May

69 2 0
                                    

May 01, 2013

Malapi na ang birthday ni sweetheart, naalala ko nung SM Rosales super nag-enjoy ako. This time, ita-try kong pumunta naman ng Marilao. Medyo may kalayuan saamin, 6 hours at least ang byahe, pero para kay Ranz sige! Kaya naman napag-isip isip akong gumawa ng regalo para sakanya. At yun ang ginawa o the whole month of april.

Nung 18 ng April, flight namin papuntang Dumaguete. Naiwan ko kasi itong diary ko kaya di na ako nakapag-sulat. At yun na nga, napag-desisyunan nila mama na sa UB daw ako mag-aaral ng Dentistry. Oo sila nag-desisyon. Lagi naman eh.

Sa May 05 may GT ulit sila, yun yung sa Marilao. Hindi ko rin masisiguro kung yun na yung last na GT na maaattendan ko kasi nga college na ako. Baka mawalan na rin ako ng time or conflict sa schedule ko. Tsaka, wala rin akong ginagawa this summer kaya wala akong reason not to go to Marilao. At dahil nga nanay at tatay ko ang nagde-desisyon ng lahat saakin this coming college ultimo kainin ko kada araw eh eto nalang siguro yung desisyon ko na ako talaga yung may gusto at hindi labag sa kalooban ko.

Sa official account ni ranz sa fb, nag-post siya ng pic na naka-pink siya. Saktong sakto nung pagka-online ko kakapost niya palang kaya ako ang 1st liker at 1st na nag-comment. Tapos nag-off din ako agad. After 20 minutes, nag-OL ulit ako at nakita kong nag-comment siya ng smiley sa comment ko. :"> eto yung first time na mapansin ako ni ranz sa net world.

~❤~

May 02, 2013

Palapit na ng palapit ang kaarawan ni Ranz pati na rin ang GT nila sa Marilao. Excited na ako. Medyo naging possesive na rin ako. Ewan ko ba. Kay Ranz na umikot yung mundo ko. Kaya wala rin akong boyfriend. Siya rin ang dahilan kung bakit ang taas ng standards ko pag dating sa lalake. Oo nga pala, nakabili na rin ako ng self-titled album nila. Yung gold edition. Nung nasa store ako hindi ko mapigilang tumili at i-hug yung album nung una kong makita. Sobrang nakaka-in love yung kanta nila. Na-mention pa yung name ko sa 'hello i love you' na song nila. "Hello Mae, Mae hihigit pa ba sayo?" Para na ngadaw akong baliw sabi ni mama kaya binilhan ako ng 2 dozens ng Krispe Kreme.

~❤~

May 04, 2013

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare ngayon. Parang panaginip lang lahat. Gumawa ako ng video para kay Ranz na sana eh mapansin niya for his birthday. Then napansin kong online si ate Danica Piscalin, yung ex ni Oliver Posadas. And yes! Friend ko official account niya. Prinivate message ko siya then clinose ko rin agad kasi syempre, medyo nahihiya pa ako. At nagulat ako nang magreply siya. Grabe! Nakakataba ng puso kasi ang bait bait niya. Mamayang 3:00 ng madaling araw ako luluwas papuntang Marilao.

~❤~

May 05, 2013

Imbess na 3:00 AM ako magising eh nagging 5:00 AM! Akala ko pa nga, di na kami matutuloy eh. Nang makasakay kami ng bus sobrang natataranta ako. 2 hours daw kasi ang byahe papuntang bulacan mula maynila. Grabe! Imbess na i-tulog ko pa eh wala. Ni kumain hindi na rin! Kahit meryeda, wala. Pagdating sa bus station sa manila, takbo agad papuntang sakayan ng bulacan. Pagkatapos ay nag-jeep pa papuntang SM Marilao. Nang makarating doon ay medyo marami rami na rin ang tao sa event center. 2:00 na ng hapon nang maka-upo ako at inaantay ang 4:00. I made friends, isa doon si Monique. Napansin kong, may number siya ni Ranz kaya nainggit ako. Sabi ko pa sa sarili ko "makukuha ko rin yang number ni Ranz. Tiwala lang." Hanggang sa lumabas yung dalawang hosts at namili ng 10 lucky girls para maka-upo sa mismong harap. Ako, dahil makapal ang mukha ko eh tumayo sa upuan at sumigaw ng "AKOOOO!!" To the point na para na akong baliw na tinitignan. Nng nag-give up na ako dahil ang dami nilang satsat eh bumaling yung tingin ko sa right side ko at nakita ko si tito Niño. Grabe! Napasigaw ako ng di oras sa katabi ko. "Huy! Si tito Niño!" Sabay tayo ako at turo. Biglang nagtayuan lahat ng nakapalibot saakin at nagsilabasan ng camera. Lahat nakatingin saakin tapos tinignan kung saan ako tumuro. Haha! Natapos ang GT nila nang may ngiting nakapinta sa mukha ko. Hindi man ako yung napiling lucky girl eh feeling ko lucky girl na rin ako kasi meeting Chicser for the 2nd time is way beyond my expectation. Marami akong naging kaibigan dahil sa kanina hanggang sa pumila para sa meet and greet. May picture at autograph na nila ako. Nakarating na ako ng La Union ng 3:00 ng madaling araw.

~❤~

May 06, 2013

Happy birthday Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee, my sweetheart. Sana nabasa niya yung letter ko at sana binuksan niya yung gift ko sakanya.

~❤~

May 07, 2013

Hindi ko alam pero napapangiti ako sa tuwing makikita ko yung wallpaper ko sa iPad, picture namin ni Ranz. :"> enrolled na rin pala ako. At simula June 8, sa Baguio na ako titira. College girl na ako. Kaya naman, inakyat ko na yung first batch ng bagahe ko.

~❤~

May 08, 2013

Strawberries really do make my day. :"> walang kuryente the whole afternoon kaya wala rin akong masyadong ginawa kundi mag-piano ng mag-piano. Inaral ko yung payphone, a thousand years part 2, kiss the rain at river flows in you. At dahil nga pagtumigil ako wala akong magagawa, mabilis kong natutunan tugtugin yung mga yun.

~❤~

May 12, 2013

Ang boring nanaman kaya text, piano at iPad ang ginawa ko the whole day. -_- Napag-isipan kong mag-bake kaso walang ingredients. Gusto ko sana ng cream puffs or brownies or blueberry filled cupcakes. Pero wala eh. Eh kating kati na akong makapag-net pero wala kaya kumain nalang kami ni mama sa labas.

~❤~

May 29, 2013

Feeling ko, napakawalang kwenta kong fan girl kasi hindi na ako updated sa Chicser. Ilang weeks na ang nakalipas. Tuloy! Di ko napanuod si yung livestream ni Ranz. =(( anyways, I just got me a japanese spitz and named it tip toe. Ayoko sana ng japanese spitz, kahit kailan di ko pinangarap. Mas feel ko ng maltese poodle or sana papillon.

Ang Diary ng Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon