Nakauwi narin ako sa wakas! Hindi ko talaga kakayaning makasama ng matagal yang si Jaxon, sobra kung kumabog ang puso ko jusko.
"Saan ka galing?" Napalingon naman ako at nakita si Jonas na malamig na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at umupo sa may sofa.
"Diyan-diyan lang. Bakit?" Pagsusungit ko, nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya at agad tumabi sakin.
"Galit ka pa ba sakin?" Malumanay na tanong niya pero inirapan ko lang siya. Sobra kaya akong natakot noon sa kaniya, akala ko kakainin na ako ng buhay.
"Sorry na Solar, please?" Hindi ko parin siya pinansin at nilaksan ang volume ng TV. Narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim, nagtitimpi na yan kapag ganyan.
Nagulat nalang ako ng higitin niya ako paharap sa kaniya at niyakap.
"Sorry na ha? Ayoko lang kasi na mahiwalay ka sakin." Napailing nalang ako at humiwalay na sa yakap niya, tinuro ko ang hintuturo ko sa noo niya at diniinan iyon.
"Sa susunod huwag ka ng magagalit ng ganon! Nakakatakot ka kaya." Napangiti naman siya at agad hinawakan ang kamay ko. Ngingiti-ngiti kasi alam niya na bati na kami, isip bata.
"Hindi na po. I-hug mo nga ako, na-miss kita eh." Napangiti nalang ako at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko rin naman siya 'no, bestfriend ko 'to eh.
Kakaalis lang ni Jonas at eto ako nag-aayos ng mga gamit na ginamit ko doon sa bahay nina Jonas. Binuksan ko ang isang bag at napakunot ang noo ko ng makita ang isang box.
Akin ba 'to?
Ah! Kinuha ko nga pala 'to doon sa kwarto ni Jaxon, sabi kasi ng mga bata ay sa akin daw iyon. Hindi ko nga sana kukunin kaso pinilit parin nila sakin. Nako, baka magalit si Jaxon.
Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si Jaxon nang biglang bumagsak ang box at tumapon ang laman nito.
Hala naman oh.
Pinulot ko isa-isa ang mga papel, pero napatigil ako ng makita ko ang isang litrato. Lahat ng tao sa litrato ay nakangiti, isang lalaki at dalawang maliit na pa lalaki tapos isang babae na may karga-kargang batang babae.
Si Jaxon ba 'to at ang mga anak niya? P-pero bakit kamukha ko ang babae? Bakit parang ako ang asawa niya?
Then it strikes me.
"Hindi. Alam kong ikaw ang asawa ko. Ikaw si Luna. Bumalik ka na sa amin please, miss na miss ka na ng mga anak natin.""Pahawak muna sa kamay mo ha? Kamukha mo kasi yung kapatid ko, kaso wala na siya."
"Ikaw po ang Mommy namin."
Bakit? Bakit nakikita ko ang sarili ko sa bawat litrato na nandito?
Sino ba talaga ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/74067008-288-k126355.jpg)
BINABASA MO ANG
Till It Ends [Hermoso Series]
عاطفيةFormer 'My Runaway Husband' Date: 6/4/16 (9:40 AM)