Pagkapasok namin ng SM, humiwalay ako at dumiretso ako sa Bookstore, para hindi naman ako mabored sa kahihintay ng 1 hour. Tumingin tingin ako sa mga libro, magazines at mga references. Nakakaasar !! nakita ko na naman yung magazine ng Pbb Teens Edition 4. Pangalawang tingin ko na to! Nung una wala talaga kong pera nun ! Pero ngayon sana mabili ko na to. hm teka yung sukli sa ticket, Kinuha ko sa bulsa ko yung sukli, P80 > tsaka kay jhem to ! magagalit yun . P95 kaya yung magazine! Kahit galawin ko to kulang parin ng P15, edi mababawasan na yung pamasahe ko at allowance ko for one week, Tuesday palang bukas! buti nga cutclasses kanina at hindi ko nagastos para ipambaon.
Ibabalik ko na lang ! Ilalagay ko na sana kaso biglang may humawak ng kamay ko ! Putekk si Mark na naman ! Kabute ata to biglabiglang sumusulpot
"Anu yan?"
"Anu pa ! Edi Magazine"
"Magazine ng ano?"
Binigay ko sa kanya
"Aa Pbb Teens ! Hug moko Hug moko ! Hahaha"
"Baliw ! Akin na nga yan !"
"Teka lang ! sino ba crush mo dito?"
"Madami ee ! si Yves, Tom, Kit and Alec"
"Hahah ang papangit naman !"
"Ang Kapal naman . Ang guwapo mo kasi ee"
"Talaga ! sa gwapo kong to ? dapat mahiya sila !"
"Edi ikaw na ! Akin na nga yan , ibabalik ko na ! tapos akyat na tayo"
"Hm panu kung sabihin ko sayong bibilhin ko to ?"
"Edi bilin mo ! sige akyat na ko !"
Umakyat na ako papuntang 3rd floor ! Naaasar na naman ako ! Dapat pala binili ko na lang yun ee. Sayang ! Ang tanga tanga mo talaga Darah! Di bale madami pa naman atang publishing yun ee, edi sa ibang SM, Anong ginagawa ng ibang outlet dun ?
30 mins pa ! Ang tagal nila Jhem, 10:00 pm na baka hinahanap nako! Mauna na kaya ko . Uwi na ko !!
Pababa na sana ko kaso may tumawag sa akin
"Daraaaahhh !!" Tumingin ako at bumalik ! Sila Jhem nga ;-)
"Oh bat wala pang 10:30 lumabas na kayo?"
"Tumawag kasi si Mark kay Angel ang sabi niya huwag na daw namin tapusin, Teka asan nga pala sha?"
"Ah iniwan ko sha kanina sa bookstore may binili lang !"
"Ganun? Tara babain na natin !" sabat ni Angel
Kitang kita ko kay Angel ang pagkasabik na makita si Mark, kulang na nga lang ee talunin yung escalator sa pagmamadali
Naghintay kami sa labas ng bookstore pero di naman katagalan ay lumabas din si Mark
"Oh ! andito na pala kayo Yam ! Look may binili ako para sayo"
"Ow Talaga? Patingin akoo" sabi ni Angel
"Wow! Pbb Teens ! Favorite ko to ! Lalo na si Yves. Thank You Yam, I Love You" sabay yakap kay Mark
Hah ! binili niya nga talaga yung magazine. Napapaluha ako! Ewan ko kung bakit. Ba't ganito yung nararamdaman ko ?? Ang sakit ! Bat naaapektuhan ako ! Tumalikod lang ako sa kanila, Tinanggal ang salamin at pinunasan ang kaunting tumulong luha ! Alam kong nakita ni Jhem yun kaya nagyaya na shang umuwi kami.
"Oy ! Tara na ! May pasok pa bukas !"
At Bumitiw ang dalawa sa mahigpit na pagkakayap nila sa isat isa
Jhem POV
"Daraaaah! Darah buksan mo na yung pinto ! 6:30 na may pasok tayo"
Gumalaw ang doorknob at bumukas na ang pinto
"Haayy ! salamat at nagising ka din. anong oras na kaya may pasok tayo ! Kung di kita pinuntahan dito sa bahay niyo. Baka malate ka na naman o di ka na naman makapasok"
"Ang aga mo ata Jhem? 8:00 ang start ng klase natin ngayon diba?"
"Oo 8:00 nga ! Ganito talaga para di tayo malate . Kumilos ka na kaya"
"Sandali lang naman oh"
"Huwag ka na ngang tumanga ! Kelangan 7:30 andun na tayo sa JASHS"
"Oo na eto nah ! Eto kasi ee ang aga aga kung pumasok ! Diyan ka lang maliligo lang ako"
Sabay kuha niya ng tuwalya at padabog na sinara yung pinto
Humigahiga muna ako sa kama niya habang hinihintay sha
Hmmm sabagay ako din yung may kasalanan kung bakit kami ginabi at nabitin sha sa tulog. Actually habang namimili ako sa may grocery ng mga crackers nagkasalubong kami ni Angel at tinanong ko siya
"Sino kasama mo?"
"Si Mark ! kaso nasa taas siya kumukuha ng ticket namin"
"Aa" Napaisip ako ! Hmm yun na yung chance na magkakasama sila Darah at Mark. Narereceive ko din yung mga txt ni Darah
From 09**2*****6
"Bes asan ka na ? Nakabili na ako ng ticket ! 7:10 yun start, Every Breath U Take yung film, Cinema 11 . Bilisan mo hah ;-)"
Kunwari wala akong load, Di ko siya nireplyan, Ee di ko naman akalain na sa cinema 10 din si Mark at nagulat di ako sa tx niya sakin
From 09***854**
"Jhem ! kasama ko si Darah, Pakihanap na lang si Angel . Bumili rin sha sa grocery baka sakaling magkita kayo. Bili na lang ulet kayo ng ticket , Nakapasok na kasi kami ee. Bayaran ko na lang"
Nireplayan ko siya ng "OK", Umakyat na kami ni Angel ng 8:40 at kumuha kami ng ticket, As lucky as Darah! Every Breath U Take din sa cinema 11.
So shempre yun yung bibilin kong ticket para happy ang bestfriend ko, ang pagkakamali lang ni Angel hindi niya tinanong si Mark sa tx kung saang cinema sila,
Kumuha ako ng ticket , 8:30 daw nagstart pero madami pang bakanteng upuan! Kaya feeling ko nagsuccess yung plano ko ! kaso hindi ee .
Nakita kong napaluha si Darah ng binilan ni Mark si Angel ng Pbb Teens Magazine ! I know na nagseselos siya at i know na favorite niya din yun.
---------------------------------------------------------------
Eh paano na ngayon ? Tsk tsk ..
-SentiArtemis
Enjoy Reading !!!
BINABASA MO ANG
In Another Life (Completed/EDITING)
Teen FictionNatry mo na bang sumunod sa mga signs? Signs na sinasabing magdadala daw sa iyo sa tunay na pag-ibig. At dahil I sa ka sa mga sawi, papatulan mo ang sinasabi ng iba na kalokohan. #DARAH2013