Halaaaa. Ang tagala ko talaga bago makapag-update, sorry guys! T^T
-
Ilang araw nalang at ikakasal na ulit kami ni Jaxon. Ang saya-saya ko kasi magiging kumpletong pamilya na kami.
Bawat araw na lumilipas, lalong pianpatunayan ni Jaxon na nagbago na siya at magiging mabuti na siyang asawa at ama. Hindi ko na inungkat pa ang mga nakita kong pictures, alam ko namang may tamang panahon para itanong iyon.
"Anong iniisip mo?" Napangiti naman ako ng humalik siya sa noo ko, tumabi siya sakin sa kama at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Hmm. Iniisip ko na sobrang mahal mo pala talaga ako." Sagot ko, lalong humigpit ang yakap niya sakin.
"Tama ang iniisip mo, sweetheart. Mas sobra pa sa 'mas' ang pagmamahal ko sayo." Natawa nalang ako sa ka-sweetan niya, kailangan kong tumawa baka kasi mangisay ako sa sobrang kilig.
Nahiga na kami ng hindi niya tinatanggal ang pagkakayakap sakin, ini-unan ko rin ang braso niya. Nakatitig lang kami sa ceiling.
Galing kami kanina sa simbahan kung saan kami ikakasal, talagang pinili ko sa Taal church dahil bukod sa maganda ang simabahan ay napaka-memorable ng simabahan na iyon.
Doon ko kasi unang nakilala si Jaxon, kami pa ng kapatid niyang si Jonas noon. Niyaya ako ng family nila na mag-simba sa Tagaytay at ayun nakilala ko si Jaxon pero loko-loko pa siya non. Hahahaha!
"Excited na akong makasal ulit sayo, sweetheart." Lumingon ako sa kaniya at ngumiti, tumagilid ako ng bahagya para makaharap siya.
"Ako din. Akala ko talaga noon hindi na ako magiging masaya." Nakita ko naman ang biglang paglambot ng ekspresyon niya kaya nataranta ako.
"Ah-eh, h-hindi mo kasalanan yon. A-ano okay na sakin 'yon----" Natigil naman ako sa pagsasakita ng ipatong niya ang hintuturo sa labi ko.
"Shh. I know it's my fault, at napaka-gag* ko para saktan ka." Nagsisimula na namang magtubig ang mga mata niya, naging iyakin siya simula ng magkabalikan kami. Lagi niyang sinisisi ang sarili niya sa mga nangyari noon.
Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya.
"Hindi lang ikaw ang may kasalanan noon, Jaxon. May kasalanan din ako kaya huwag mong sisihin ang sarili mo, okay? Nasasaktan ako na makitang sinisisi mo ang sarili mo."
Napapikit siya at niyakap pa ako, naramdaman kong hinahalikan niya ang buhok ko habang bumubulong kung gaano niya ako kamahal.
Kuntento na ako at wala ng mahihiling pa.
--
Today is our wedding day, kinakabahan na nae-excite ako. Kanina pa ako nandito sa bridal car sa harap ng simbahan, sina Mom and Dad ang maghahatid sakin.
Ang bestman ni Jaxon ay si Jonas, habang ang bridesmaid ko naman ay si Margarette. Nagtalo-talo pa nga ang mga loka kung sino ang magiging bridesmaid ko. Hahaha!
Kumatok na sa bintana ang isang tauhan at pinagbuksan ako ng pinto. Nakita ko naman si Eleven na nakalahad ang kamay, kinuha ko ito at ngumiti sa kaniya.
Pagkalabas ko palang ng sasakyan ay sumalubong na sakin ang sariwang hangin ng Tagaytay. Ngumiti sa akin si Eleven at naglakad na kami papunya sa mga magulang namin.
"I'm so happy for you, sis. Basta magsabi ka lang sakin kapag sinaktan ka ng asawa mo at papatayin ko siga agad." Natawa naman ako at napaluha, napatawa rin siya at pinahid ang luha ko.
"Huwag ka ngang umiyak, papangit ka sige." Hinampas ko nalang siya sa braso at lumapit na kina Mom.
Pagbukas ng malaking pinto ng simbahan ay namangha ako sa ayos nito pero mas napangiti ako ng makita ko ang lalaking pinakamamahal ko.
This is not the ending, this is only the beginning.
BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
Roman d'amourFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)