Part 2: MRH 3

1.6K 21 3
                                    

"Talaga Dad!?" They shouted in unison. Nakangiti naman akong tumango at ipinakita sa kanila ang I.D ng kanilang ina.

"Eh Dad, bakit ibang pangalan ang nakalagay?" Tanong ni Matthew.

"I don't know either, son. Pero alam kong siya ang Mommy niyo, iniimbestigahan ko pa kung papaano napalitan ang pangalan niya."

"Tama si Dad, Matt. Alam ko ring si Mommy 'to, wala namang natagpuan na bangkay noon diba?" Sang-ayon ni Stephen. Nagulat na lamang kami ng makarinig kami ng hikbi.

"Why are you crying, Princess?" Agad ko itong nilapitan, yumakap naman siya sakin sinubsob ang mukha.

"Gusto kong makita si Mommy, Daddy." Umiiyak na sabi nito, napangiti naman ako at ginantihan siya ng yakap.

"Hush down Princess. Makakasama narin natin ang Mommy niyo, hintay lang." Pang-aalo ko.

Hinatid ko na sila sa kanilang school at dumiretso naman ako sa aking opisina.

"Boss, nandito na po si Agent Cruz." Napatango naman ako at sinabing papasukin ang agent na inutusan ko.

"Good Morning Mr. Hatfield, ito na po ang record ng pinapahanap niyo." Inabot nito sa akin ang folder, agad ko itong binuklat at nakita ang mga basic info ng aking asawa.

"May iba ka pa bang nalaman?" Umayos ito ng upo at tumango.

"Ayon sa nakalap ko ay may kinakasama itong isang Doctor sa Makati. Konektado ho ang Doctor na iyon sa sunog na naganap noon sa Mall, napag-alaman na nandoon rin ang Doctor ng mangyari ang insidente." Tumango naman ako upang ipagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi.

"May records din ho si Solar Kristine Nueva sa Hospital na pagmamay-ari ng Doctor noong araw ng sunog sa Mall. Nahirapan din ho akong kuhanin ang birth certificate dahil masyado hong mahigpit ang records niya na sobrang nakakapanghinala."

Napatango-tango naman ako, unti nalang at malalaman ko din ang totoo.

"Salamat sa impormasyon, expect the payment in your account. You can go now." Tumango naman ito at umalis na.

Binuklat kong muli ang folder at hinawakan ang kaniyang litrato.

Pinindot ko ang intercom.

"Robert, may ipapagawa ako sayo."

Wala pang 10 segundo ay pumasok na ito sa aking opisina.

"Ano po iyon Boss?" Inabot ko sa kaniya ang mga bagong picture ni Luna.

"Scan those pictures tapos ipalagay mo sa frames." Tumango-tango naman ito at umalis na.

Kinuha ko ang frame na naglalaman ng family picture namin at napangiti. Malapit na muli tayong mabuo, unting panahon nalang.

Till It Ends [Hermoso Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon