CHAPTER TWO

43 4 0
                                    

CHAPTER TWO

NAGING mabilis ang mga pangyayari matapos niyon. Nagsisisigaw si Celestine nang lapitan ito ng nurse. Hindi niya nauunawaan ang isinisigaw ng matanda subalit ang ikinapanindig ng kanyang balahibo ay ang kakatwang lungkot sa mga hiyaw nito. As if the old woman was grieving—angry that she was forced to grieve. Exactly like that.

At nakapagtataka ring tila wala lang sa nurse at mga tagapagsilbi roon ang nangyari. Matapos ang komosyong ginawa ni Celestine ay kalmado silang inihatid ng isang tagapagsilbi sa magkakatabing kwarto sa ikalawang palapag habang ina-assure silang maayos ang matanda at nagpapahinga. Subalit hindi naging sapat iyon para makampante si Alice. Naroon pa rin sa kanya ang pakiramdam na may hindi tama. Na, in fact, ang lahat ay hindi tama. Hindi maalis ang kabang kanina pa bumubundol sa kanyang dibdib.

Nagtungo sila rito ng mga kapatid upang masagot ang kanilang mga katanungan. But so far, mas lalo lamang yatang nadadagdan ang mga iyon.

"Okay. Ano'ng nangyari ro'n?" agad na usisa ni Victorique makaraang maisarado ang pintuan ng ibinigay sa kanyang silid. "Nag-banyo ka lang, nagkagulo na."

Bago pa niya masagot ang kapatid ay kunot-noong namewang si Sunshine at nagpalakad-lakad sa kanilang harapan. "Iba talaga ang vibe ko sa bahay na ito. In fact, masama ang kutob ko sa buong lugar." Huminto ang dalaga saka bumaling sa kanya. "Umuwi na kaya tayo?"

Iyon din ang iniisip niya kanina. Masamang pangitain naman na siguro iyong nangyari kanina. Wala pa man ding isang oras silang naririto sa villa ay may kung ano nang masamang kaganapan. Marahil ay dapat na nga silang umuwi. Ngunit sa kabilang banda, pakiramdam niya'y napakarami pang bagay ang dapat niyang malaman. Mga katanungang si Celestine Falcone lamang ang makakasagot. Isa pa'y antok na antok na rin siya. At sigurado siyang ganoon din ang dalawa niyang kapatid. They didn't even slept a wink sa buong duration ng byahe kagabi.

"Magpalipas na muna siguro tayo ng isang araw at isang magdamag dito, Ate. Bukas na lang tayo umuwi," suhestyon niya na lalong ikinakunot ng noo ng kapatid. "Pare-pareho tayong pagod at inaantok. Isa pa... ang dami ko pang gustong itanong kay Celestine. Ang dami ko pang gustong liwanagin."

"At sayang din naman ang pera kapag umuwi kaagad tayo," salo ni Victorique. "Sang-ayon ako kay Alice, Ate. Dumito na muna tayo kahit isang araw lang. Kahit may pagka-creepy itong bahay eh maaari naman siguro tayong makapagpahinga ng maayos ngayong gabi. 'Tapos, kapag hindi talaga natin bet e 'di sibat na tayo. Sayang na ang pera, sayang pa ang Ilocos Sur."

Sumundot ang konsensya ni Alice sa pagbanggit ni Victorique ng pera. Kay Vic kasi siya nakautang ng pamasahe nilang tatlo patungo rito sa Ilocos. Ang lahat ng kinita ng kapatid niya sa writing gig nito noong isang buwan ay napunta sa pamasahe nila. Hindi naman kasi siya maaaring kumuha sa kinikita ng trailer truck dahil may hinuhulugan pa rin siyang utang sa sasakyan. Ang Ate Sunshine naman nila ay kamalasang nawalan ng trabaho noong isang taon. Suma-sideline din bilang manunulat ngunit hindi pa rin sumasapat ang kinikita mula roon para sa pangtustos nito ng sariling pangangailangan.

Napabuntong hininga siya. "Pasensya ka na, Vic, ha. Hamo't mababayaran ko rin ang lahat ng utang ko sa 'yo. Makaluwag-luwag lang ako sa truck, maibabalik din natin sa bangko 'yong kinuha natin para rito sa Ilocos trip na ito."

"Sus! Hayaan mo na 'yon. Ang importante'y magkaroon tayo ng peace of mind. Kaya matutulog na ako. Antok na antok na talaga ako."

Tinanguan niya ang kapatid. Kasunod na ni Victorique si Sunshine palabas ng kanyang pintuan nang biglang huminto ang huli at tumingin sa kanya. "Magiging maayos din ang lahat, Alice. H'wag ka nang mag-alala, ha?"

The Vampire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon