David's POV
P*ta. Ano ba 'tong nararamdaman ko.
"Alam kong may dahilan sa lahat ng ito. Hindi ka mamamatay tao. Sana.... Sundin mo ang sinasabi ng puso mo." Sabi nya
Napaisip ako. Maya maya pa ay naramdaman kong umalis na sya.
"Anong ginawa mo. Dapat patay na sya ngayon. Bakit hindi mo sya pinatay?" Galit na galit na sabi ni Jaspher.
Hindi ako makakibo. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko pa sya pinatay. Aamin ko...
Sa dami na ng pinatay ko, sa kanya lang ako lubos na nahirapan.
"Fuck this. Damn." Napamura na lang ako.
"Hindi ko kaya." Sabi ko kay Jaspher.
"Anong hindi mo kaya? Babae lang yon. Wag mong sabihing lumalambot kana?"
Ewan ko ba. Walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Naglakad na ako papuntang apartment. May humarang saking anim na lasing.
Pinipilit nila akong uminon. Pero dahil ayaw ko at mainit ang ulo ko, hindi ko napigilan at isa isa ko silang pinatay.
Umuwi ako ng may mga talsik ng dugo sa mukha ko.
Sigurado ako na mababalita na naman ang nangyaring pagpatay.
Pero wala na akong pakealam sa kanina.Inisip ko yung mga nangyari kanina. Alam kong alam ni Jaspher ang nasa isip ko.
"Ano, lumalambot ka na ba? Baka nakakalimutan mo na may kasunduan tayo? Wag mo akong subukan. Hindi mo pa ako nakikitang magalit."
"Hindi. Hindi ako lumalambot. Iniisip ko lang kung paano ko sya ulit papatayin." I lied
"Dapat lang. Mukhang hindi muna ako magpapakita sayo. Ipagkakatiwala ko na sayo ang lahat."
"K." Walang gana kong sabi
Pero sa loob loob ko, nakaramdan ako ng tuwa dahil wala ng magdidikta sakin.
Humiga na ako at unti unting ipinikit ang mata.
Nandito ako ngayon sa lumang kakahuyan. Bilog ang buwan at natatanaw ko ang babaeng nakatikod sa kinaroroonan ko.
Lumapit ako sa kanya. Kamukhang kamukha nya si Samantha. Dahan dahan nya akong niyakap. Ramdam ko ang tibok ng puso ko. Kakaiba.
"Mali yung ginawa mo. Lumayo ka na sa demonyong nag uudyok sayo na gumawa ng masama. Mabuti kang tao."
Habang sinasabi nya yon, pakiramdam ko ligtas ako sa tabi nya.
Ang saya sa piling nya.
Biglang kumulog at kumidlat. Dahan dahan syang naglalaho na parang bula.
Tinawag ko sya pero tuluyan siyang nawala.
Naalimpungatan ako. Pag gising ko ay pawis pawisan na ako.
Shit. Bakit parang si Samantha yung nasa panaginip ko? At ano daw? Lumayo ako kay Jaspher? Hindi pwede.
Kahit gusto kong gawin yon, hindi na pwede.
Bumaba ako para uminom ng tubig.
Damn it. Panaginip lang yon pero ang lakas ng apekto sakin. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko.
"That's just a fvcking dream." Sabi ko sa sarili.
Pero tuwing natutulog na ako, lagi na lang iyon ang panaginip ko. Hindi nagbabago ultimo lugar at tao.
Gustong gusto ko ng kausapin si Jaspher pero hindi sya nagpapakita sakin.
Umakyat ako sa kwarto at nagtungo sa bintana.
3:26am
Great!
Hindi na ako makakatulog neto.
Fuck this life.Tinignan ko yung bahay na katapat lang ng apartment. Bigla kasing bumukas yung ilaw na katapat ng kwarto ko. May babaeng lumabas.
Medyo nagulat ako nung nakita ko kung sino yung lumabas. Si Samantha.
Ngayon ko lang siya napagmasdan ng mabuti. Maganda, matangos ang ilong, at ang ganda ng mata.
Nakapantulog pa sya at halatang antok na antok. Papikit pikit pa yung mata nya ng bigla syang tumingin sa langit. Napatingin rin ako dun. Ang daming stars. Tapos bilog pa ang buwan.
Biglang sumigaw si Samantha.
"I miss you mama, papa." Habang sinasabi nya yon, tumutulo yung luha nya.Pumasok na sya sa loob pagkatapos non.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kakaiba talaga 'tong puso ko. Hindi ko pa ito naramdaman noon.
Hindi pwede to. Mali. Masamang magmahal gaya ng sabi ni Jaspher.
Pero siguro dahil lagi lang akong puyat. Kakausapin ko talaga sa Jaspher at ipapatigil ko ang nakaka bwisit kong panaginip.
---
To be continued
BINABASA MO ANG
When The Devil Becomes An Angel
Genç KurguPaano nga ba kung maka encounter ka ng isang taong nakipag sundo sa demonyo? Will you stay away from him or you will make him an Angel? This story is all about a boy named David Lorieta who turns into a devil because of the tragedy that happened to...