Feelings
This is the path...
Where that one sentence I love you....
Will not and absolutely cannot be spoken.
"Kingsley~~" Sobrang lambing kong tawag habang pilit na pinapaamo ang aking ekspresyon.
Dahan dahan syang lumingon sa akin. Nakapaskil ang tila naiiritang ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko iyon pinansin at pinagbuti ang pagpapa-cute. Pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay at idinikit iyon sa pisngi ko.
"We have an assignment in Basic Cal but I forgot my notebook. Hehehehe! Pakopya naman, pretty please?" Pinapungay ko ang aking mga mata.
Lalong naningkit ang magagandang mata ni Kingsley Cordova. I can sense bloodthirst from him at tila gusto na nya akong sakalin.
"Don't joke with me. Kung bumagsak ka, it serves you right, stupid." Maanghang nyang buga sa akin.
An extremely foul mouth and an ever frowning face that I already get used to.
Agad akong tumalon papunta sa armchair nya at niyakap ang kanyang braso.
"Waaaah! Kingsley!!! Maawa ka na! Huhuhu!" Pinagbuti ko ang pagkapit sa braso ni Kingsley dahil tinatagtag nya ako. Sumabay pa sa pagyakap si Ulysses na mukhang tanga sa peke nyang paawa effect.
"So annoying!" Gigil nitong sabi habang pilit kumakawala sa amin ni Uly.
So hot tempered...
"Come on, King! Pakopyahin mo na kami! It's not like the world will end if you give us some of your answers." Pangungumbisi ni Uly sa masungit naming kaibigan.
"Why do I have to take care of you two? Sobrang tamad nyo! Tsk!" Reklamo ni senyorito sungit.
Tiningnan ko ang nakabusangot nyang mukha. Tila desidido talaga syang pabayaan na lang ako!
Marahas ko syang binitawan bago inilagay sa gilid ng bibig ko ang dalawa kong kamay.
"Classmates! Kingsley got someone preg--hmm hmmm!" Naputol ang isinisigaw ko dahil agad may tumakip na mabangong kamay sa bibig ko. Kung kailan naman nakuha ko na ang atensyon ng mga classmates namin!
Inis na inis na hinila ako ni Kingsley sa braso.
"The hell? Don't say weird things! Idiot!"
Muli kong pinalungkot ang mukha ko nang humarap ako sa kanya. Napakamot sya sa ulo sa sobrang pagkaasar sa akin.
"Seriously? Tsk! What a pain."
Tinalikuran nya ako at may kinuha sa kanyang bagpack. Hindi pa ako nakakagalaw ay may sumapol na sa mukha ko. Agad ko iyong hinawakan at halos mapahiyaw nang makita na notebook yun ni Kingsley sa Basic Cal Woohooo!
"Waaaah! Thank you so much!" Halos sambahin ko sya habang mabilis kong kinikopya ang assignment namin.
"Ako rin! Ako rin!" Sigaw ni Uly bago tumabi sa akin at nakikopya sa sagot ni King.
Kitang kita ko sa aking peripheral vision ang pagsusungit nito. Simangot na simangot sya habang nakatingin sa amin ni Uly na halos murderin na ang notebook nya!
"Ngayon lang yan ha! Next time hindi na pwede!" Singhal ulit ni King bago umupo sa kanyang armchair. Hindi naman namin pinansin ni Uly ang kasungitan nya kasi busy kami pagkopya. Ang importante ay hindi kami masisibog ng masungit naming prof sa Basic Calculus!
Nang matapos ako pagkopya ay naghalumbaba ako at pasimpleng sumulyap sa badtrip naming hari.
Actually, he's kind and gentle on the inside. Sa kabila ng harsh nyang pananalita at laging busangot na mukha, hindi nya pinababayaan ang mga kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
Love Warning
ChickLitQueen Adrienne Dela Vega have always like her childhood friend, Kingsley Cordova. Catch is, he is in love with her fraternal twin, Princess Audrey Dela Vega. Audrey's not interested in him though coz she's got her eyes on one of their childhood fri...