Word 4

58 3 0
                                    

Sorry

When he said he won't say it. I got pissed.

But somehow, I understood him.

I understand...

Wanting to confess but not being able to...

That kind of feeling...

I understand it the most.

Nagnakaw ako ng sulyap kay King na nakahalumbaba habang nakikinig sa aming teacher. Mula nang araw na yun ay hindi pa ulit kami nag uusap. He's mad. I'm mad too.

Pero habang tinitingnan ko sya mula sa malayo, hindi ko mapigilan ang paghuhuramentado ng sistema ko.

I miss him. Having him near me is heaven already. Asking him to love me is too much to ask.

Paano kaya kapag inamin ko ang nararamdaman ko para sa kanya?

Napaiwas ako ng tingin sa aking naisip. If I confess, due to his personality, he'll show a solemn expression and then blame himself for not being able to return my feelings.

Because that's how he is. Kaya ko siguro sya minahal ng sobra. At last week nga, pumitik na sya.

First time ko syang makitang magalit kaya naman natakot ako noon. But I feel kinda happy because I saw another side of him.

Muling bumalik sa utak ko ang malulungkot nyang mata.

Paano ba?

Paano ko ba kasi sya mapapasaya?

I don't want to see him with that same expression.

With my peripheral vision, I saw him glance at me.

I bit my lower lip.

I hope he can smile often.

Nang matapos ang klase ay nauna ulit na umalis si Audrey at Uly. Nasanay na yata sa pagtanggi ko kaya hindi na ako pinipilit.

Habang nilalagay ko ang ilan kong notebooks sa aking locker ay sya pa rin ang nasa isip ko.

Habang naglalakad ako papunta sa gate ng school ay natanaw ko sa malayo si King na may kasamang ka-varsity nya sa basketball.

Nakikipagtawanan sya sa mga ito.

Kingsley...

King...

Nakita yata ako nung isa nyang kaibigan at itinuro ako sa kanya.

Kingsley, don't you know?

Nagtama ang aming mga mata. His cold and piercing eyes met mine.

All this time...

I have only been looking at you.

As long as you are happy,

As long as you aren't sad,

As long as you're blissful,

Halos mapaluha ako nang mag iwas sya ng tingin at muling nakipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.

Madiin kong kinagat ang aking lower lip at wala sa sariling naglakad pabalik sa building.

Lutang ang isip ko kaya naman hindi ko napansin si Vin.

Agad nyang sinalo ang beywang ko nang mabunggo ako sa kanya.

Halos mapamura pa ako nang makilala ko sya. Shit! Ilang araw ko na bang pinagtataguan ang mayabang na ito?

"Hi, Addie. Looking fine as usual?" Taas kilay nitong sambit habang may nakapaskil na ngisi sa labi.

Sumimangot ako sa kanya. Gwapo talaga itong si Vin at hunk kaya nga marami syang naloloko eh.

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon