CHAPTER EIGHT

24 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"NAKOKONSENSYA ako, Lean. Pakiramdam ko mali itong ginagawa natin. Hindi siya dapat nadadamay sa gulong ito!"

Kumuyom ang mga kamay ni Leandro at nagtagis ang bagang. May kung ano'ng sumundot sa kanyang puso nang isalaysay ni Andreas ang lagay ni Alice nang puntahan ito ng abogado sa silid. Hindi niya masikmurang imagine-in itong mangiyak-ngiyak at frustrated nang dahil sa takot. Ewan niya kung bakit.

Leandro was a man bent on his life mission to extract revenge on the Falcones of this world. Lahat ng angkan ng kanyang traydor na asawa, mula sa anak nito hanggang sa kahuli-hulihang salindugo ng kasalukuyang henerasyon ay nagsimatay na naghihirap, ang lahat ng ari-ariang ninakaw sa kanya'y naibalik na.

Ngunit hindi ang angkan ni Celestine.

Nabubuhay ang galit sa kanyang puso sa tuwing naaalala niya. Celestine Bianchi—now Falcone—is a direct descendant of Mariella Bianchi-Visconti, his ex-wife, and Leondrino Visconti, his younger brother. Wala pang tatlong buwan siyang "namamatay" ay nagpakasal kaagad ang dalawa na lalong nagpaigting sa kanyang hinala na sinadya ng traydor niyang kapatid ang aksidenteng natamo niya dahil nais nitong pumalit sa kanyang posisyon bilang Marchese at samsamin ang mga kayamanang pinaghirapan niya.

It had been a roller coaster ride for Leandro from the get-go. Revenge was a road paved with heartaches, desparation, guilt and his ultimate longing to feel human again. Ang mabuhay ng higit isandaang taon para sa paghihiganti ay hindi ganoon kadali gaya ng kanyang inaakala. May mga batas na dapat siyang sundin—hindi man batas ng tao ay batas naman ng society na kinabibilangan niya. Isang grupo ng komunindad ng mga gaya niya, na nakakaunawa ng lahat ng kanyang pinagdaanan. At nang dahil doon ay hindi kaagad naging ganap ang kanyang mga plano. It took years becaused he had to start from scratch. Kumalat sa tatlong bansa ang lahi ng mga Visconti-Bianchi—sa Mexico, Spain at Pilipinas—na hindi nagtagal ay naging Falcone na. Dalawampung taon mahigit pa bago niya tuluyang naisakatuparan ang kanyang mga nais.

Ngunit sa huli'y napagod din siya. Nang unti-unting maubos ang dugo ni Mariella sa mundong ito'y nakaramdam siya ng pagod. He wanted his life back. His mortality. He might be living like a human but the truth is that he is not a human. Halos hindi niya malaman noon kung saan siya dapat na lumugar. Saan ba dapat na pumunta. Ano ba dapat ang susunod niyang gagawin. Until he found out about Celestine Falcone.

Sixteen years ago, isang makinang na tala si Celestine Falcone. A celebrated talent from the Philippines na itinuturing na timeless ang angking kagandahan. It intrigued Leandro. And who would have thought that he had cause to be intrigued? Because as it turned out, ang pamilya na lamang ni Celestine ang natatanging surviving bloodline nina Mariella at Leondrino. At ganoon din ang kanyang pagkabigla nang malamang si Celestine kasama ni Cicero ay isa na ring kagaya niya.

Pumailanlang ang katahimikan sa buong library room na inookupa nila ni Andreas nang mga sandaling iyon. Ang tunog ng ulan sa bubungan ay nagsisilbing measuring scale niya para estimahin ang lakas niyon. Sa kanyang hula ay titila na rin ang ulan mayamaya.

"Leandro," untag ni Andreas sa kanya. Dinig niya ang pagbuntong hininga ng kasama. "Mas makakabuti kung gagawin nating kakampi si Alice kaysa ang ipitin siya sa gulong ito. Nakatitiyak ako'ng dahil sa villa ay nanganganib na ang buhay niya kay Cicero."

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon