Chapter 8

22 2 0
                                    

Yess !! Uwian naah ! ;-D Hindi kami nagkasabay ni Jhem dahil may aayusin pa sila about sa Dance Contest.

Habang papauwi na ako samin, Iniisip ko pa rin yung mga tips na ginawa ni Lyndon, Pero nagtataka ako,

Ako ba yung nililigawan niya ?

Bakit hindi niya ko tapatin ?

Sa bagay marami ring nagsasabing torpe sha

Umakyat nako sa taas at binuksan ko ang bulsa ng bag ko para hanapin ang cellphone ko. May nakita akong papel na nakakuyumos, binuklat ko yun at may nakasulat na 

"Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo ! Bagay  !"

Grabeee ! =)) Eto yung pangatlo sa mga tips 

Hinanap ko yung cellphone ko sa kabilang bukasan ng zipper kung saan nandun yung mga notebook ko, laking gulat ko ng makita kong nakapatong ang cellphone ko sa isang box ng crayola, Binuksan ko yun at puro kulay itim lang, Nabasa ko din ang nakasulat sa likod ng karton na 

"Walang kulay ang buhay ko kapag wala ka"

Kinuha ko yung kinopya kong mga tips na binigay ni Chico Locco kay Lyndon at nasa pang-apat nga yun, Napangiti at napahiga ako sa kama

Totoo ba to ? Di ako mapakali at paulit ulit kong pinadyak ang paa ko sa kama ^.^

Teka ! may isa pang naiwan dun ee, umupo ako at binasa ko

Hawakan mo ang kamay niya sa canteen at pag tinanong niya kung bakit, Ituro mo yung sign na

"Dont leave your valuable things unattended"

Napaisip ako, Hmm baka bukas niya pa yun gagawin! Grabee bigla akong kinabahan dun aa 8.8

Text ko kaya si Jhem

To:09**268**12

Bes pls. help me ! kinakabahan ako, Tumawag kasi si Lyndon kay Chico Locco kagabi sa radio, tapos binigyan sha ng tips kung pano niya mapapasagot yung nililigawan niya. Ang nakakapagtaka lang bes, Lahat ng tips na yun , nakita ko sa school at yung dalawa nasa bag ko at kakakita ko lang ngayon. Isa na lang ang natitira at baka yun ang gawin niya bukas

Nasend ko yung text ko kay Jhem at mga 15 mins ako naghintay sa reply niya

From:09**268**12

Ow talaga ? Nice ;-)

To:09**268**12

Oo Bes ee 

From:09**268**12

Aa Ok ! Gege may gagawin pa ko ee 

Hahah Sabay ganun ? Hindi man lang niya tinanong kung ano yung natitirang tip, Ano kayang nangyari dun ?

Hindi ko na sha nireplyan at natulog nako -.-

Kinabukasan,Nakakailang text na ako kay Jhem pero hindi talaga sha nagrereply. Ano kayang problema nun ? Parang kahapon lang ang aga aga niya dito sa bahay at sabay kaming pumasok

Pero ngayon, wala pa rin sha. Nauna nakong umalis dahil kung aantayin ko pa sha baka malate na naman ako

Hindi lang talaga ako sanay nang hindi ko kasama si Jhem, Pakiramdam ko naninibago ako sa mga oras na yun ;(

Pumasok ako ng school ng mag-isa, nakita ko si Jhem andun na sa pila. Pumila muna at inantay na matapos ang flag ceremony at tsaka ko sha kinausap

Magsasalita pa lang ako ay nanguna na sha

"Uy Bes sorry hah ! hindi kita nadaanan sa inyo, may binili kasi ako ee kaya dumiretso na lang ako dito"

"Ok lang yun Bes ! akala ko kasi galit ka"

"Hindi noh! Bakit naman?"

"Hahah wala lang ! busy ka aa"

"Oo nga ee para sa Dance contest, sasali ka ba?"

"Hindi Bes, kayo na lang!"

"Oh bakit ? Dati rati ikaw pa ang nagyayaya samin Darah tapos ngayon hindi ka sasali?"

"Hmm Try ! Kelan ba practice?"

"Baka mga next week"

"O sige inform mo lang ako"

Nakapasok na kami ng room namin at kinakabahan parin ako dahil baka ngayon na gawin ni Lyndon ang 5th tip na binigay sa kanya

Natapos ang anim na period and now, Vacant

Nasan ba sila Jhem at Lyndon ? Hinanap ko muna sila at pumasok ako ng canteen

Nakita ko silang magkasabay na pumasok, umupo ako sa upuan at inaya ko na silang bumili ng pagkain

"Lyndon,Jhem! Bili na tayo?"

At lumapit sila Lyndon sakin, Nauna si Lyndon at dun na ko kinabahan ng super duper 8.8

"Hmm Lyndon ?"

"Oh Bakit Darah ?"

"Thank You hah !"

"Hah ? For what ?"

"Dun sa mga tips na ginawa mo"

"Teka Darah hah ! Im sorry pero di kita maintindihan ee"

Nagulat ako sa mga sagot niyang yun sakin, mabuti pa diretsuhin ko na kaya sha 

"Lyndon ! Alam ko na ! Alam ko nang ikaw yun, Wag mo nga kong niloloko"

"Bes Nahihibang ka lang ! Ikain mo na lang yan, Hahahaha" Sabay sabat ni Jhem

"Darah hindi talaga kita maintindihan ee" Ulit ni Lyndon

Bat parang wala shang alam? Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, Napatingin ako sa kamay ni Lyndon at hindi sha yun

Nang tignan ko ang kamay ng humawak sakin ay dahan dahan akong tumingala at nakita ko si

Mark

"Mark ?"

Ngumiti sha sakin at itinuro ang sign na

"Dont leave your valuable things unattended"

"Ikaw ?" tanong ko

"Yap"

"Bitawan mo nga ko, baka makita tayo ni Angel"

Hinila niya ko palabas ng canteen at takot na takot ako dahil baka may makakita samin

"Mahal na mahal kita Darah ! Ginawa ko na ang lahat para makalimutan ka pero hindi parin ee"

"Mark! Please, Layuan mo na ako baka may makakita pa satin dito"

"Wala akong pakealam sa kahit anong sabihin nila, Mahal na mahal kita, Mahal na mahal kita Darah"

Pumipiglas na ako pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko

"Hindi kita mahal, Mahal ko na ang kapatid mo"

Binitawan niya ko at dahan dahan shang nanghina

Umalis nako at tumakbo palayo, pumunta ako ng cr at pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata ko

Akala ko nakalimutan niya na ko, Akala ko si Layndon ang nanliligaw sakin, pero isa lang pala tong

MALING AKALA

Nanikip ang dibdib ko at pinipigil ang luhang tumutulo sa mga mata ko, Umaasa akong si Lyndon ang hahawak ng kamay ko sa canteen pero hindi, Hindi Pala ;"(

----------------------------------------------------------------

In Another Life (Completed/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon