Blush
"Audrey is stupid. Really, really stupid." Natatawa kong sabi habang sabay kaming naglalakad ni King papasok sa gate ng aming school.
Stupid coz she chose Uly over this hunk beside me. Matagal na naming kilala si Uly kaya naman alam na alam ko na ang ugali. Puro kalokohan lang ang alam ng isang yun eh!
"You aren't any better." Nilingon ako ni King bago ngumisi.
Agad ko syang inirapan.
"Shut up." Pag nalaman mong mahal kita, tawagin mo pa kaya akong stupid? Or...siguro nga. Kasi nagmahal ako ng taong walang feelings para sakin.
Humagalpak sya ng tawa.
"But yeah, you're right. She's stupid. Ulysses too."
Nagkatinginan kami at sabay kaming napangisi. Isa pa tong bitter eh.
Paano ba naman kasi, nag sumbong sakin si Auds na nag away sila ni Uly at hindi nya alam ang pinagmulan ng away. Si Uly naman, nagsumbong kay King at ganun din ang sinabi!
"They're a stupid couple."
Lumiko kami sa pasilyo papasok sa main building.
"Yeah, you're right."
Ramdam ko ang tingin ng ilang estudyante sa amin ni King, especially mga babae. They're staring at Kingsley's perfection at nakakairita!
"But I love them both." Sambit ko na nakakuha ng atensyon nya.
Medyo natigilan ito sa sinabi ko bago ngumiti at hinila ang braso ko dahil bumagal ang aking paglalakad.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Walking with him like this...
This is enough right? It's too much to ask for more.
Medyo nacurious din ang mga tao dahil hindi na ako madalas pagsungitan ni King.
I don't know too. Pero mula noong sinundo nya ako sa bahay, nag iba yung pakikitungo nya sa akin.
Nang mag break time ay iniwan ni Auds si Uly sa classroom. Nagkatinginan kami ni King. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Uly pero nakita ko syang nakatingin sa akin.
Imbis na lapitan sya ay kay King ako lumapit. Yayayain ko sana para pareho naming matanong si Uly kaso hindi ko pa nakakausap si King ay nag walk out na si Uly.
What the fuck?
Umakma akong susundan si Uly pero agad akong nahigit pabalik ni King.
Seryoso ang mukha nya nang tumama sakin ang makikinang nyang mga mata.
"Hayaan mo na." Iginiya nya ako paupo sa armchair sa tabi nya.
Nung una ay hindi ko na-gets kung bakit nya ako pinigilan ngunit nang makita kong nag iiwas sya ng tingin at namumula ang leeg at tainga nya ay halos takpan ko ang bibig ko upang magpigil ng ngiti.
Damn. I know it's bad to assume but is he jealous?
"What?" Naiirita nyang tanong sa akin nang nakita na malapad ang bungisngis ko.
Holy cow, my baby is jealous? Really? Seriously?
Naghalumbaba ako at nakangiti syang tinitigan. He looked away. Lalo akong napangiti. For once, hayaan nyo muna akong mag assume na nagseselos sya.
What I'd give to make you jealous, King.
My King...
"You're stupid" natatawa kong sabi. Mabilis nya akong tiningnan ng masama.
BINABASA MO ANG
Love Warning
ChickLitQueen Adrienne Dela Vega have always like her childhood friend, Kingsley Cordova. Catch is, he is in love with her fraternal twin, Princess Audrey Dela Vega. Audrey's not interested in him though coz she's got her eyes on one of their childhood fri...