April

74 3 1
                                    

April 07, 2013

OMGiiiiieeeee!!! Hindi ako maka-get over kahapon! I saw Chicser for the second time! This time, UP CLOSE IN PERSON. After nung GT nila biglang lumabas si tito niño, yung father ni Ranz and manager ng Chicser, he said magkakaroon daw ng meet and greet, pero saglit lang. Dapat nga daw wala pero pinilit kasi ng Chicser na kahit saglit lang, dahil nga kasi may practice sila para sa Party Pilipinas. Super saya ko! Abot hanggang tenga na ngiti ko. Kung pwede pa ngang lumagpas hanggang outer space aba, ganun! Nagsiksikan kami sa linya. Then as I was approaching the stage, sobrang bilis ng kabog sa loob ng dibdib ko. Feeling ko sasabog na. At lalong lumakas nung makita ko na si Owy. Siya yung pinaka-una kong shinake-hands tapos hinug ng uber sa tight. Tapos si Cav, then si Ully, then si Ranz! Omg! Then si Bibs, then si Oliver. Grabe! Buti nalang nakuhanan ng ate ko sa video. Shemay! Ang saya ko! At bago pa ako bumaba sa stage ay inalalayan pa akong makababa ni Oliver. OMG talaga! Ang bait! :"> Best feeling. Mas best pa siguro eto kesa sa mga feelings na naramdaman ko nung may boyfriend. Haha! Pero ang pinaka di ko makakalimutan eh nag-i love you-han kami ni ranz nang mag-hello siya saakin.

~❤~

April 08, 2013

Chicser live at Party Pilipinas! First time kong manuod sa GMA. Grabe! Tili ako ng tili habang nanunuod. Pati sila mama at mga pinsan ko, nanunuod din. Hahaha! Medyo ka-vibes ko sila pag sa mga ganyang bagay eh! =))

~❤~

April 10, 2013

Medyo BV ako ngayon. Buti nalang may picture si Ranz tsaka yung picture naming magka-hug kaming dalawa tapos naka-ngiti siya. :"> kahit blurred at least meron. :"> okay na yun para ngumiti ulit ako. Dito rin nagsimula na paulit-ulit kong papanuorin yung video ni ranz sa Youtube na mag go-good night na may flying kiss. OMG lang. Tapos syempre ako naman huhuliin ko kunyare yung flyin kiss niya tapos sabay hawak sa puso. Haha! Wala eh, sweetheart yan eh!

Ang Diary ng Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon