang ako sa bintana. Hindi naman ako sinisita dahil nasa likod ako nakaupo.
*after 1 hour*
*kriiiiiiiing.. Kriiiiiiing...*Yown oh! Kinuha ko na ang bag ko at umalis na. It's Break time. So , pupunta nalang ako sa cafeteria tutal gutom na naman ako.
Nag-order lang ako 1 large fries , 1 burger then softdrinks. Saan kaya ako pwepwesto dito? Dami kasing estudyante kaya parang occupied na lahat.
Ayun! Meron pang isang table. Pumunta na ako dun. Umupo na ako at kumain.
Habang kumakain ako. Nadidistruct ako sa mga babaeng nag-uusap. Anlakas eh. Magkalapit lang kasi ang table namin pero nakatalikod ako sa kanila.
"Alam mo ba? Yang si Maye, minsan na nga lang kung pumasok at nalaman ko pang nagbakasyon pala yon. Grabe talaga yung babaeng yun!! Porket anak siya nang may-ari nang school nato. Maganda nga ansama naman ng ugali." -U1
"Oo nga! Reyna-reynahan pa dito"-U2
"Yeah right! Akala mo kung sino"-U3
Tsk! Tsk! Mga babae nga naman oh. Ingget ang tawag diyan. Makainsulto naman sila akala mo kagandahan. Hahaha.
Habang nag-uusap ang tatlo bigla nalang may sumulpot na babae.
"Mga walanghiya to!! Bakit niyo pinag-uusapan ang bestie ko?! Wala ba kayong magawa? Mga letche to! Akala mo naman mga kagandahan eh putok na nga yang mga mukha niyo sa make-up!! Humanda kayong tatlo sa akin. Mga improkita! Mga inggetera!!" -yung babae
Woah! That's too harsh. Haha. Tinignan ko ang tatlong babae. Ayun mga nakayuko. Pahiya men! Ikaw ba naman sabihan nang ganun tapos tinatawan pa sila nang mga tao dito sa cafeteria. Kawawa!
Bigla nalang may sumulpot na dalawang babae at hinila yung babaeng nagalit kanina.
Hmmm. Sino kaya si Maye? Curios ako ha.
Nawalan na ko nang gana, kaya umalis na ako dun. 9:50 palang pala. 11:25 pa ang next class ko. Saan kaya magandang tumambay?
I decided na sa garden nalang ako tumambay. Mahangin kasi tsaka walang tao.
Kainis kasi ang mga babae kanina. Habang naglalakad kasi ako tili sila nang tili tapos nagbubulungan pa. Nakakairita.
Nakahiga lang ako sa damuhan, nakapikit ako habang nagsa-soundtrip.
Hmmmm... Hmmmmmm.. Hmmmmmm.. Hmmmmmm..
Maye POV
Letche! Sino ba ang maingay na yan? Kitang may natutulog eh.
Bwisit!!Tumayo ako at pumunta sa kung sino man ang kumakanta na ke pangit naman nang boses. Tss.
Ayun!
Lalapit pa sana ako dun sa lalaking nakahiga nang may tumawag sa akin.
"BESTIE!"
"MAYE"Ano ba yan? Makasigaw naman tong mga kaibigan ko.
Pumunta ako kung nasaan sila. Medyo malayo-layo sila sa akin eh."What?" Tanong ko pagdating sa kanila.
"Alam mo ba! May tatlong kutong lupa na naman ang nang-insulto sayo! Gash! Ansarap nilang patayin." Nanggigigil na sabi ni Giervie.
"Yes bestie! Grabe! Prang gusto ko na silang sabunutan kanina. Buti na lang inawat nila ako"- Nanggigigil ding sabi ni Jill. Bestfriend ko yan.
Tinignan ko naman si Nic. Ayun. Nakapokerface pa din. Sanay na ako diyan.
"Tsk! Sanay na ako diyan. Mga inggetera lang yun. Well , leave it to me girls." I said with matching smirk.
I will kick them out lang naman. Yang ang nababagay sa mga taong hindi nirerespeto ang reyna. Right? Hahahaha.
Makauwi na nga. Tinamad na akong pumasok. Hindi naman ako mangangamba. Anak kaya ako nang may-ari nang school. *grin*
Before I go home. Pumunta muna ako sa PO para sa tatlong yun. Nyahahahaha.
BINABASA MO ANG
Falling Inlove with the Bitch!
Teen FictionStory po ito nang babaeng palagi nalang siyang second option. Itong storyang to ay naglalaman nang mga misteryo at aksyon na istorya. Ito ay story na kung saan kailangan mamili at may mamatay para mabuhay.