Iba ang tingin sa akin nila Mom at Dad habang kumakain kami ng dinner. Medyo late na kami nakapag dinner kasi ang tagal mag shopping nung magaling kong kapatid.
"Kuya, when will you bring her here ba?" Feb.
"Oo nga baby? Ikaw ha? May girlfriend kana pala pero di ka nagsasabi. Kaya pala ayaw mo na magpalambing eh." Madramang sabi ni Mom.
Nakakainis naman kasi. Kahit anong paliwanag ko na hindi ko naman talaga girlfriend si Kia ay ayaw maniwala nila Mommy. Si Kia naman kasi. Anong trip nun sa buhay at bigla-bigla na lang siyang ganun? Ang masama pa nun, pagkatapos niyang sabihin sa kapatid ko na girlfriend ko siya ay bigla niya kong ninakawan!
Ninakawan ng halik. Shit. First time ko yun.
Bading pakinggan pero oo. Take note, sa labi niya ko hinalikan! Di man lang ako nakaganti.
At habang nasa mall kami, si Febie naman ay panay ang tukso sa akin. Kesyo daw may nabulag na diyosa at napikot ko daw. Kung saang parte daw ng Quiapo ko nabili yung gayuma! At kung anu-ano pang nakakainis na tanong ang mga pinagsasabi nya.
"Mom... She is not really my girl."
"Son, pinalaki kitang matino." Dad. "Wag mo ganyanin ang mga babae. At kelan ka pa naging playboy huh? Ano yan fling lang?"
Anong droga ba ang natira ng buong pamilya ko?!
"But dad---!"
"I saw you two kissed in front of me kuya!" Sasagot pa sana ako kaya lang sumabat agad tong kapatid kong asungot. "Ang SPG niyo nga eh! Sa harap ko pa talaga. Pwede namang sa kabilang part o kaya naman ay nagtago kayo ng konti para di ko makita. Pero hindi eh! Sa harap ko pa! How could you kuya? You are polluting my innocent mind!"
What? Yung totoo? Nasaan ang hustisya sa bahay na to, guys?!
"See what you've done Gus. Nagiging masamang ihemplo ka sa kapatid mo eh. Di ka naman namin pinagbabawalan ng mom mo na pumasok sa isang relasyon pero sana naman ay magtino ka at wag na wag mong paglalaruan ang mga babae. Unang una ay dahil babae mom mo. At pangalawa ay may babae kang kapatid."
Mahabang litanya ni dad. "I know naman po Daddy. But hindi ko po talaga----."
"Ipakilala mo siya sa amin baby." Mom. "We want to know if she's for you or not. Okay?"
Hay. Kelan ba nila ako patatapusin ng pagsasalita?
"Okay, my"
Suko na ko. Wala na akong magagawa. Wala din e. Pag nagpaliwanag ako di rin nila pakikinggan. Nagmumukha lang akong masama! Well, okay naman siguro si Kia. I like her.
Gusto niya din kaya ako?
Sana. Haaaay. Pagkatapos naming maghapunan ay nagpahinga lang ako saglit bago matulog. Mahabang araw na namab bukas. Ano sasabihin ko sa kanya? Ano magiging reaksyon ko? Paano ko siya pakikitunguhan? Normal lang ba? Seryoso ba siya dun sa girlfriend-thingy? Paano kung hindi?
Ang daming tumatakbo sa utak ko pero ang main subject ay siya. Siya lang. Damn.
Yung tungkol pa pala sa pagsali sa battle of the bands. Paano yun? Magpapalit kami ng porma para mas may appeal? Ang sabi ni Kia dapat mag gym kami. We need to work out. Sabagay, kung ganito nga yung itsura namin na aakyat ng stage ay baka ma-boo lang kami. Mga payatot na walang fashion. Baka nga sa elimination round pa lang ay baka di pa kami nakakaakyat ng stage ay NO agad sagot nila. Para din naman sa sarili namin to. Tama si Tender.
♬K♬I♬N♬A♪B♬U♪K♬A♬S♪A♪N♬
♥♥♥
Di ko na hinintay ang tatlong bibe sa parking lot. Dumiretso na agad ako sa classroom namin. At wow. Andito na pala sila. Di ko nakita big bike nila dun eh.
BINABASA MO ANG
Love Is...
General Fiction"Isang buwan ang tanda ko sayo di ba?" - Kia "Yes." Sagot ko "Isang buwan kitang hinintay. Isang buwan ng buhay ko sa mundo ang wala ka. Gus, di ako magsasawang maghintay sayo..." I don't know the right words to say for her to at least make feel bet...