Chapter 2: I will kill you

15 2 0
                                    

David's POV

Pagkatapos ng sinabi ni Jaspher, nag isip na ako ng paraan kung paano ko sya papatayin. Paano kaya kung pugutan ko na lang siya ng ulo. O kaya ibaon ng buhay.

Pero nauwi ang plano ko na saksakin na lang siya.

"Yan ang tama mong gawin. Dapat lang na mamatay ang babaeng yon."- Jaspher

Samantha's POV

Pagkatapos ng tulakan scene namin ni David, or should I say sya lang ang nanulak. Dumeretso na ako sa room namin. At dahil nga transferee ako, nagpakilala ako sa unahan.

Habang naglalakad ako, ramdam na ramdam ko ang  malalamig na tingin ni David.

O. M. G

Classmate ko pala sya.

"Good morning classmates. My name is Samantha Melendez. I'm 15 years old. Sana maging kaibigan ko kayo."

"Okay Ms. Melendez. Just seat beside Mr. Lorieta."

Whaaaa kapag minamalas malas ka nga naman oh.

Nagbulung-bulungan yung mga classmates ko.

"Ang swerte nya naman."-girl 1
"Anong swerte, baka mamaya naka bulagta na yan dyan."-girl 2

Huhuhu bigla akong kinilabutan.
Paupo na ako nung bigla nyang ipatong yung bag nya sa uupuan ko dapat.

"Excuse me mister pero dito ako pinapaupo ni sir." Sabi ko sakanya.

"Wala akong pakealam. Umalis ka dito."

"Is there any problem Mr. Lorieta?" Sabi ni Sir. Del Mundo

Tinignan nya lang ng masama yung teacher at inalis yung bag nya sa upuan ko.

Kanina pa ako kinakabahan sa kinauupuan ko. Kasi naman eeee. Ang sama nya tumingin parang pinapatay nya ko sa isip nya. *pout*

Yesss! Pagkatapos ng nakaka antok na lesson, uwian na rin sa wakas.

Nagmamadali akong ayusin yung gamit ko dahil ayokong makita o makausap si David.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako sa room namin.

*lakad lakad lakad*

Parang may sumusunod sakin. Lumingon ako sa likod pero wala naman.

Maya maya, bigla na lang may kamay na nagtakip sa bibig ko.

"Hhhhmmmmm" whaaa kidnap kidnap. Hindi ako makasigaw. Naiiyak na ko. Huhuhu

Dinala nya ako sa likod ng school. Nakita ko yung mukha nya.  Nagulat ako kung sino yung tumambad sakin. 

"David?" Hindi ako makapaniwala. Nakatitig lang sya sa mga mata ko. May kakaiba talaga akong nakikita eh.

Nanlaki yung mata ko nung may inilabas syang kutsilyo mula sa bag nya. O___O

Dont tell me..

"A-anong g-gagawin mo?"

Hindi siya nagsalita. Pinag laruan nya lang yung kutsilyo sa kamay nya.

Bigla nya akong hinila patalikod kaya ang pwesto namin ay nakayakap sya sa may leeg ko. Itinutok nya sakin yung kutsilyo.

"I will kill you." Sabi nya. Bigla akong nanginig.

Lord. Patawarin nyo ko sa lahat ng kasalanan ko. Sana po sa langit ako mapunta.

Bigla na lang pumatak yung luha sa mata ko.

"Wag. Please. I'm begging you. Don't do this."

Tumawa sya ng malakas. Nakakabingi ang mga tawa nya. Para syang devil.

"I'm begging you I'm begging you. Tingin mo maaawa ako sayo? Sino ka ba sa tingin mo ha?" Lumapit sya sakin.

3 inches na lang ang pagitan ng mukha namin. Naduduling na ako.

"Please. May pamilya pa ako. Paano si tita? Atsaka bata pa ako. May pangarap pa ako. Wag mo kong patayin."

Hinwakan ko sya sa kamay nya.

Bigla syang natigilan.

Binitawan nya ako at nagmumura ng mahina. May binubulong pa sya na "I can't do this."

"Run." He said calmly.

"Pero-"

"I SAID RUN!" sigaw nya.

Hindi. Hindi ako aalis. Kailangan kong malaman kung bakit nya to ginagawa.

Nakatalikod na sya sakin ng bigla ko syang niyakap patalikod.

He stiffed. Hindi sya nagsalita pero ramdam kong uneasy sya.

"Alam kong may dahilan sa lahat ng ito. Hindi ka mamamatay tao. Sana.... Sundin mo ang sinasabi ng puso mo." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagalaw at nagsasalita. Kumalas ako sa yakap at dahan dahang umalis. Hindi nya na ako hinabol o pinigilan.

Geez. Muntik na kong mamatay don. Pag dating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni tita.

"Anong nangyari bakit parang tulala ka?" Aniya

Since hindi ako marunong magsinungaling, sinabi ko sa kanya lahat. Alalang alala sya sakin at balak nya ipa-transfer ako sa ibang school pero tumanggi ako.

Pumunta na ako sa kwarto at doon inisip lahat ng nangyari kanina.

Siguro may nagtutulak sa kanyang gumawa ng masama.

---
To be continued

 When The Devil Becomes An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon