CHAPTER SEVEN

21 3 4
                                    

CHAPTER SEVEN

"SINET up mo ako?"

A million ideas ran through her head habang ang binata'y kalmadong naglakad patungo sa mesa nito. Noon niya napansin ang hawak nitong folder na kaswal lamang nitong inilapag sa dulo ng mesa na malapit sa kinatatayuan niya.

Nagsimulang gumapang ang takot sa sistema niya. All of this felt so surreal. Dejavu. Parehong lugar, halos parehong pangyayari, parehong pakiramdam. Tila ba nasa isang serye siya sa telebisyon na maya't-maya ang dating ng gulo. In a span of week's time ay dalawang beses siyang nagparito sa Ilocos Sur, only to be greeted with tons of trouble. At hindi na niya alam kung ang lahat ba ng ito ay kapani-paniwala pa. Para siyang binabangungot. All her decisions seemed to come off as either troublesome or just plain stupid. Noong una'y si Celeste Falcone, ngayon nama'y si Leandro Visconti.

God, ano na naman bang pinasok ko?

"Sinet up mo ako," muli niyang ulit sa kanina'y winika, ang tanong ay naging isang matatag nang pahayag. "Hindi totoong may business offer. Hindi totoong interesado ka sa pastry shop ko."

It was slowly sinking in. Kung paanong kay bilis siyang nakumbinsi ni Andreas na sumama sa kabila ng kaba niya. Iyong mga weirdong pagkilos ni Andreas na para bang may ikinukubli ito. Bakit ba hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng instincts niya?

Well, she knew the answer to that. At mariin siyang napapikit nang maalala kung bakit siya narito. Dahil sa Ate niya. Dahil ayaw niyang umalis ang Ate Sunshine niya. Dahil ibig niyang makatulong sa mga kapatid. Napakasimple lamang ng nais niya ngunit para bang laging ipinagkakait iyon sa kanya. Ginagawa naman niya ang lahat...

"Hindi set up ang lahat," Leandro spoke and in Alice's suprise ay malambot ang tinig nito na tila ba may bahid ng pakikisimpatya sa kanya. It was as if he could read her mind. "I am interested in your business, Alice. Handa ako'ng alukin ka ng partnership, handa ako'ng mag-invest sa pastries mo. But in exchange..." tinapik nito ng hintuturo ang folder nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Lumulunok na kinuha niya sa mesa ang folder. Pormal ang itsura ng mga dokumento. Makailang ulit niyang binasa subalit hindi niya nauunawaan ang mga nakalagay doon. Kunot-noo siyang nag-angat ng paningin kay Leandro na mataman siyang pinanonood.

"Ano ito?"

"Deed of sale." Pakli nito. "In exchange of the business offer and a large amount of money, ibebenta mo sa akin ang Villa Sta. Inez."

Sa pagkakabanggit ng villa ay namilog ang kanyang mga mata at nanigas sa kanyang kinatatayuan. Parang gusto niyang iuntog ang sarili sa dingding. In perspective ay dapat na naisip ni Alice iyon. Malaking pag-aari ang Sta. Inez, mayroon at mayroong hahabol sa lupain ng mga Falcone. Ngunit kung paanong nalaman ni Leandro na siya ang pinamanahan ng villa ay ewan niya. Siniguro sa kanya ni Attorney Valor noon na ang nakakaalam lamang ng lihim na iyon ay silang magkakapatid, ang abogado at si Celestine.

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon