"Hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkatuluyan ang dalawa dahil sa napakaraming pagsubok sa kanilang buhay" sabi ni Mark
"Ee Lolo Mark, ano po bang nangyari kay Ate Darah ?" Tanong ng bata
"Bago pa siya mabulag ay ipinagkaloob niya na ang puso niya para kay Angelica, sa mga pagkakataon kasing yun ay nalalapit nang mawala si Angelica at gusto ni Darah na maidonate niya ang puso niya para mabuhay si Angelica"
"Grabe naman po ang nangyari Lolo Mark"
"Oo Apo ! Ganyan ang buhay, puno ng pagsubok ! hindi lahat ay makukuha mo ng buo pero naniniwala akong nabubuhay ang pagibig ni Darah sa katawan ni Angelica"
"Nakakaiyak naman po yung kuwento ni Ate Darah at nung lalaking yun"
"Ganun ba Apo? O sige pumasok ka na sa loob at kumain na kayo ng Lola Angel mo"
Pumasok ang bata sa loob ng bahay at si Mark ay umalis ! Pumunta siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang babaeng pinakamamahal niya
"Malapit na tayong magkasama Darah, Wala ng makapaghihiwalay sa atin"
Habang pinupunasan ang Lapida ni Darah ay kasabay na bumuhos ang pagkalakas lakas na ulan
The End
BINABASA MO ANG
In Another Life (Completed/EDITING)
Teen FictionNatry mo na bang sumunod sa mga signs? Signs na sinasabing magdadala daw sa iyo sa tunay na pag-ibig. At dahil I sa ka sa mga sawi, papatulan mo ang sinasabi ng iba na kalokohan. #DARAH2013