Chapter 1
Jayne Chandria Bernardo's pov (point of version)
My name is Jayne Chandria Bernardo, oo Bernardo ako. Mula ako sa isa sa pinaka mayaman at sikat na pamilya sa buong asia. Valedictorian ako since birth, hindi dahil sa connections kung hindi dahil sa pinaghihirapan ko talaga. Ayokong umasa sa parents ko, gusto ko kapag isang araw nasabi ko "I made it" ako mismo may gawa, pinaghirapan ko talaga.I'm currently studying at St. Fatima high school, syempre private school siya. Isa din sa pinaka malaking school dito sa pinas.
I can have anything i want but not everything.
Maganda ako, mabait (it's up to you ofcourse) friendly, matalino and maayos ang pamilya ko pero, no boyfriend since birth. Syempre never been kissed, never been touched ang prinsesa ng mga bernardo. May kapatid ako, si kuya Nicolas.
Si kuya Nicolas ay successful businessman sa America kasama ang pamilya niya."Hoy Chandy! Andito na tayo! Lalim ng ini-isip ah? Baka nalunod ka na niyan? Sino yan? Pinagpapalit mo na ako?" Sunod sunod niyang tanong tapos nag pout. Binatukan ko naman. Akala niya gagana pagpa-cute niya sa akin, pero cute naman siya.
"Loko loko. I was thinking about.. uhm life. Mat? Maganda naman ako diba? Bakit walang naliligaw sa akin?" Wala sa isip kong tanong.
"Gusto mong magpaligaw? Akala ko ba asawa mo na si Harry?" Natatawang sagot naman niya. Napa-iling naman ako at lumabas ng kotche. Actually wala nga akong kaibigan dito, si Matt lang paano ba naman, napaka seloso. Kaibigan nga wala, manliligaw pa kaya?First day ng second sem namin, as usual hatid-sundo ako ni Matthew, bestfriend ko. Napagka-kamalaan nga kamimg mag-boyfriend/girlfriend eh parang kapatid ko na to, incest yon, bawal! Paano ba naman kasi, dati pa lang kaming dalawa na lang ang laging magkasama, buti nga hindi namin napagsasawaan ang isat-isa eh.
BINABASA MO ANG
Destined for you
Romance"Naniniwala ako sa kasabihang 'People come and go in your life' yung tipong papasayahin ka nila tapos iiwan na lang bigla ng walang paalam, walang kasiguraduhan na babalikan." - Chandria, 2016