CHAPTER FIVE

40 4 0
                                    

CHAPTER FIVE

HINDI namalayan ni Alice kung ano'ng oras tumila ang ulan. Pagmulat niya ng mata'y umaga na. Tumigil na ang ingay ng ulan sa kanyang bubungan. May panaka-nakang tunog ng mga mumunting tubig sa bintana na nahuhulog sa basang lupa ngunit bukod doon ay wala na siyang naririnig na ingay.

Binalingan niya ang batang babae na komportableng nakaakap ng mahigpit sa kanya at balot na balot ng kumot. Napangiti siya. It was weird waking up like this but she couldn't help but wish na magkaroon ng bata sa kanyang tahanan. It would surely make her everyday brighter.

Dahan-dahan niyang inialis ang kamay ni Magenta na nasa baywang niya. Ipinalit niya ang malambot na unan sa kanyang pwesto at saka umalis na sa kama. Sumilip siya sa bintana. Makulimlim pa rin, may kadiliman pa ang ulap na hudyat ng paparating na ulan pero at least ay tumigil iyon pansamantala. Sapat na marahil upang bumaba ng kaunti ang tubig baha.

Nang makapaghilamos at makapagbihis ay dumeretso siya sa kanyang sala. Nadatnan niya roon si Lean na gising na gising at may kausap sa telepono. Nakatingin ito sa kanya habang isinasarado niya ang kanyang silid na para bang napaghandaan na nito ang kanyang paglabas. Sa isipan ay tumaas ang kanyang kilay. Napakatalas naman ng pangdamdam nito't maging ang mumunting ingay niya ay narinig pa nito mula sa sala.

Walang imik na tumungo siya sa kusina para makapag-init ng tubig. Hindi niya namalayan ang pagsunod ni Lean kaya't ganoon na lamang ang gulat niya nang paglingon niya upang ibalik ang thermos sa cupboard ay naroon ang binata.

"Ay palaka!" gulat na bulalas niya na muntikan pang mabitawan ang hawak-hawak. "Ano ba namang... Ano'ng ginagawa mo r'yan? Ang akala ko'y nasa sala ka pa!"

Sa tahimik ng apartment ay imposibleng hindi niya marinig ang paghakbang nito. Mataman niyang tinitigan ang binatang nagkunot lamang ng noo at ikiniling ang ulo na waring ipinagsasawalang bahala ang kanyang reaksyon.

Normal lang ba sa kanya ang biglaang sumusulpot sa kung saan-saan? I didn't even heard his footsteps! Maging ang kurtina sa kusina ay hindi man lamang niya narinig na humawi.

"Passable na raw ang highway," wika nitong hindi pinansin ang kanyang pagkagulat. "Maigi sigurong gisingin ko na si Magi nang makaalis na kami at labis na ang abala namin sa 'yo."

Doon ay nakahuma siya mula sa naunang reaksyon. Agad niyang ibinaba ang thermos at pinatay ang kalan kahit hindi pa kumukulo ang tubig. "Hindi ba muna kayo mag-aalmusal? Kahit tsokolate o kape man lang para mainitan man lang ang sikmura ninyo?"

Saglit na nanahimik si Leandro na tila nag-iisip. Mayamaya'y lumingon ito sa direksyon ng kanyang silid kung saan naroon si Magenta saka buntong hiningang humarap muli sa kanya. "Dito na lang siguro kami magpapasundo. I don't want to drag Magenta onto the road without warming her stomach." Then he cringed. "I'm sorry, Alice. Estranghero kami at ang dami na naming utang sa iyo—"

"Huwag na nating isipin 'yon," nakangiti niyang agaw sa binata. "Things happen. At naniniwala rin naman ako na ang kabutihang ibinibigay mo sa iba ay babalik din sa iyo, one way or another..."

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon