Mark POV
Oo, si Lyndon yung tumawag kay Chico Locco nung gabing yun pero ako tong nanliligaw
Magkasama kami nung gabing yun at sha ang pinakausap ko dahil alam kong mahilig makinig si Darah ng radio at once na marinig niya yung boses ko baka malaman niyang may nililigawan ako
Ang sakit sakit nung sinabi niyang si Lyndon na ang mahal niya, Im trying to pretend pero yun talaga ang nararamdaman ko, hindi ko alam ang gagawin ko
Mga 1 week after nun
Naisipan kong pumunta kay Angel para kauspin sha
Sinubukan ko shang tawagan pero hindi ko sha macontact
Angel please sagutin mo >.<
Kaninang 8:00 pm ko pa sha sinusubukan tawagan pero 8:30 na hindi ko pa rin sha macontact
Hindi talaga ako mapakali nung gabing yun
Mayamaya may nareceive akong tx
From: 09*2*14**67
Oh Yam, Sorry Kagigising Ko Lang 0.0
At nireplyan ko sha
To: 09*2*14**67
Yam Punta Ka Dun Sa Lagi Nating Pinupuntahan Dun Sa May Playground, I Will Wait For You ;-)
Tinago ko na yung cellphone ko at pumunta agad sa playground
Alas 10 na at walang kataotao sa playground except sa mga makukulay na ilaw na nagbibigay buhay sa sobrang tahimik na lugar
Naghihintay parin ako sa pagdating ni Angel, Infact kanina pako nababato at inip na inip na !
Umupo ako sa mga benches at naglagay ng earphone para makinig ng music
10:55 na ! 5 mins na lang at alas onse na>,<
Grabee ang tagal ko na palang naghihintay
Mayamaya nakita kong may paparating then i saw Angel
"Oh Yam bat ngayon ka lang?"
"May inasikaso pa kasi ako ee"
"Aa ganun ba ? Akala ko kasi di ka na pupunta"
"But you saw me here ;-)"
"Hmm Hahah Tara upo muna tayo"
Umupo kami ni Angel at nauna na kong magsalita
"Angel may paguusapan kasi tayo ee"
"Yap I know ;-)Happy 6th Monthsary Yam"
"May gusto lang kasi akong linawin "
"Hah Anong linawin? Maayos naman tayo diba?"
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at inilapit ng konti ang mukha ko sa kanya
"Im so sorry Angel"
"Sorry para san?"
"I love her"
"No ! Hindi mo gagawin sakin to"
"Sorry"
"I love you Mark, wag mong gawin sakin to"
"Ginawa ko naman ang lahat para makaya kong mahalin ka pero hindi ko parin sha makalimutan"
"At sino ? si Darah ?"
"Ginagawa ko lang to ngayon para di ka na umasa pa"
Tinanggal niya ang kamay niya at kitang kita ko ang pagiyak niya
"Pero matagal nakong umasa Mark,umasa ako na balang araw mamahalin mo din ako and it was granted pero isa lang pala yung malaking kasinungalingan ?"
"Im Sorry Angel, Im so sorry"
"Wala kang kwenta Mark ! Wala kang kwenta"
Pinagsusuntok niya ko at hinampas
"Akala ko Mark ! Akala ko!! "
Tumakbo si Angel at pilit ko parin shang hinahabol ng sigaw
"Angel ! Angeeeelll"
At hindi niya na magawang lumingon at nagpatuloy sa pagalis
Sa inupuan ni Angel may nakita akong Box na mukang gift
Binuksan ko yun at may nakita akong personalized watch na picture naming dalawa ni Angel ang design at may maliit na papel
Binuksan ko yun at binasa ang nakasulat
Happy 6th Monthsary Yam ;-)
I Love You More =))
Ingatan mo yan aa para tumagal kagaya natin ;))
You Are Mine
Angelica ^.^
Habang binabasa ko ang sulat kasabay na pumapatak ang luha ko na naging dahilan ng pagkabasa ng papel
Kinuyumos ko yun at ibinato sa malayo
At ang relo ay tinago ko
"Im Sorry Angel, Im so sorry"
'When theres a LIE in every BELIEVE"
----------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/8370760-288-k761813.jpg)
BINABASA MO ANG
In Another Life (Completed/EDITING)
Teen FictionNatry mo na bang sumunod sa mga signs? Signs na sinasabing magdadala daw sa iyo sa tunay na pag-ibig. At dahil I sa ka sa mga sawi, papatulan mo ang sinasabi ng iba na kalokohan. #DARAH2013