Chapter 9
Casmir's pov
First day ng school ngayon. Andito ako sa harap ako ng school, ini-intay ako si Jay, baka sakaling makita ko siya.
7 am pa lang, andito na ako, baka kasi maaga siyang pumasok eh. Ang daming natingin sa akin bago pumasok, siguro dahil bago lang ako at hindi nila ako kilala. 8 pa ang simula ng class, ilang minuto na lang mag-bell na pero hindi ko pa din siya nakikita.
May biglang tumabing lalake sa akin, may hawak na bulak-lak at chocolates, hindi man lang marunong. Manliligaw na't lahat hindi pa sinundo yung babae. Maya maya may magandang babae na lumapit sa kanya. Ah, siguro eto yung nililigawan niya?Teka, ang ganda pala.
"Uy Casmir!" Bati niya sa akin, pag tingin ko, si Jay pala.
"H-hello." Nauutal kong sagot, nakakahiya, moment nila um-epal pa ako.
"Una na ako, nagma-madali ako eh." Excuse lang, kasi ang totoo, kanina pa kitang ini-intay. Maglalakad na sana ako, kaso may humila sa akin.
"Sabay na kami sa'yo. Alam ko naman na bago ka lang dito." Napangiti naman ako don, may pake naman pala siya kahit pa-paano. Nalaman ko na same pala kaming section A habang yung kasama niya, section B.
"So, paano ba 'yan chandy? Una na ako ah? Ingat ka, kita tayo mamayang lunch." Pagpa-paalam ng lalake at umalis na.Pumasok na kami sa classroom namin, at umupo siya sa tabi ko, bandang likod. First day siguradong puro presentation lang. Math pala first class namin. "Alam mo, buti na lang magka-klase tayo atleast may kaibigan ako." Paninimula niya. Nagulat naman ako, wala ba siyang kaibigan dito? "Wala kang kaibigan?" Nagtatakang tanong ko naman. "Actually, si Matt lang ang kaibigan ko. Possesive kasi 'yon, ayaw niya na may iba akong kasama. Every year pareho kaming section A, ngayon lang talaga hindi. Medyo bumaba kasi grades niya last sem kaya yun tuloy, nalipat ng section." Kwento niya. Oh, Matt pala ang pangalan noong manliligaw niya.
Natapos yung araw at ang dami namin napag-usapan. Maaga kaming lumabas kasi wala yung last teacher namin.
Nag-drive ako papunta sa pinaka malapit na mall.
Maaga pa naman, nanuod kami ng movie "The conjuring 2".
"Ikaw ha, chuma-chansing ka kanina!" Natatawa kong sabi. Kanina kasi, noong mga nakakatakot na part bigla na lang niya akong yayakapin. "Nakakatakot nga kasi!" Inis niyang sagot. Kanina ko pa kasing ina-asar kapagka-labas namin.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko at imbes na sagot ang natanggap ko, eh hampas. Aray, sakit kaya. Nag-lakad na lang siya palayo sa akin, kaya hinabol ko ay inakap ko mula sa likod, wala akong pake kung pag-tinginan kami.Bigla siyang tumalikod at muntikan na akong mahalikan buti na lang sa pisngi napunta. "Ini-intay kita sa may school, kaso wala ka na. May kasama ka na palang iba." May biglang nag-salita. Oh, si Matt.
Pag tingin ko naman sa kasama ko, naka-simangot naman.
"Kung gusto mong sundan ayos lang." Sabi ko naman sa kanya at tumalikod na lang, alam ko naman na mas priority niya yon. Sino ba ako sa kanya? Kaibigan lang ako, manliligaw siya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinarang, hindi ko na lang siya tinignan.
"Ano ba 'yan, ako yung nagtatampo kanina, tapos ikaw naman ngayon." Sabi niya ng may pa-iling iling effect pa, nakakatuwa ang pagiging childish niya. Ang cute tignan, halatang normal, walang halong arte.Naramdaman ko naman na may biglang humila sa akin. "Saan mo gustong kumain? Libre ko." Natutuwang sabi niya.
"Kung saan mo gusto doon na ako." At nag-lakad na kami papuntang Jollibee.
Nag-order na kami, magbabayad na sana siya ng bigla kong inabot yung credit card ko, at nag-walk out na siya. Kinuha ko na lang yung order at sinundan siya.
"Hoy, Jayne!" Tawag ko sa kanya. Buti naman, tumalikod siya at naglakad papunta sa bakanteng upuan.
Kumain kami, kaso ang tahimik niya, hindi ako sanay.
"Pst!" Tawag ko ulit sa kanya.
"Sorry na uy!" Ulit ko naman.
"Sabi ko naman kasi ako yung magbabayad, tapos in-abot mo naman agad yung credit card mo." Naka-simangot pa din niyang sabi, ang cute niya pa din kahit na nagtatampo.
"Sino bang lalake sa atin?" Tanong ko.
"Ikaw." Sabi naman niya."Oh, yun naman pala, kaya dapat ako nagbabayad, yun din kasi ang turo ng tatay ako, tsaka ako ang nag-aya sayo diba?"
"Oo na nga." Sabi niya at ngumiti, ang simple niya pero ang ganda niya pa din.
BINABASA MO ANG
Destined for you
Romance"Naniniwala ako sa kasabihang 'People come and go in your life' yung tipong papasayahin ka nila tapos iiwan na lang bigla ng walang paalam, walang kasiguraduhan na babalikan." - Chandria, 2016