Chapter 6

33 4 0
                                    

Chapter 6

Matt's pov

Ilang araw ko na bang ini-iwasan si Chandy? Ang hirap kasi. Lalo na kapag may ibang lalake na luma-lapit sa kanya? Gustong gusto ko talagang patayin eh. 3 days ko na atang ini-iwasan yon. Lalapit siya, lalayo ako. Buti naman at nakakasama niya si Crystal, ka-batch namin yon. Sweet naman yon, sa pagkakaalam ko kaso may pagkamasungit kapag may topak. Hahaha. Kapag napapakinggan ko na nagkwe-kwentuhan sila ni Chandy puro cholo na lang ang bukang bibig, crush niya ata eh. Siya lagi ang nagsasalita, hindi man lang napapaos?

Kaya ko lang naman ini-iwasan si Chandy, may suprise ako para sa kanya today. Wala lang, hindi ko nga alam kung ano tong trip na to.

Buong araw akong hindi pumasok para mai-prepare lang 'to. Gusto ko lang maging memorable tong araw na to sa amin. Tamang tama, alam kong after school hindi siya agad uuwi dito sa kanila, yes andito ako. Alam naman nila tito at tita, syempre.

5 na, wala pa din siya. Naligaw ba siya sa store? Ano bang nangyare doon at ang tagal umuwi?

5:30, wala pa din siya? Ano bang kailangan niya para sa project na yon at ang tagal na tagal?

May biglang nag-bukas ng pinto, she's here. Andito na siya. Pero shit, 5:45 na siya naka-uwi eh 4:30 ang tapos ng klase? Tumindig ako sa kinauupuan ko at sinalubong siya, kinuha ko muna yung mga dala-dala niya at pagkatapos niyakap siya at hinalikan sa noo, lagi ko naman ginagawa to. After that binaoon ko na yung mukha ko sa braso nya, god, namiss ko siya. Sobra.

Gusto ko sanang tanungin kung anong ginawa niya at ngayon lang umuwi pero ayokong masira yung gabi namin.

"Hey, let's go" Pinutol ko yung silence at hinila siya papunta sa pool area, but before that tinakpan ko muna yung mga mata niya. Sana magustohan niya.

Jayne's pov

Dahndahn kaming nagla-lakad ni Matt papunta sa pool area, tinakpan pa niya ang mga mata ko. Ano kayang trip neto ngayon.
Habang naglalakad kumakapa kapa ako, in case lang, baka madapa ako. Pero parang di mangyayari yun kasi todo alalay siya sakin.
Huminto kami sa... hindi ko alam. Nakatakip pa kasi sa mga mata ko ang mga kamay niya. Ano kayang pakulo nito ni Matt?

Noong tinanggal ni Matt yung kamay niya na nakatakip sa mata ko, napa "wow" ako, literally. Ang ganda. Ba't niya ba ako dinala dito? "Uh, bakit tayo nandito? May isu-surprise ka? Ganda naman ah" bitter na sabi ko.

Bigla niya na lang akong tinignan, at yumuko.
 "Uhm, paano ko ba sasabihin 'to.." Nahihiyang sabi niya. Hala? Anong nangyare dito?
"Parasayokasilahatngyan" Sa sobrang bilis ng pagkaka-sabi niya hindi ko naintindihan.
"Paki-bagalan  naman, hindi ko kasi naintindihan" Sabi ko naman.
"Para sayo kasi lahat ng yan" Sabi niya at yumuko ulit.

 Seryoso ka ba?
 Ang ganda kasi ng pagkaka-ayos niya. Napalibutan ng candles yung pool and ang daming petals, plus may table for two pa. "Uh, alam ko naman na gwapo ako pero wag mo naman akong titigan ng ganyan" Sabi naman niya.


Destined for you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon