Kingsley
Even though I want to say those words. When I think of Kingsley, I just can't say it.
Kailan ko nga ba unang naramdaman ito? When did I start seeing him as a man? And when did Kingsley started showing that sad expression?
Ahh..
We were freshies then...
"Just now, ikaw ba yung in-announce na tumalon sa swimming pool habang naka-uniform?" Taas kilay na tanong sakin ng trese anyos na si Kingsley.
Hindi ko maitsura ang sarili ko sa mabangis nyang tanong. Tingin pa lang ay nanghuhusga na. Tipong hindi ka pa nakakapagsalita, case closed na kasi hinatulan ka na nya!
"Adrienne." Nakasimangot nyang tawag sa akin ng hindi ako sumagot.
"Hehehe." Hindi ako makatanggi. Basang basa kasi ang uniform ko at tumutulo yun sa sahig.
Pero kahit na sobrang sungit nya. He always finds a way to help me.
"Ouch! Baka naman makalbo na ko nyan King!" Reklamo ko habang tinutuyo ni King ng towel ang aking buhok.
Isinama nya ako, oh, scratch that, kinaladkad nya ako papunta sa locker room ng boys at pinahiram ng towel nya.
"You idiot! Pano kung madetention ka? Alam mo naman na puro basagulero ang nasa detention! Tsk!" Pinapagalitan nya ako habang kinukuskos ng towel nya ang aking buhok.
Pinahiram nya pa ako ng jersey nya upang maging maayos ang itsura ko. Saka ko lang napansin na bakat pala ang panloob ko sa aking puting blouse. Kaya naman pala namumula sya habang pinapagalitan ako. Akala ko galit lang.
Naglalakad kami papunta sa locker ko para makuha ang aking P.E uniform at makapagpalit nang matanaw namin si Uly at Auds.
"Just accept my kindness! Ikaw na nga ang tinutulungan!" Singhal ni Uly habang buhat ang isang pile ng mga libro.
"I never needed your help! I didn't ask for it!" Singhal pabalik ng aking kakambal habang namumula ang mukha.
Tila hindi nila kami napansin dahil lumiko na sila sa kaliwang corridor papuntang library ngunit tanaw pa rin namin ang pag aaway nila.
"Lagi na lang..."
Natigilan ako at napatingin sa mukha ni King.
"...silang ganyan." Marahan kong dugtong.
Napatitig ako sa malungkot na mukha nya. He's staring at my twin like he'd lost her.
And when he looked down on me, my heart started to race.
"Let's go." Wala akong nagawa kundi ang tumango.
Eversince I saw that side of Kingsley, the me who realized how I felt for him just wanted him to smile..
Please don't show that kind of expression.
Don't show that sad expression.
At ngayon ngang grade 12 na kami, wala pa ring nagbabago. Ganun pa rin ang feelings naming dalawa.
Yung feelings namin na hindi magkasalubong.
Tinitigan ko ang mukha ni Kingsley. Yung makapal at salubong nyang kilay na nag emphasize sa makinang nyang mga mata. Yung matangos nyang ilong na tila inukit pa ng magaling na iskultor, nagtagal ang titig ko sa labi nya.
Mapula iyon at hugis palaso. Kung hindi lang sana lumuluwa ng masasamang salita ang labing iyon.
Hayyyy, how does it feel to kiss you, King?
BINABASA MO ANG
Love Warning
ChickLitQueen Adrienne Dela Vega have always like her childhood friend, Kingsley Cordova. Catch is, he is in love with her fraternal twin, Princess Audrey Dela Vega. Audrey's not interested in him though coz she's got her eyes on one of their childhood fri...