Chapter 4: Partners

10 2 0
                                    

Samantha's POV

*Krrrriiiiiinnnnggg*

Pinatay ko na yung alarm clock ko kahit labag sa loob ko. Antok na antok pa ko. Nagising kasi ako ng alas tres kagabi.

"Good morning tita." Mukhang masama ang gising ni tita ah.

"Tita ayos lang po kayo?"

"Hindi. Eh kasi naman. May namatay kagabi dyan sa kanto. Mga lasinggero. Anim sila. Kunpare ko pa yung isa. Nakakalungkot nga e."

Nung oras na sinabi yon ni tita, bigla na lang pumasok si David sa utak ko.

No. Hindi nya yon magagawa.

"Sya nga pala Sam. Pagkaawas mo sa school samahan mo ako kay pareng Kanor at ako'y makikilamay ha." Sabi ni tita

"Sure po tita. Tara na po kain na po tayo."

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako kay tita.

Habang sinasara ko yung gate, nabigla ako nung nakita ko si David na lumabas sa kabilang bahay. Tinignan nya lang ako at umalis na. Pero bago siya makaalis,

"David." Tawag ko sa kanya. Hindi siya lumingon kaya sumabay akong maglakad sa kanya.

"Pwede bang makisabay pumasok? Dito ka rin pala nakatira ah."

"Hindi pwede at wala kang pakialam kung dito ako nakatira."

"Hmmp sungit. Please pasabay na. Alam mo ba may namatay dito kagabi mga lasinggero daw. Hayy nakakatakot tala-"

"Shut up. Hindi ka ba natatakot sakin? Anytime pwede kitang patayin kung kailan ko gusto. Pwedeng bukas, mamaya o.... ngayon." Geez. Kinilabutan ako

"Hindi ako natatakot kasi alam kong hindi mo yung magagawa."

Hindi na sya nagsalita pagkatapos non.

Bulungan ang agad na sumalubong sa amin ng makita nila kaming magkasunod pumasok.

"Sya palang ang nakalapit ng ganyan kay David." Sabi ni Chesca

"Oo nga. Imposible yon. Ang swerte naman nya."- Monique

Bumulong pa rinig ko naman. Tsk -__-

"Good morning class. Meron tayong activity na gagawin ngayon. This is all about singing. All you need to do is to sing together with your partner. Anything that you want to sing.  Easy right? So para may thrill, ako ang pipili ng magiging kapartner niyo. Ang magiging kapartner nyo ay ang seatmate ninyo." Sabi ni sir Del Mundo (music teacher and adviser namin)

Yes! Magaling akong kumanta. Excited na ko. Lumingon ako sa katabi ko.  Napasimangot ako ng makita ko kung sinong katabi ko. Tsk. Ayun... Tulog nanaman.

*poke*
*poke*

Inangat nya yung ulo nya
"What?" Tss suplado

"Tayo yung magpartner sa activity ni sir. About singing." Sabi ko

"I'm not interested." Sabi nya sabay tungo ulit

*evil grin*

Hindi ko sya titigilan.

*poke*
*poke*

"Ahhh tigilan mo na ko. Wag mo nang guluhin yung utak ko. Lagi kitang nakikita lubayan mo na ko kung ayaw mong mamatay." Galit nyang sabi

Nakakatakot yung tingin nya.

"Sorry na please? *pout* kapag kasi wala akong partner bababa yung grades ko please pumayag ka ng maging partner ko. Ngayon lang to. Pretty please?"

*puppy eyes*

"Tss. Fine! " yes!!

"Sige ha sabi mo yan. Pupunta ko bukas sa bahay nyo since Sabado naman tyaka alam ko bahay nyo." Sabi ko

Hindi na sya umimik nung nagsalita ako. Baka tulog na naman. Hihihi excited na ko bukas.

"Uyy" tawag sakin nung classmate ko na nakaupo sa likuran.

"Bakit?" Sabi ko

"Paano mo napapayag yang si David at paano mo siya nalalapitan? Eh ni wala pa ni isang nagtangkang lumapit dyan e. Swerte mo girl."

Huh? Bakit naman walang lumalapit sa kanya? Wala ba syang friends?

"Wala syang friends?" Tanong ko

"Wala. Uy kapag naging close na kayo pakilala mo ko sa kanya ha? Wala kasing pakialam yan sa mundo. Ni wala ngang alam na ibang pangalan yan e." Sabi nya

Teka... Ibig sabihin di nya alam pangalan ko? Hmmm alam ko na.

*Kriinngg* (sfx ng bell)

Awasan na.

Inuga ko yung upuan ni David.

"David awasan na sasabay na ulit ako sayo."

Hindi nya ako pinansin at nagderedetso na palabas. Hinabol ko naman siya.

"Uhhm. David ako nga pala sa Samantha Melendez but you can call me Sam. ^_^"

"Kilala kita." Whoah first time nya akong hindi sinungitan

"Talaga? E bakit sabi nung classmate-"

"Shut your mouth. Ang ingay mo." Sungit parin

"Hmmp okay."

Teka si tita yon ahh. Samahan ko daw siya hindi naman ako inintay.

"Tita" tawag ko sa kanya

"Oh Sam hindi na kita inintay. Sinundo kasi ako ni mare. Teka... Sino yang kasama mo?" Sabi ni tita

Ayy hindi pa pala umaalis si David

"Tita si David po. David si tita." Pakilala ko

Nagbow lang si David tapos ngumiti.

Whhhooaahh O_O

First time. First time nyang ngumiti.

"Nice to meet you David." Sabi ni tita

"Sige aalis na ako." Paalam ni David

"Teka David." Hinila ko sya ng konti papalayo kay tita tapos sinundot ko yung tagiliran nya.

"Yiee nag smile sya. Nag smile sya. Mas pogi ka pala kapag nakangiti." Sabi ko sa kanya.
Nakitang kong namula yung tenga nya. Hhmm bakit kaya?

"Bakit namumula tenga mo?" Tanong ko.

"Wala." Tumalikod na sya. Pero bago sya tuluyang makatalikod, his lips curved into a smile.

Whhaaaa. Nakita ko yon ah.

"Hoy David bukas ah." Pahabol kong sabi sa kanya pero hindi na sya lumingon.

---
To be continued

 When The Devil Becomes An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon