November

51 2 0
                                    

November 10, 2013

Grabe! Feeling ko bukas palang yung pinaka-first day ko this 2nd sem. Paano, last week eh medyo na-ospital ako dahil nga na-dengue. Ayun! Buti nalang naagapan agad. On the way ako ng Baguio kaninang 10:00 AM dahil nga akala ko eh may GT ang Chicser ngayon sa Baguio. Buti nalang walang masyadong tanong nanay ko as to bakit maaga akong aakyat. On the way, tinawagan ko si owy. Thank goodness at sinagot niya! 9 months din inantay ko ah! Ayun! Buti nalang sinabi niya na wala silang GT ngayon kundi para akong tangang tatakbo siguro direcho sa event center. Kaya ayun! Gumala nalang kami. Wala eh. Nag-dairy Queen, kumain ng lunch.

November 11, 2013

11-11 date ngayon. Let's make a wish. Oo! Pinapaniwalaan ko yan kasi alam ko balang araw, mangyayare rin lahat ng iyon. Medyo maingay ako ngayon sa classroom. Sabi nga ng mga kaklase ko eh para raw akong hindi galing sa sakit. Paano ba naman kasi, ang lakas ng trip ko! Dinengue ako the past few days eh. Pero okay na ako ngayon. ^_^

November 13, 2013

Ayun! Ka-lakas nanaman ng trip ko, akala mo di nauubusan ng energy eh! Paano, uminom ako ng root beer. Ganun ang nangyayare saakin kapag naka-inom ng soda/pop. Sabi nga nila para daw akong lasing na ewan. Lahat ba naman kasi ng tao eh pagtripan ko! Tapos nung English class ko, sa sobrang boring eh talaga namang nabaliw ako! Pinagre-raise ko ng kamay yung mga katabi ko pero akong sumasagot. Tapos kapag tumahimik yung room at maski yung teacher eh hindi nagsasalita bigla akong kakanta. "What does the fox say?" Yun lang yung lyrics na sasabihin tapos biglang itinuloy nung mga nasa harap ko. "Ding ding ding ding diding ding.." Tapos sabay sabay pa kaming tumawa. Tapos biglang nagsimula yung dalawang katabi ko ng knock knock jokes. Tapos nung turn ko na... "Knock knock!" "Who's there?" "Kyle-angan kita ngayon at kailan man." Then I realized hindi ko pala sinabi kung sinong meron. Epic fail. Eh yung time na yon, nagdi-discuss yung teacher namin biglang nagtawanan kaming tatlo na sobrang lakas to the point na tumingin yung teacher namin saamin. Yung advantage doon eh, WE'RE COLLEGE STUDENTS! Walang pake yung teacher kung mag-ingay ka or kung ano pang gawin mo basta may maisagot ka. Tapos sumasayaw pa ako habang kumakanta. :)) grabe ano? Baliw na talaga ako. Tapos pagdating sa dorm di ko mapigilan yung sarili ko na mag-make up. Kinulot ko yung buhok ko, naglagay ng kaunting lip-stick at lip gloss at nag-pulbo. Pagkatapos ay nagpaka-vain. [follow me sa IG: @angiepartain] ayun! Hanggang sa dumating yung dormmates ko isa isa at may dalang donuts yung isa, grabe! Lalo pa akong na-hyper. Tawa kung tawa. At kahapon nga pala, birthday ng best friend ko na talaga na,ang fan girl. Si eya. Tina-try kong textan si owy para gawin niya yung request ko para kahit papano masaya si eya. Kaso di naman nagrereply. Tapos pag tatawagan, di niya sasagutin. -_- okay! :))

November 17, 2013

I checked my twitter and facebook, BOOM! Bungga! Puro chicserifics ang friend requests at follows. Nakakatuwa nga eh. :") tapos I got to chat with Ranz! AS IN! I'm like waaaaaa! Akala ko nga nung una poser na account ni Seah na poser rin na ginagamit ni Ranz pero nung nag-status ako ng "makuha ka sa seen! Ge. Push mo yan. :))" biglang nagstatus rin si Ranz sa official account niya ng "sorry sa mga na-seenzone. Mahina yung net. Next time nalang ulit. Good night." Omg talaga! Grabe! Confirmed. Eh nagreply naman siya ng onti tapos after ilang minutes eh talaga namang na-seenzone ako. :))

Ang Diary ng Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon