Chapter 3

38 2 0
                                    

Chapter 3

Jayne's pov
Andito kami ngayon, kumakain ng ice-cream pero gusto ko pa din sana yung stuff toy, mukhang ayaw kunin ni Mat, wala na akong magagawa.

"Tara, uwi na tayo." Sabi niya at tumango naman ako.

Tahimik buong byahe at noong nasa tapat na kami sa bahay namin, bumaba na ako. Mag "B-bye" pa sana ako kaso naka-alis na pala siya. Saan ba yon pupunta? Nagmamadali. Tsk, may pupuntahan na babae?

Pagpasok ko ng bahay, ang tahimik, walang tao? Deretso na lang ako sa kwarto ko and pag bukas ko, himiga na lang ako sa kama. Nakaka-inis si Mat, nagyaya mag-mall tapos akala ko mae-enjoy namin pero hindi pala. Hindi ko talaga papansinin yon. Nakakatampo lang. Bakit suddenly ganon yung kinikilos niya? Hindi naman kami ganon noon. Real quick nag bago. Dahil ba ito sa babae niya? Nagsisimula pa lang sila ganto na kami? Paano kapag sila na? Ano ng mangyayare? Uh, Chandria kasi wag kang mag isip ng ganyan baka may aasikasuhin lang siya. Pero paano nga kapag may babae ng nagugustohan si Matt? Pag nagka-girlfriend na siya? Kailangan ko ng mag-adjust, mas sanay na walang Matt. Kailangan kong matuto na mag-isa lang ako at hindi yung aasa ako sa iba.

Tinaas ko braso ko kaso parang may nakapa ako,pag tingin ko, oh my god? Seryoso ba 'to? Yung stuff toy na minion!!! Yung gusto kong kunin sa arcade kanina. Pagkayap ko agad kong tinawagan si Mat. Sigurado akong siya ang may pakana neto. Kaya mahal ko tong bestfriend ko.
[Maaaatt!! Di mo man lang sinabi sa akin!! Thank you!] pasigaw kong sabi.

[Huh? Anong sinasabi mo, Chandy?] Nagtatakang tanong naman niya.

[Yung stuff toy na gustong gusto ko!! Grabe akala ko naman hindi mo tutuparin yung wish ko]

[Chandy hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasasabi mo?]

[Yung stuff toy nga na minion!! Kanina sa arcade, yung gustong gusto ko!! Katabi ko ngayon uwaaah and I think ikaw ang may pakana]

 I heard Matt's laughed. What's funneh?

[Chandy, wala akong pinapadala dyan. Busy ako sa ngayon eh. Bye]

Binabaan na lang niya ako. Siguro nahihiya lang yon at ayaw umamin. Basta ako, masaya ako kasi may minion na ako. Bait bait talaga ni bestfriend, he never failed on making me happy.


Destined for you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon