Chapter 3 : Knowing Her
Pagka parada ko ng motor ko sa garahe, papasok na sana ako sa loob ng bahay nang sumulpot agad si Jan at Rylan na halatang kakauwi lang dahil suot pa nila yung uniform nila.
Ano na naman kaya ang problema ng dalawang 'toh?
Papasok na sana ako pero hinarangan nila ako. Kaya sa kanan ako sana dadaan pero hinarangan din nila ako.
"Pwede ba padaanin niyo ako?" Tinignan ko sila ng masama.
"Hindi pwede" sabay nilang sagot.
"At bakit naman hindi?" Tinaasan ko na sila ng kilay.
Pinakita ni Rylan yung phone niya.
"Panoodin mo!" Sabi ni Jan at binigay sa akin ni Rylan.
Edi pinanood ko. Shit. Nanlalaki ang mata ko ng makita ko kung ano yun. Naivideo pala yung ginawa kong pag co-confess kay Sean oh! Bye the way I call him Minth. Cool kasi.
Nasa state of shock ako ng bawiin ni Rylan yung phone niya at tumingin sa akin ng masama.
"Ate parang nung isang araw kaaway mo yun, binato mo pa nga ng sapatos mo. Ngayon naman nag confess ka na crush mo siya. Yung totoo ate nagayuma ka ba? O nakulam?" Nakahalukipkip yung braso niya habang nakasimangot.
"Papasukin niyo kaya muna ako? Saka ako magpapaliwanag." Inirapan ko silang dalawa akala mo 2nd at 3rd na dady ko sila eh.
"Ganito kasi yan! Walang tatawa okay?...." yun nga kinwento ko sa kanila yung nangyari simula sa Mall hanggang sa makita ko ulit siya.
"Grabe ka naman kambal! Ang lupet mo, palibhasa bantay sarado ka sa amin ikaw pa talaga ang gumawa ng move mo para mapansin ka niya?" Jan
"Hay nako di na kasi uso yung lalaki pa ang magsisimula. Babae na ngayon!"
"Tsk,wag mo ng ituloy yan ate, wag sa kaniya." Nakasimangot pa rin siya.
"Bakit naman? Masama na bang magkacrush ngayon?"
"Hindi naman ganon ang ibig sabihin ni Rylan,kaya lang kasi si Captain,hindi basta basta yun. Napakasama ng ugali, minsan lang magsalita pag pinapagalitan kami, ayaw ng madaldal,ayaw ng may kasamang babae at wala din siyang kaibigan. Bago pa nga lang siya dito ganoon na ang takot ng studyante sa kaniya." Parang kinukumbinsi nila ako na lumayo dun at tinatakot kay Minth eh!
"Ah basta! Wag niyo akong pigilan please? Crush lang naman yun." Pag kasabi ko na yun ay tuloy takbo ako sa kwarto ko.
Nakakainis silang dalawa! Ngayon nga lang ako lumapit sa isang lalaki, I mean yung binibigyan ko ng pansin. Ewan ko ba, baka binablackmail nila yung lumalapit sa akin. Pero ako din naman hindi ako lumalapit sa lalaki lalo na kung di ko naman kilala. Lagi kaya nila akong pinagtutulungan. Kaasar.
Kaya lang naman di ako lumalapit kasi siguradong makakarating agad yun sa dalawa kong magaling na kapatid. Kawawa naman kung mapag tripan nila yung mga lalaki na lumalapit or kinakausap ako. Lalo na kapag hindi rin nila kilala. Super higpit nila palibhasa ako lang yung anak na babae at laging binibilinan ni dady yung dalawa.
Kasi ang totoo niyan.... nung bata ako mga 5 years old ako nun. May isang lalaki ang nang bubully sa akin dati sobra ang iyak ko nun kasi binabato ako ng lukot na papel. Hindi ko matandaan kung bakit ako ginaganon. Hindi ko na rin matandaan yun name niya kasi nga matagal na at medyo na-trauma ako dati. Kaya masyadong mahigpit ngayon sila sa akin.
Ako yung babaeng hindi mahilig sa girly stuffs yung tipong may earings,bracelet,necklace saka yung mga mapink na gamit. Mas gusto ko yung blue at black ang favorite kong kulay. Hindi din ako nagsusuot ng dress naaasiwa kasi ako, mas panatag ako sa pants at shirt. Hindi ako tomboy ah! May ibat ibang klase kasi ng babae at hilig katulad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/74507796-288-k329303.jpg)
BINABASA MO ANG
When the Cold guy discover what is LOVE
Novela JuvenilNag confess ka na sa kaniya pero ang tanging sinabi niya ay... 'I dont fucking care. I dont like you. Fuck you! Get out of my sight! Bullshit!' Siya si Sean Minth, ang lalaking hindi kailan man NAGMAHAL dahil NAGMUMURA lang siya. Isa pa ulit! Hindi...