Chapter 2 : Her first move

58 3 2
                                    

Hi author dinedicate ko to sayo . Fans mo ako eh wahahaha.

Chapter 2 : Her first move


*Knock knock*

"Jamia wake up na, your bestfriend is here."

Naghikab pa ako. Kulang pa yung tulog ko tapos ang aga aga pa akong ginising. Halos di nga ako makatulog kagabi dahil sa wakas nakita ko na siya.

"Mamingski 5 minutes more!"

Pipikit pa lang ako ng maalalang nandyan daw si Jham? Teka bakit nandito ng ganoong kaaga yung babaeng yun?

I went to the bathroom at ginawa na yung morning rituals ko.

Pagbaba ko aba't talagang nandito nga at mukhang kumakain pa.

"Jham? Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah?" Sunud sunod kong tanong.

"Teka isa-isa lang. Kumain ka muna sasabihin ko sayo mamaya."

So sumunod ako sa kaniya. Umupo na ako at kumain.

"Kinuwento sakin ni Jham na tinamaan ka daw ng bola,masakit pa ba Jamia?"sabi ni mamingski. Napatingin ako kay Jham at nag peace sign siya. Grr ang daldal talaga.

"Ahmm hindi naman na po"

"Next time mag ingat ka,kayo naman Jan at Rylan ingatan niyo yang kapatid niyo lampa pa naman yan" sabat ni dady.

"Yes dad"

Aangal pa sana ako ng naunahan ako ng dalawa kong magaling na kapatid at ngingisi ngisi sa akin.

Pagkakain namin nag silabasan na kami sa bahay.

At si mamingski lang ang matitira. Dahil si dady ay may trabaho din.

"Asan sasakyan mo?" Tanong ko kay Jham.

"Hindi ko dala eh hihi ang gwapo ni my loves." Haynako umagang umaga.

"Bakit nga pala nasa bahay ka namin nang ganito kaaga?"sabi ko at pinaandar ko na ang motor ko. Meron akong car kaya lang mas trip ko ngayon ang motor.

"Eh diba ililibre mo ako? Saka teka b-bat motor yang pinaandar mo?" Nanlalaki yung mata niya. Hindi kasi siya sanay sumakay sa motor. Girly masyado eh di katulad ko na medyo nahahawa sa dalawa kong kapatid lalo na kay Jan.

"Ano aangkas ka o iiwanan kita?" Tapos hinagis ko sa kaniya yung isa pang helmet. At sinuot ko na yung akin.

"Eto na nga sasakay na" hmp ihahanda ko na tenga ko.

"Talagang pinlano mo noh?"

Broom brooom.

"Syempre ako pa hehe wahhh dahan dahan lang"

Wahahaha sabi na eh.

Paglabas namin sa gate pinaharurot ko yung motor ko kaya naman siya todo kapit sakin with tili pa. My ears gosh!

"Waaaaahhhhh"

Napapatingin tuloy samin yung mga taong dinadaanan namin. Aiiisst.

"Ayan karma mo, ginising tuloy ako ng maaga"

"Waaahhh bagalan moooo!"
Wahahaha so I did tinatakot ko lang naman siya.

Pero suddenly nung binagalan ko na-nakita ko si crush. Hindi ko pa kasi alam ang name niya.

"Uy diba yung crush mo yun"

"Oo nakita ko" nakamotor din siya pero walang helmet.

Nako baka mahuli siya niyan at mas malala kung maaksidente.

When the Cold guy discover what is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon