CHAPTER THREE

35 4 0
                                    

CHAPTER THREE

TATLONG linggo makaraang makabalik sila mula sa Sta. Inez ay nakatanggap ng tawag si Alice sa kalagitnaan ng paninilbihan niya sa trailer truck. Nang rumehistro sa screen ng kanyang cell phone ang pangalan ni Zero ay agad siyang nagpahalili sa isa sa mga tatlong tauhan sa trailer at dali-daling lumabas upang maghanap ng tahimik na lugar.

She was glad na bihira ang tao ngayon sa parke roon na malapit sa kinatatayuan ng truck kaya't nagpasya siyang doon na lamang tumigil at maupo.

"Good morning, babe!" nakangiti niyang bati sa nasa kabilang linya. "Nag-almusal ka na ba? Gusto mo bang dumaan na muna rito para maipaghanda kita ng coffee at cake?"

Saglit na naging magulo ang linya. Hindi niya naririnig ang boses ng nobyo ngunit dinig naman niya ang wari ba'y paggalaw nito. Pagkuwa'y, "Alice, I'm on my way to Ilocos Sur."

Natigilan siya. Ang mga paa niyang nagsu-swing pabalik-balik ay nahinto at maging ang kanyang ngiti'y unti-unting nawala. Para bang may kung ano'ng premonisyon sa pagbanggit ni Zero ng bayan nito. But she rationalized the feeling as that of her trauma reflecting on her present situation. Baka naman masyado lamang talaga siyang natakot sa naging karanasan niya sa Ilocos Sur and the threat hanging over her head in regards to Celestine's will.

Nagpapasalamat na nga lang din siya at parang hindi naman nakakahalata si Zero na may problema. Noong isang linggo pa nito ibig umuwi sa Ilocos dahil nagkaproblema raw doon at nagpoprotesta ang mga tauhan nilang mangingisda for some odd reason na hindi nito nabanggit. Gusto siyang isama ng binata. Subalit dahil na rin sa nangyari sa kanya roon at sa inililihim niyang sikreto ay minabuti niyang manatili na lamang sa Maynila. Isa pa'y masyado na niyang napababayaan ang pastry truck niya. She really wanted to be with Zero pero sa ganitong uri ng sitwasyon, mas logical marahil na dumistansya na muna siya.

"Alice?" untag ni Zero makaraang hindi siya sumagot sa huli nitong sinabi. "Babe, and'yan ka pa?"

"B-Babe, andito pa. Pasensya na." Saglit siyang luminga-linga. May mga naghahabulan nang mga kabataan sa gitna ng oval. Abot hanggang sa kanyang kinauupuan ang tawanan ng mga ito. Ngunit ang naiisip lamang niya ay ang pangambang nagsisimula nang maghari sa kanyang sistema. "A-Ano'ng gagawin mo sa Ilocos? Parehong problema pa rin ba?"

Patuloy pa rin ang tunog ng paggalaw sa kabilang linya. Bahagya niyang narinig ang mahinang pagsarado ng pintuan. Hula niya'y kasasakay lamang ni Zero ng kotse.

"Patay na ang Lola Celestine, babe. Inatake siya kagabi. I needed to go there..."

Hanggang doon lamang ang narinig at naunawaan ni Alice. Wala na siyang alam na iba pa. Basta't ang batid niya, nangyari na ang ikinatatakot niya.

Sinalakay ng kaba si Alice. Kay daming agam-agam ang sumasakop sa kanyang isipan. Paano na lamang kapag nalaman ni Zero ang katotohanan tungkol sa villa? Paano kung pagmulan iyon ng gulo sa pagitan nila? At ano nang mangyayari ngayong pumanaw na si Celestine Falcone?

Sa lalim ng pag-iisip ay halos hindi na niya namalayan ang nagmamadaling pamamaalam ni Zero. Basta na lamang naputol ang linya't tulalang napatitig na lang sa nagbi-blink na screen.

"DAMN it!"

Inihagis ni Zero ang nadampot na vase sa malapit na nagpapitlag sa mga nakaupong tagapagsilbi sa kitchenette. Rumehistro ang takot sa mga mukha nito lalong-lalo na ng matandang nurse na nakatali ang mga kamay sa likuran ng yantok na silya. Nangangatal sa takot ang matanda, nagsusumamo ang mga salitang hindi makaalpas sa busal nito sa bibig.

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon