Chapter 1: Meet David

28 2 0
                                    

David's POV

I'm here at the rooftop. Nag iisa. No. Hindi pala dahil kasama ko ngayon si Jaspher. Si Jaspher na ako lang ang nakakakita. Or should I say.. My evil friend.

Kahit sa pagtulog, paliligo, at pagpunta sa kahit saan, lagi syang nasa tabi ko para ipaalala kung gaano ako kasama. At dapat, manatili akong masama.

I was 7 years old back then. Lagi akong binubugbog ng tatay ko simula ng maghiwalay sila ni mama. Kung ano anong katarantaduhan ang ginawa nya sakin. May araw na tinangka nya akong ibenta sa isang bakla para gawing laruan. Kinukulong nya ko lagi at pinapakain ng panis. At sa buong Linggo, tatlong beses sa isang linggo lang ako pinapakain ng magaling kong ama. Simula ng araw na yon. Kinamumuhian ko na siya. Galit ang namuo sa puso ko.

Nung kinulong nya ako sa kabinet, may narinig akong nagsalita sa tabi ko.

"Ang hirap maging isang taong likha ng diyos hindi ba? Gusto mo rin bang maging katulad ko? Malaya sa lahat."

Natuwa ako sa sinabi nya dahil gustong gusto ko ng umalis sa pamamahay na to.

"Oo gusto kong maging malaya. Gusto kong maging tulad mo. Sino ka at paano ka nakapasok dito sa amin? "

"Ako si Jaspher, ang iyong kaibigan. Tutulungan kitang maging malaya." Sabi nya.

"Talaga? Paano? "

Binuksan niya ang kabinet. Pagkatapos noon ay lumabas ako at nagpunta sa kusina para kuhanin ang kutsilyo. Nagtungo ako sa kwarto ni papa. Walang habas ko siyang pinagsasasaksak gaya ng sabi sa akin ni Jaspher.

Bago sya malagutan ng hininga, may huling siyang sinabi sakin na noon ko na lang ulit narinig, anak.

Don ko lang narealize ang ginawa ko. Sinisi ko si Jaspher dahil don pero binago nya ang isip ko. Araw araw nyang ipinapaalala kung paano naging masama ang tatay ko. Kung paano ako binubugbog. Sinabi nya na nararapat lang iyon sa kanya.

Noong panahon yon, wala ako naging kasama kundi si Jaspher lang. Araw araw syang nasa tabi ko at hindi umaalis. Lahat ng kilos ko ay dinidikta nya.

Nagnanakaw ako para mabuhay gaya ng utos niya.
Tinuruan nya akong gumawa ng mga masasamang gawain.

Nung 12 years old ako, don ko nalaman. Nalaman ko na isa siyang demonyo. Natakot ako ng makita ang tunay niyang itsura. Kulay pula siya at may dalawang sungay sa ulo at may buntot.

Sinabi ko na layuan nya ko pero hindi nya ginawa dahil nakipag sundo na daw ako sa kanya.

Gusto kong kumawala. Gusto kong magbago. Gustuhin ko man. Hindi ko magawa.

Pinuno nya ng galit ang puso ko.
"Alam mo ba kung anong pinaka tangang nilikha ng dyos sa mundong ito?" Sabi nya sakin noon.

Pag ibig. Yan daw ang pinaka masamang nangyayari sa mundo. Once na umibig daw ako, masisira ang buhay ko. Lahat ng sinasabi nya ay pinaniniwalaan ko.

Wala akong kaibigan. Walang lumalapit sa akin dahil demonyo daw ako. Pero wala akong pakealam sa kanila.

Tuwing makakakita ako ng dumadaan na parehas nag iibigan sa harapan ko, gusto gusto ko silang patayin. Para saan pa ang umibig kung masasaktan ka rin naman.

Hindi ko sila mapatay dahil.. Ewan ko, parang may babae kasi sa panaginip ko na pumipigil na gumawa ako ng masama.

Punyeta. Kapag nakita ko ang babaeng yon ay papatayin ko sya.

Pagkapasok ko, nagbubulungan na naman ang mga gago kong kaklase. Wala akong pakealam sa kanila. Pero gustong gusto ko silang ilibing ng buhay.

May nakita akong babae na nakatalikod sa akin. Parang sya yung babae sa panaginip ko.

Maya maya pa ay tinuro ako ng isa sa mga babaeng kausap nya .

Dahan dahan syang lumingon.

Shit. Sya ung babae sa panaginip ko.

Titig na titig ako sa kanya at ganon din sya sakin.
"Don't stare at me." Malamig kong sabi.

Tinulak ko sya dahil biglang tumibok ng kakaiba ang puso ko.

Sa susunod na makita ko pa ulit sya. Papatayin ko sya. Dudurugin ko sya sa sarili kong kamay.

"May naramdaman ka ba sa puso mo?" Tanong ni Jaspher

"Wala" pagsisinungaling ko.

"Bago ka pa nya maapektuhan, kailangan patayin mo na sya sa lalong madaling panahon." Aniya

---
To be continued

 When The Devil Becomes An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon