February 15, 2013
Alas-12 na ng madaling araw. Tulog na yung mga teammates ko. Oo, katabi ko sila matulog ngayon. Sabay sabay kasi kami luluwas ng Maynila mamayang 3:00AM. 12:00 na ng madaling araw at hindi pa ako nakakatulog. Nagbabasa ako ng wattpad eh. May swimming competition kasi kami sa San Beda.
Sa wakas, makaka-alis na rin kami. 2 hours lang tulog ko. Sanay naman ako sa puyatan sa byahe. Kaso, bawal kasi saamin dapat kundisyon ang katawan pag malapit na ang competition. Pero dahil nga pasaway ako, keri boom boom paren. Hihi. Medyo kinakabahan ako. Sana manalo ako kahit papano. Pagdating sa Manila, agad kaming nag-ayos ng gamit at magpahinga saglit eh nag-shopping kami dahil nga malapit kami sa SM San Lazaro. Pagkatapos ng 2 hours shopping eh napag-isipan naming bumalik na. Nag-antay pa kami saglit sa entrance at nahuli ng mata ko yung tarpaulin na nakasabi, "Chicser live at SM San Lazaro. Feb. 17, 2013 4:00PM." Medyo malakas ang pagkasabi ko at nag-joke pa ako sa mga teammates ko, "uy guys! May concert. Sana maaga tayong matapos bukas." First time ko kasi makakanood ng all boys na group na mall tour. Dati kasi kay Barbie Forteza at Joshua Dionisio saamin sa San Fernando La Union. For dinner kumain kami sa KFC. Naparami yung kain ko kaya sumakit yung tiyan ko, hindi naman ako natatae basta masakit lang. Kaya naglakad lakad kami, nilibot namin buong floor nung mall hanggang sa makarating kami sa isang store at sobrang nacute-an ako sa isang notebook, bumili ako. That served as my journal. Tapos nagswim ng konti sa pool dito sa subdivision.
~❤~
February 17, 2013
This is it. May deal kami nung teacher ko na 1 pefect quiz kada medal. Ayun! Nagsimula na ang competition, medyo kinakabahan ako. Pero teh! Kalurkey! Kahit saan ako lumingon, kadaming GWAPOOO! :"> kung ganito rin lang ang mapapasukan ko everyday sa college aba! Baka every break ko eh hindi ako kakain sa pagkabusog ng aking beautiful brown eyes! Etchus! Eh sa swimming competition pamandin LAHAT KITA. What I mean about that topless ang lalake at naka-trunks na hanggang tuhod. May mga iba ring "brief type" yung trunks. Sa babae naman, makikita mo rin lahat ng curves and flaws sa katawan. Kaya kita mo kung sinong sexy, may abs, at tabachoy. Sobrang sweet nung isang swimmer na lalake. Nag-public "proposal" siya. "Will you be my date to prom?" Isa isang itinaas nung mga barkada niya ring swimmers yung illystration board. Syempre, tatanggi pa ba yung babae? Eh mukha namang kilig na kilig. Haha! Bitter? Single eh! Anyways yun! Maagang natapos ang competition at yung school namin ang nag-1st runner up sa girls. Bale may 3 akong perfect quiz. 2 silvers and 1 bronze ang nakuha ko eh. Inspired kasi. Lalo na yung nakita kong pogi kaninang naka-braces na maputi na medyo chinito na naka-boxers lang na color blue and white! Kaya naman kita ko yung ANIM na pandesal niya (abs) Damn! Nagka-eye to eye pa kami. Di ko nga lang alam pangalan nun kaya binigyan ko siya ng nickname. "MR. BOXERS." Okay! Kalandian overload na! Anyways, ayun! Hanggang sa 4:00 palang ng hapon ay natapos na lahat ng events namin. Masaya ako dahil na-break ko yung oras ko, meaning mas bumilis ako. Wala naman akong pake sa medal basta maganda yung langoy at oras ko. Nagkayayaan kami ulit sa mall mga bandang 2:00 na ng hapon. Kaya naman direcho kami agad ng SM San Lazaro nung mga 4:30 na ng hapon. Medyo tinatamad pa kami kaninang 3:00 umalis ng bahay eh. Pagkapasok namin, grabe ang sigawan! Nakakabingi at nakakairita. Pumasok kami ng teammate ko sa department store at lalong lumakas yung tilian sa baba. Nasa 4th floor kasi kami. Tapos nung pangatlong lalong lumakas yung sigawan sa baba eh hinila na ako ng teammate ko. "Ate Mae, halika na please? Punta na tayo" pagmamaka-awa niya. Edi sige naman ako. Siya, tumatakbo na ako, walking on sunshine parin. Hanggang sa.. "Ate Mae! Halika dali." Nakipagsiksikan kami, tumakbo, nakipagsiksikan ulit. Ang daming tao! -_- tapos naka-abot kami sa event center. OMG! Na-star struck ako. What the fudge! Nung mga minutong iyon, tulala lang akong nanunuod sa tabi ng stage at kumakaway sila. Ampogi nila, ang galing pa nilang sumayaw. Kahit na amoy putok yung katabi ko nung ilang sandaling iyon ay tiniis ko. Sobra ang namangha sa nakikita ko. Parang panaginip lang lahat. Naikwento saakin dati ng kaibigan kong swimmer na nakita na rin niya ang Chicser. Super stampede grabe! "Hoy! Ano ngai ginagawa mo? Picturan mo na sila ah!" Sigaw saakin nung teammate ko, malas ko kasi low bat yung mga phones ko. Kaya walang pruweba na pumunta talaga ako doon, just plain memories kung saan alam kong hindi na ako normal na teenager nung mga ilang sandaling iyon. Isa na akong fan girl. Sobrang hindi ako maka-get over sa mga pangyayare. Parang panaginip lang lahat. Ito rin ng unang entry ko sa bagong bili kong journal sa mall nung 15.
~❤~
February 18, 2013
Sobrang hindi ako maka-get over kahapon. Nakarating ako dito sa La Union ng 12:00 midnight. At dahil nga nagka-interes ako sakanila, nag-net pa ako hanggang 3:00 am. Mas lalo akong na-turn on dahil sa mga nalalaman ko sakanila. Super down to earth sila. Si Ranz, familiar siya saakin. Kilala ko siya noon pa mn dahil sa best friend kong lalake.
Hinalungkat ko lahat ng videos nila at lahat ng pwede kong malaman ay inalam ko talaga. Ito yung unang araw sa pagiging fan girl ko. Medyo stalker pa ako niyo. Hinanap ko lahat ng facebook, twitter, instagram, livestream accounts at ultimo skype name! Sumali rin ako sa fan groups na admin si Ranz. Grabe! Ang lakas ng tama ko. Nag-search ako kung kailan yung mga dates ng mga mall tours nila or as Chicser call it, GT (get together). I promised myself no matter what, may kasama man or wala eh pupunta ulit ako sa next GT nila sa SM Rosales. At least yun, mas malapit.
~❤~
February 19, 2013
Puro Chicser na ang laman ng utak ko. Medyo napapansin ng mga kaklase ko na blooming daw ako. Pero di kasi ako lantad na fan girl kapag nasa school. Kapag around friends lang. At dahil nga, gustong gusto kong may kapareho rin akong fan girl na ka-kwentuhan ko para di awkward eh, naimpluwensiyahan ko yung circle of friends ko. Si Oliver kay Geia, Si Ully kay Vien, si Cav kay Rems, si Owy kay Eya. Nakakatuwa lang kasi, first time lang din naming 4 na maging fan girl. Si Rems kasi di siya fan girl, para lang di siya ma-OP kaya ganun.
~❤~
February 20, 2013
Tawanan to the max ang ginawa namin kaninang lunch at recess. Grabe! Nagkwentuhan kasi kami ni Geia tungkol sa Chicser eh na-o-op yung tatlo, ayun! Naimpluwensiyahan ko sila ng bunggang bungga. Jokingly, sabi ko, "hindi ko feel si Ullyses kasi ang weird ng name niya." Then sabi naman ni Geia saakin ng pasungit, "edi ayaw mo rin saakin?!" Napa-'what' look ako sakanya at sabi, "bakit naman?" "Kasi WEIRD." Humalagpak ako sa tawa. The way na sinabi niya yun, grabe! Nakakatuwa. Sa lakas ng tawa ko, napatingin yung mga nakapalibit saaming parents. =))
Tapos sa training naman kanina, sa bandang sprint set na kami. "Take your mark!" Sigaw nung coach namin. Nag-ready na kaming mag-dive. All that was running in my head was "isipin mo si Ranz nasa dulo. Inaantay ka niya dun! May kasamang hug at kiss sa cheeks! Bilisan mo 'to." Medyo malala na ang pagiging fan girl ko. Dito na rin nagsimulang sabihan ako ng mga teammates ko na "OBSESSED."
="="=
Guys, sinong pwedeng gumawa ng cover nito? ide-dedicate ko sakanya yung next update ko. ^_^ Thank you! ❤
Click external link!
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Fan Girl
FanfictieCopyright © 2013 Angie Partain All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the...