Untitled Part 5

28 3 0
                                    


Chapter 5

Jayne's pov

May project kami na kailangan i-submit bukas, kaya kailangan ko matapos ngayon. Kulang ako sa materials, hindi ko tuloy natapos kagabi.

 On the way ako, pipili ng ka-kailanganin. Magpapa-sama sana ako kay Mat, kaso di siya pumasok at wala rin syang message sa akin. Ano kayang nangyare? Ah, baka siguro timad lang. Kapag kasi may sakit yon nagpapabantay pa sa akin.

Pumunta na ako sa store para bumili ng gamit, sure ako nakuha ko na lahat.


 Habang pauwi ako, napadaan ako sa playgroud. Naalala ko tuloy, noong na-meet ko si Liam Payne noong bata pa ako. Dejk. Si Liam, naging kaibigan ko. Lagi kaming naglalaro diyan. Tanda ko pa, noong umiyak siya kasi nadapa siya. Yun, yung huling araw na nakausap ko siya. Nakaka-miss din pala yon, kahit iyakin.


Napa-upo na lang ako, ng may umupo din na lalaki sa tabi ko. Ang tahimik ng atmosphere. Napa-silip ako sa kanya. Naka-tingin lang sya sa langit, para bang ang lalim ng ini-isip.
Parang ako lang pala, tuwing may problema ako, dito ako pumupunta. Nagi-isip, magpapahangin.
Gusto ko sanang kausapin, kaso parang ang feeling close ko kapag ganon?

Pero hindi ko napigilan na hindi magsalita. "Hi. May problema ka ba?" Sabi ko. At tsaka ko narealize na, ang tanga ko pala para tanungin yun. Halata namang may problema. Nagulat ako ng marinig ko ang mahina niyang paghikbi, pigil na pigil pa siya eh. Ano kayang problema nito?

"Hey, hindi ba nakaka-tuwa? Nawala lang ako ng isang linggo, break na kami ng girlfriend ko. Ang mas masaya, sa facebook pa siya nakipag-break sa akin. Pagbalik ko naman dito, nakita ko siya sa mall, akala ko pa naman matutuwa ako, kaso hindi eh. Kasama niya yung boyfriend niya. Yung reason kung bakit kami nag break." Dere-deretsong sabi niya.
Nakikinig lang ako sa kanya. Gusto kong tumulong. Pero hindi ko alam kung paano.

"Bago pa lang kami pero akala ko, siya na yung babaeng papakasalan ko. Akala ko lang pala lahat. Noong nakita ko sila ng boyfriend niya, gusto ko na ng patayin yung lalake, pero pag tingin ko ulit. Never ko pang nakita siyang ganon ka-saya habang kasama ako. Ang pinaka importante sa akin, makita siyang masaya, kahit wag na ako" Pagpapatuloy naman niya. Pag tingin ko, may tumutulo ng luha sa mga mata niya.

Hindi ko napigilan sarili ko at pinunasan ko ang luha niya.

 "Lahat ng tao, deserve maging happy, hindi man ngayon, pwedeng rin bukas or someday. Isang araw na bigla ka na lang masaya. Sabi nga nila, mas maganda yung un-expected diba? Kesa mag-expect ka tapos hindi naman pala mangyayare" sabi ko naman.

Napangiti naman siya. "Salamat. Salamat sa pakikinig. Liam nga pala." Sabi niya at nilahad ang kamay niya, asking for shake hands. Shit, napaisip tuloy ako, Liam?! Hay, chandria yaan mo na. Baka, coincidence lang.

"Jayne" Simpleng sabi ko at nakipag-shake hands.

"Ano, tara? Libre kita?" Masaya niyang sabi. Ang gwapo pala niyang tignan kapag naka-ngiti. Sheet, crush ko na to.

"Next time na lang? May project pa kasi akong tatapusin." Nahihiya kong sabi. Nag-offer na nga eh, tinaggihan ko pa, ano ba yan Chandria.

Napatingin naman siya sa I.D. ko. "Ayos lang, pareho lang naman tayo ng school so, see you around. Bye Jay!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Maya-maya wala na pala siya.


Destined for you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon