PROLOGUE

181 10 1
                                    

PROLOGUE

Italya, 1902

UMALINGAWNGAW ang maselang tunog ng porselanang baso na inilapag sa mesa. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ng Marchesa habang tinatabihan sa silya ang asawang nakatitig lamang doon sa baso sa kanyang harap.

"Kailangan mo nang uminom ng gamot, mahal ko," anang babae sa wikang italyano kasabay ng pag-angat ng tasa. "Para mabilis na maghilom ang iyong pinsala."

Hindi nagsalita ang Marchese. Sa halip ay itinikom lamang nito ang bibig upang ipahiwatig sa asawa ang mariin niyang pagtanggi. Sukat doon ay ibinagsak ng babae ang porselana sa mesa na tila ba nagalit ng husto. Kalahati sa lamang likido ng baso ay tumilapon sa tapeta. Tumiim ang kanyang bagang, nais niyang tumayo mula sa kinauupuan subalit ni kahit na ano'ng uri ng paggalaw ay hindi niya magawa.

"Ang tigas ng ulo mo!" paangil na singhal ng asawa. "Kapag sinabi ko'ng inumin mo, inumin mo!"

Impit na ungol ang umalpas sa kanyang bibig nang marahas na ilapat ng babae ang kamay sa kanyang bibig at pilit itong ibinubuka. Ang matalas na kuko ng asawa ay ramdam niyang tumutusok sa kanyang pisngi. Ginawa niya ang lahat ng kaya at maaari niyang gawin sa kanyang kondisyon upang tanggihan ang isinusungalngal nitong likido sa kanyang bibig. But that was to no avail.

Nalasahan ng Marchese ang pinaghalong tamis at pait ng likido. Agad-agad ay naramdaman niya ang init ng pagbaybay niyon pababa sa kanyang lalamunan. May saglit na bahagi sa kanyang balintataw nang mahagip niya ang asawa na nagpupunas ng kamay gamit ang pula nitong panyo. Hindi niya nakikita ang mukha ng babae ngunit alam niyang nakangisi ito at pinagmamasdan ang kanyang pangingisay.

Pinuno ng poot ang kanyang dibdib. He knew he should have known this would happen. Subalit naging arogante siya. He was so full of himself he thought he could handle a devious woman like his wife. And when he found he couldn't, it was already too late.

Pilit siyang humuhugot ng hininga sa kanyang dibdib kahit na tila ba may kung anong umangkla doon at pinipigilan ang hangin na dumaloy sa kanyang katawan. A groan escaped from his lips and liquid came bursting from his mouth.

"Sana'y mapatawad mo ako, mahal ko," nauulinagan niyang wika ng asawa. Kumuyom ang kanyang kamay, nais na hablutin ito at saktan ngunit hindi niya magawa dahil tuluyang nang kinakain ng lason ang kanyang lakas. "Ginawa ko ito dahil gusto kitang palayain mula sa paghihirap mo. Alam ko'ng hindi mo na kaya. Kaya't sana'y maging mapayapa ka na sa kabilang buhay."

He felt a soft kiss landed on his cheek. Noon pumatak ang kanyang luha. Walang tanging isinisigaw ang kanyang isipan kung hindi ang mga katagang 'Sinungaling! Sinungaling!'. Ayaw pa niyang mamatay. Lumalaban pa siya dahil nais niyang mabuhay. Nais niyang kumawala mula sa tunay na bagay na lumalason sa kanya simula't-sapul. Subalit huli na ang lahat. Huli na para sa kanya. At kasama ng kanyang huling paghinga ay ang pangakong paghihiganti sa lahat ng pumatay sa kanya.

That was the last thought he remembered bago siya muling magdilat at bungaran ng hindi pamilyar na mukhang nakatanghod at nakangisi sa kanya. Ikinurap niya ang kanyang mga matang pakiramdam niya'y nanunuyot. Nang buksan niya ulit ang mga iyon ay naroon pa rin ang babae, may mga ngipin na kay talas—tila ba mga pangil—at namamantsahan iyon ng dugo na pumapatak pababa sa baba nito at sa dibdib.

Naalarma siya't nagpalinga-linga. Madilim. Malamig. Sa 'di kalayuan ay mayroong nakaimbak na lupa, bukas na ataul at malalim na hukay. Umalulong ang isang hayop. Nagtagis ang kanyang bagang at napatakip siya ng tainga sa lakas ng alulong na iyon. Wari ba'y isang dagundong sa kanyang tainga ang tunog ngunit batid niyang nanggaling iyon sa malayo.

Napalunok siya. His throat felt unused. Para bang bakal na kinalawang. Ngunit nakakagalaw na siya. Hindi na siya paralisado, pakiramdam niya'y kaya na rin niyang magsalita't nakagagalaw na rin siya ng maayos. Something's wrong. He knew something's wrong. Higit pa nang humalakhak ang babae na para ba'ng nawala na sa katinuan. Her eyes are glowing red in the moonlight. Pagkatapos ay naalala niya ang mga nangyari.

Patay na siya. Nakasisiguro siyang patay na siya. Kanya ang ataul at libingan sa 'di kalayuan. Patay na siya!

Nanghilakbot ang kanyang buong sistema sa napagtanto. "S-Sino ka? Ano'ng ginawa mo? Ano'ng ginawa mo sa 'kin!"

"I turned you. I granted your wish, I turned you." Naglabas ang babae ng patalim na kuminang sa ilalim ng liwanag ng buwan. Pagkatapos ay nagpalit ito ng lenggwaheng Italian. "Buhay na walang katapusan ang kapalit ng iyong hiling. Mabubuhay ka sa dugo at kamatayan. Ngunit ang paghihiganti ay magiging iyo."

Bago pa man pumasok sa isipan ng Marchese ang winiwika ng babae aytumarak na ang hawak nitong patalim sa kaliwa niyang dibdib. Nanlaki angkanyang mga mata, nahigit ang kanyang hininga at napahawak sa kamay ng babae nananatili sa patalim. Nakita niya ang pagngisi nito. And before he lostconsciousness, he was reminded of yet again another devious grin.    

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon