September 06, 2013
Nakuha ko yung skype name ni Owy at Seah today! Pati rin pala yung wechat name ni Ranz. Ang saya ko grabe! super papansin nanaman ako! ewan ko ba feeling ko napaka-blessed kong tao ngayon.
~❤~
September 07, 2013
Naka-chat ko si Seah. Ang bait niya, hindi siya snob. Hindi ito yung unang pagkakataon na maka-chat ko si Seah. Dahil madalas siyang online. Yup! Friend yung official account ni Seah (Chelseah Hillary Ongsee--sister ni Ranz). Pati rin yung accounts nila Owy, Oliver, kuya Ully, ate Marrol Lim(kapatid ni Trisha Lim), ate Danica Piscalin(ex ni Oliver Posadas) at Trisha Lim(ex ni Ranz). Yung totoo, ayaw ko kay Trisha. Medyo iba kasi yung approach na nasalubong ko eh. Pero simula nung ma-accept niya ako sa fb, doon ko nalaman na mabait pala talaga siya. Nag-wall post pa nga siya saakin eh. Pinagbibigyan niya yung mga fans niya kahit papano.
~❤~
September 13, 2013
College life, mahirap oo! Pero dahil nga sa Chicser eh kinakaya ko yung hirap. Sila na yung pinaka-INSPIRASYON ko sa lahat ng ginagawa ko eh. Nakakaya kong i-juggle yung pagiging fan girl, swimming career ko, at studies.
May klase ako ngayon--malamang friday palang naman eh. Pero ang hindi ko alam talaga ay nandito ang Chicser sa Baguio, saka ko nalang nalaman nung 2nd to the last subject namin for the day. Buti nalang may nagdala ng pocket wifi yung classmate ko at naki-connect ako. At doon ko palang nga na-confirm na nandito sila sa Baguio dahil sa picture ni tito Nino of Niana and tita Elcid. Hanggang sa natapos na yung klase namin for today. hindi ko alam ang gagawin ko. Nataranta ako for some reason. Hindi ko naman pwedeng libutin ang buong Baguio para lang makita ko sila diba? Pero ang lakas talaga ng kutob ko na pumunta dapat sa session. 3:00 yun ng hapon. Hindi ko alam pero may natutulak saakin na pumunta talaga doon. Ewan ko ba. Nakita nung teammate ko sa swimming ang Chicser at naka-shake hands niya pa si sweetheart ko! (Ranz). Alam ko kasi nagtext siya. Kaso, late na nakarating saakin. mga 10:00 na yun ng gabi. -_- Sobrang nainis talaga ako sa globe nun.
~❤~
September 14, 2013
Akalahin mo yun, nagawa kong gumising ng 4AM?! Eh 5:30 pa dapat gising ko. Naunahan ko pa yung alarm ko. At 1:00AM ako natulog kagabi. Sobrang excited eh! nalaman lang na nandito yung Chicser, para na akong baliw. =)) After ng remedial classes namin ng 1:00PM, dumirecho ako agad ng dorm para makapag-twitter. Nagbabakasakaling sabihin ni Ranz kung saan sila ngayon dito sa Baguio. Sobra akong nataranta nang mabasa ko yung tweet ni Ranz na "Off to SM Baguio" agad akong tumayo nang kakaupo ko palang! -_- At lalo pa akong nataranta nang makita kong yung post eh kanina pang 11:00AM. "Sh*t. Sh*t. Sh*t." Yun at yun nalang ang lumabas sa bunganga hanggang sa pumara ako ng jeep--kahit na malapit lang yung SM at pwedeng lakarin. Nang makarating ako ng SM eh tinakbo ko papuntang Penshoppe. WALA SILA! -_- Pumunta akong Dept. Store, wala rin. Pero hindi ako agad nag-give up kahit na ako lang mag-isa pumunta ng SM. Oo! Kinain ko rin yung sinabi ko kahapon. Wala na akong pake kung mag-mukhang tang* akong pumunta ng SM. Nang malibot ko ang buong SM--except parking lot--eh hindi parin ako nag-give up. Lumakas lalo yung ulan. Wala akong pake kung mabasa man ako sa pag-uwi basta makita ko lang ang Chicser, okay na ako. Ganun ko sila ka-mahal eh. Kahit na para kaming naglalaro ng hide and CLAP. =)) De joke. Hide and seek ay okay langna kahit ako yung taya. Pinilit kong tawagan yung number ni Owy at Ranz, UNATTENDED. Hanggang sa naka-2 hours na akong umaakyat, baba ng mall. Doon na ako nag-give up. To the point sa sobrang naiiyak na ako. Di ko alam gagawin ko. Feeling ko talaga sobrang malas ko. Kung kailan nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ko sila ng hindi sila nag-g-GT dito eh hindi ko man lang nagawa. =(( Hindi ako maka-tulog nung gabing iyon. Ultimo pag-PM ko kay Ranz eh sobra kung sobra. Kung tutuusin, nakakahiya yung ginawa ko. To think na college na ako, ganun parin ako umasta.
~❤~
September 20, 2013
The past few days inintriga ako ng mga kaklase ko kung nakita ko raw ba ang Chicser. Yung feeling nung maitanong nila yun saakin para nila ako sinasampal. GANUN YUNG FEELING. MASAKIT. Bakit? Kasi, matagal ko nang hiniling na pumunta ang Chicser sa Baguio kahit na hindi nila GT pra kahit papano eh pwedeng matagal mo silang makasama at makipag-kwentuhan. Pinagbigyan ako ng tadhana na makita sila eh. Pero parang wala akong ginawa para makita ko sila. Sobrang pagsisisi ang ginawa ko.
~❤~
September 21, 2013
Nakalimutan kong i-share I have made friends nga rin pala. Meron akong little sisters, mayaman ako dyan! Meron din akong ka-age ko lang din na sisters. Of course from all over the Philippines yan! Mapa Luzon, VIsayas, or Mindanao man yan! Nakaka-taba ng puso kasi kahit papano, dumami lalo yung friends ko dahil sa Chicser. Pero nag-lie low muna ako sa pagiging fan. Oo aaminin ko, medyo naapektuhan ako sa mga nangyare the past few days. Hindi ako nagparamdam sa page namin, kahit sa facebook, twitter at instagram hindi ako nag-online. Iwas muna ako sa mga social networking sites. Pero isa ring reason is marami kami kaming hinahabol sa school. I can't give that up naman diba? Lalo na't medical course ako. I was kind of giving up sa pagiging fan girl.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Fan Girl
FanfictionCopyright © 2013 Angie Partain All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the...