Chapter 7
Casmir's pov
Na-disappoint naman ako noong tinanggihan niya ako. Natutuwa na ako habang kasama siya. Unti-unti kong nakakalimutan yung mga nangyare sa amin ni Astrid. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na ayaw na niya? Pero hindi eh, sabi nila, kapag mahal mo, ipaglaban mo.
Nag-decide akong pumunta sa mall kahit mag-isa lang. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na si Astrid, lalapit sana ako, malay mo diba, maayos na namin. Pero napansin ko, may Y pala siya. Ang sakit palang makita yung taong mahal mo na masaya, masaya sa piling ng iba.
Naalala ko yung mga pangarap namin, pero tingin ko ngayon, mag-isa ko na lang magagawa lahat ng mga yon.
Gustong gusto ko siyang lapitan, gusto kong itanong kung bakit, paano. Ang bilis niyang naka-move on 'no? Oh baka, matagal na pala siyang pagod? Bakit nga ba siya napagod? Saan ba ako nag-kulang?
Yung kahit ang sakit sakit na, okay lang, basta nakikita mo na masaya siya.
"Hey" Biglang bati sa akin. Kilala ko yung boses na yun. Yun ang babaeng mahal ko. Para akong na-stuck sa kinatatayuan ko.
Iba din palang makita yung babaeng pangarap mo na masaya habang nasa piling ng iba? Pero okay na din, kesa naman magkasama kami pero hindi naman siya masaya.
Ang saya niya talaga, ang saya niya habang kasama yung lalakeng yon."H-hello" Nauutal kong sabi. Ano bang nangyayare sa akin.
"May kailangan pala akong puntahan, bye." Pagsisinungaling ko at umalis na.
Hindi ko kasi kayang makita na masaya siya, sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
Destined for you
Romance"Naniniwala ako sa kasabihang 'People come and go in your life' yung tipong papasayahin ka nila tapos iiwan na lang bigla ng walang paalam, walang kasiguraduhan na babalikan." - Chandria, 2016