1

19 0 0
                                    

August's POV

Haaaay! First day na naman ng school. Tsk. Tapos na ang masasayang araw ko. Wala ng gala. Wala ng bakasyon. Wala nang computer games!

Eh kung wag muna kaya akong pumasok? Sabihin ko na lang kay mama na may sakit ako. Oo tama. Hehehe. Galing ko talaga.

"August 6 am na. Aba bumangon ka na jan at may pasok ka pa!" Yaya.

Oo may yaya na ko kahit fourth year high school na ko. Masama? Tsk.

"Achu! Yaya may sakit po yata ako. Pasabi naman kay mama na baka di ako makapasok oh." Waaah sana tumalab. *cross fingers*

"Naku kang bata ka! Anong sakit sakit ka jan?" Lumapit sya sa akin at hinipo noo at leeg ko. "aba eh wala naman ah! Pinagloloko mo ba ako ha?!"yaya. Hay sabi ko na nga ba eh.

"Hahaha joke lang naman yaya. Ito na oh babangon na ako."

Ano pa nga bang gagawin ko. Wala na akong choice. Naligo na ko ay nabihis. After kong makapag ayos ng gamit ko bumaba na agad ako. Masamang pag antayin si mama. Mahirap na.

"Kuya. Why so ugly?" Feb. Kapatid ko.

"Feb what have I told you? Wag asarin kuya mo di ba?" Mama.

"Maaaa~~ I am not making an asar to kuya e." Aba't! "Kuya naman kase. Why don't you brush your hair? Have some wax. Then learn how to take care of your skin! Look oh. Super dry₱!" Maarteng sabi nito.

Di ko nalang pinansin. Maaasar lang ako lalo. Tsaka nag suklay naman ako eh. Ayoko lang mag lagay ng wax kasi feeling ko ang lagkit. Lalo na yung lotion! Never ever!

To namang kapatid ko parang hindi twelve years old kung pangaralan ako. Nakakairita pero di ko pinahalata. Lalo lang yang mag iingay e.

"Feb. Bat kaya di mo samahan kuya ko sa salon?" Papa.

"What?!"me

"Sure!" Feb.

Sabay naming sagot.

Grrrr! Di ako sasama sa salon salon na yan! Ano ko? Bakla?!

"No way, Pa! Okay na ako sa ganito. Dito ako komportable e." Sagot ko. Inirapan lang ako ng magaling kong kapatid.

"But you have to look better Gus. Mag cocollege kana next year. Preparation lang." Papa

"I dont like." Sabi ko sabay subo ng ham. My ever fave ham!

"Hayaan mo na hon." Mama. "Matututo din yang si August. Tsaka baka pag nag ayos yan eh bigla nalang maging habulin ng mga babae yan!"

*huck*

Nabulunan ako. Wtf? Ako? Eh halos wala ngang pumapansing babae aa campus namin e. Tss.

"Here baby water oh." Abot sa akin ni mama ng tubig. "Dahan dahan naman anak. Alam mo namang mahal na mahal ka ni mama e."

"Ma naman kasi. Ang pangit mo magbiro."

"Parang ikaw kuya. Hehehe." Feb.

Leche.

Binilisan ko na yung pagkain ko. After ko kumain pumunta na ko sa motor ko. Si Feb naman pumunta sa car nya. Yeah car. spoiled kasi yan e. Well I have car naman. Ayoko lang gamitin. Naiipit ako sa traffic e. Pinauna ko munang sumakay si Feb sa kotse nya at sumunos naman yung driver nya. Yeah driver. Ang dami nya kasing alam e.

Pagkaalis nila, pinaandar ko na din motor ko.

Hay sana maayos yung first day ko. Andun na kaya yung tatlong bibe? Sana andun na. Ayokong mauna dun ng walang kausap.

Mabilis naman yung naging byahe ko. Wala pang gaanong traffic. Pag dating ko dun andun na yunh dalawang bibe. Isa nalang yung wala pa.

"Sky. Cotton." Bati ko dun sa dalawa.

"Gus." Sabay nilang sabi.

"Sambakol mukha dude ah. Hahaha. Hulaan ko inasar ka na naman ni Feby." Cotton

"Ano--" sasagut na sana ako pero tinakpan ni Sky yung mukha ko ng palad nya! Leche

"Heeep!! Oo na. Alam na namin. Halata sa pagmumukha mo eh. Hahahaha" sabi ni Sky at nag apir pa sila ni Cotton.

"Aba. Mukhang masaya yung kwentuhan natin ah."

Lumingon kami sa likod ng biglang may sumabat sa usapan namin.

"Tendeeeer!" Sabay naming tatlong sigaw.

Sinugod namin sya ng--- sapak! Hahahaha! Sapak at batok. pang welcome.

"Woah! Grabe! Miss na miss nyo ko no? Nung sabado lang magkakasama tayo ah!" Tender. "At pwede ba! Wag nyo na ko batukan. Sakit na ulo ko kakabatok ni Love!"

Si Love. Yung kambal nya -.-

"A-andito na si L-love?" Sky.

Putek. Di pa to nakamove on kay Love? Pambihira!

"Tss oo andito na sya. At dito sya sa school mag aaral. Kung minamalas nga naman!" Reklamo ni Tender.

"Damn. Anong section?" Sky

"Star. Bakit? Still into her pre?" Tender

"Huh? W-whaaat?! Di na no!"

Tss halata nga.. -.-

"Oh ano? Dito nalang tayo sa parking mag uusap?" Cotton.

"Hahaha sweet nyo kasi masyado e. Inantay nyo pa ako. Tara na sa room!" Tender

"Eh si Love? Nasan? Di mo ba kasabay?" Sky

We gave him the not-into-her look pala ha? Hahahaha!

Naglakad na kami papunta room. Nasa lowest section kami. Hehehe. Ang importante lang naman eh nakakapasa kami. Masaya na kami sa 75. Basta ang mahalaga walang bagsak! Power!

Silang tatlong bibe pala ang best friends ko. Kung iniisip nyo na mga gwapo, malakas appeal, habulin ng babae, famous. Nagkakamali kayo! Halos wala ngang makapansin sa amin e. Isang hamak na pandagdag ng populasyon lang kami dito sa JCF Academy.

Si Cotton. Nerd. Pero nasa lowest section. Ewan ko ba jan. Sinasadya nya yata yun. Mahilig sya magbasa ng books pero mga manga nga lang. May malaking salamin. Payat. Nakabagsak pababa yung buhok nya. mahiyain! Tahimik lalo na kung may ibang tao. pero pag kami kami naman normal lang sya. Gaya kanina.

Si Sky. Pinakamakulit sa amin. Same kami ng hair fashion. Kung fashion nga ba ang tawag dito. Basta. Tamang suklay lang. Di gaya ni cotton na mukhang sinuklay ng maigi ang buhok para bagsak na bagsak. Pati mukha nya halos matakpan na!

Si Tender. Sya na siguro pinakamaayos sa amin. Ayos na ayos ang buhok nya. May wax pa! ayun nga lang, para syang reincarnation ni Jose Rizal. Leche eh. Hahahaha. Buhok yata ni Rizal yung buhok nya. Sobrang pulido ng pagkakaayos. Naka one side pa. As in Rizal style talaga.

At ako? Ako si August. Simple lang. Di pansinin. basta may masuot ako at nakaligo na ko ayos na yun. Ang importante sama sama kaming pamilya. Hahaha!

"Ouch!" Hala. May nabunggo ako! Kung saan saan kasi utak ko eh.

"Hala miss, sorry!" Sabi ko. Dinampot ko yung isang notebook nya at binigay sa kanya. Pag tingin ko sa mukha nya....

O_____O

Oh shit! May anghel na bumaba!

***-***

Love Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon