Chapter 8
Matt's pov
Ayos naman yung gabi namin, kwentuhan, tawanan. Ang saya ko lang kapag kasama siya, ang simple niya pero nagagawa niyang espesyal ang bawat sandali.
"Oh tulala ka?" Biglang tanong niya.
Tinitigan ko na lang siya. Ang ganda niya. Hindi nga siya naka-make up o ano, pero ang ganda talaga niya.
"Hoy!" Sigaw niya sabay hampas sa akin.
"Oh, may sinasabi ka?" Wala sa sarili kong tanong. Baka mamaya nagk-kwento siya hindi pala ako nakikinig.
"Oo. Kanina pa akong nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig." Sabi naman niya at nag pout. Ang ganda na nga, cute pa.May ilang minuto din kaming naka-tingin sa langit ng pinutol ko yung silence.
"Tara doon sa may pool." Aya ko naman at umupo kami sa gilid ng pool area.
"Bakit? Paraan saan? Ang ganda kasi ng lahat ng 'to, bakit kailangan mo pang gawin?" Tanong niya.
"Eh kasi.." Paninimula ko.
"Paano ko ba sasabihin 'to" Sabi ko at kinamot ulo ko, kinakabahan ako. Aamin na ba ako?
"G-gusto kita" Nau-utal kong sabi.
"Hindi ko alam kung paano, kung kelan nag-simula pero gusto ko, ako lang lagi mong kasama. Gusto ko, ako yung nagpapangiti sayo palagi. Nakaka-selos nga eh, kapag nakikita kitang may kasamang iba. Hindi ko naman ine-expect na ganon din ang nararamdaman mo para sa akin, pero sana naman hayaan mong iparamdam ko sayo 'to. Mahal na mahal kita, at seryoso ako don." Sunod sunod kong sabi.Nakatingin lang siya sakin. Bumuka ng konti ang kanyang bibig na parang may sasabihin siya pero itinikom niya ulit iyon. Shit.
Paano kung ayaw niya na sa akin? Paano kung umiwas na siya? Paano kung mag bago pikikitungo niya sa akin? Mawala na ang lahat ng tao sa paligid ko wag lang siya.
Jayne's pov.Napakagat na lang ako sa labi, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Biglaan na lang lahat. Hindi ko ina-akala na yun ang sasabihin niya. I don't know what to say. Hindi ko ine-expect na magugustuhan ako ng best friend ko.
Kapatid kasi ang turing ko sa kanya. Pero... bakit nung sinabi niya yun biglang bumilis ang tibok ng puso ko?"Hindi ko naman ina-akala na ganto yung sasabihin mo, hindi rin kita pagbabawalan kasi hindi fair yon, so bakit hindi? Bakit hindi i-try? Basta sana, kung hindi maganda ang mangyare magkaibigan pa din tayo ha?" Sabi ko at pinatong ang ulo sa balikat niya.
"Matanong ko nga pala, saan ka galing kanina? Ba't ang tagal mong umuwi?" Sabi niya ng naka-kunot ang noo. "Ah eh, bumili ako ng gamit para sa project, napatigil lang din ako sa park, nakakamiss yung dati, noong masaya tayong naglalaro, pati kasama si Liam, nakakalungot nga at bigla na lang siyang nawala" Sagot ko, pasensya na sa pagsisinungaling Matt, ayoko lang sirain etong perfect moment.
"Wag kang mag-alala, gagawa tayo ng bagong memories, yung mas maganda." Naka-ngiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Destined for you
Romance"Naniniwala ako sa kasabihang 'People come and go in your life' yung tipong papasayahin ka nila tapos iiwan na lang bigla ng walang paalam, walang kasiguraduhan na babalikan." - Chandria, 2016