Samantha's POV
"Oh, Samantha, saan ka pupunta?" Tanong ni tita. Maaga kasi akong gumising ngayon para pumunta sa bahay ni David.
"Tita may activity po kasi kaming kailangang gawin. Pupunta po ako sa bahay ni David ngayon. ^_^"
"Aba baka malayo ang bahay non. Gusto mo bang hatid na kita?"
"Nako tita ayan lang po sa tapat yung bahay nila oh." Sabay turo ko sa katapat ng bahay namin.
"O sya sige. Ingat ka." Sabi nya
Umalis na ako pagkatapos kong magpaalam kay tita.
Pagkalabas ko ng gate, tumakbo agad ako papunta sa kabilang bahay.
"Tao po."
"David nandyan ka ba?" Walang sumasagot. Pero buti na lang bukas yung gate.Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sobrang dilim naman. Halos wala na akong makita. Sarado pa pati mga kurtina.
Nasan kaya si David?
Nilibot ko yung loob ng bahay. Mayroong dalawang kwarto roon. Kapag bukas ko ng isang pinto, nagulat ako kasi may malaking portrait don na lalaki na nakabigti.
Dali dali kong sinara yung pinto. Napahawak ako sa dibdib ko.
Grabe nakakatakot naman bahay ni David.
"David?" Tawag ko. Wala paring sumasagot.
Pumasok naman ako sa isang kwarto. Madilim sa loob.
May nakita akong nakatalukbong ng kumot. So dahan dahan akong lumapit don.
"David ikaw ba yan?" Baka mamaya kasi multo pala yon.
Bigla akong natakot sa naisip ko kaya dali dali akong lumabas ng biglang....
"Whaaaa" sigaw ko. Hinigit kasi ako nung nakahiga sa kama. Napahiga rin ako. Bali nasa taas ako nung humigit sakin. Rapist. Rapist.
Pero bakit ang bango nung rapist?
"Huhuhu tulong wa-" bigla nyang tinakpan yung bibig ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakahinga ako ng maluwag ng mabosesan ko si David.
"Hayy. Kinabahan ako don. Ikaw pala yan David. Diba may activity tayo? Kailangan na nating gawin yon kasi sa Monday na ipepresent. Tyaka nagpaalam ako sa yo kahapon ah?"
"Tss. Umalis ka na kung gusto mo pang makalabas ng buhay."
Natawa ako sa sinabi nya
"Hahahaa David ang palabiro mo talaga."
Grabe nakakatakot siyang tumingin. Napaka seryoso ng mata nya. Parang mangangain
"Hehe. Pumayag kana kahapon diba?" Sabi ko.
"Labas. Magbibihis lang ako. Hindi tayo dito gagawa ng kanta."
"Okay sige ^_^"
Naglakad na ko palabas habang tumatalon talon. At nag ha-hum pa.
Inilibot ko yung paningin ko sa buong bahay. Madilim. Hinanap ko yung switch mg ilaw.
And tada!!
Bukas na. Ang kalat naman dito.
Tinignan ko yung portrait na nakasabit sa wall. Puro patay ang nakalagay. Grabe naman si David. Namumulot ng portrait.
*sfx: raining*
Ala umulan. Paano na kami makakalabas nyan. *ting*
Alam ko na.. Dito na lang kami gagawa ng kanta tutal naulan naman.
BINABASA MO ANG
When The Devil Becomes An Angel
Teen FictionPaano nga ba kung maka encounter ka ng isang taong nakipag sundo sa demonyo? Will you stay away from him or you will make him an Angel? This story is all about a boy named David Lorieta who turns into a devil because of the tragedy that happened to...