Warning 3

69 4 0
                                    

Outburst

Just being held by my twin in a short period of time, I never thought that I would see that kind of smile on his face.

And just like that, very quickly, not less than a week, Audrey and Uly became a couple.

"Yieeeh! Congratulations!" Sigaw ko na sinabayan ng iba pa naming classmates.

Namumula ang mukha ng kambal ko habang nina-nudge ko ang balikat nya.

Nilingon ko si King na tahimik at hindi nakikisali sa kaguluhan ng aming klase.

He's still showing his infamous frowning face.

Pagbalik ng tingin ko ay nahuli kong nakatingin sa akin si Uly. Agad ko syang nginisian at kinindatan. Good job Uly! Try hurting my twin and I'd strangle you to death.

Tila nahihiya itong nagsukli ng maliit na ngiti sa akin. Aba, ngayon ka pa nahiya. Eh sa pagkakaalam ko, walanghiya ka na mula ng makilala kita. Hahaha!

Mula nang maging official ang Team Audysses, lalo lang naging tahimik at masungit ang aking mahal na si King.

"Uhhmm, King~~" pakanta kong tawag sa kanya.

He's still the same though. Still grumpy as ever.

Lumingon sya sakin gamit ang tamad nyang mga mata.

Ngumiti ako ng malapad at pinagsalikop ang aking mga palad.

"That...uhh, your science notebook. Hehehe!" Hindi ko pa nababawi ang ngiti ko ay naramdaman ko nang pumaskil sa mukha ko ang kanyang notebook.

Oo! Hinagis nya sa mukha ko.

"I already told you, not to come near me within one meter." Tila balewala nitong sabi.

Minuwestra pa nyang lumayo ako sa kanya. Nagtawanan ang mga kaklase ko sa ginawa nya. Pinilit kong ngumisi, like the usual bago kakamot kamot na bumalik sa aking armchair.

So sharp tongued and ill-tempered. Hay nako, kung hindi lang kita mahal.

Habang kumokopya ng assignment ay sinulyapan ko ang mukha nya. He's got that same sad expression while watching how my twin sister plays with Uly's hair.

Until those feelings of yours for my twin is gone, I will hide this hopeless love of mine inside my heart.

Nang matapos ang klase ay sabay na umuwi si Uly at Auds. Gusto nila akong isabay pero ayoko namang makaabala kaya nagdahilan ako na may gagawin pa akong importante.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa aking desk at kung hindi pa bumukas ang pintuan ng classroom ay hindi ako magigising!

"Adrienne?" Tanong ng baritonong tinig na kilalang kilala ko.

Tiningnan ko ang paligid at nakitang ako na lang pala ang naiwan sa classroom.

Pagcheck ko ng wristwatch ko ay alas singko na. Shit! One hour akong nakatulog?!

"Natulog ka dito?!" Galit na tanong sakin ni King na ngayon ay nakatayo na sa harap ko.

Nanlilisik ang mga mata nya at tila gusto na akong sakalin.

Ngunit imbis na yung galit nya ang problemahin ko ay may ibang bagay na sumagi sa isip ko.

"Waaah! King! Pahiram nung notes mo sa Chem! Waaah! May quiz dun bukas diba?"

Fuck! Wala akong kaalam alam. Wala kasi akong ginawa kundi panoorin ang gwapong mukha ni King!

"So annoying." Wala itong nagawa kundi ang mapa buntong hininga sa kagagahan ko.

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon