Samantha's POV
A-ko? May crush ako kay David?
Whaaaa!! Talaga!??
"Talaga tita? Nagka crush ako?" Masayang tanong ko kay tita.
"Oo iha. Kyahhh" nagtatalon kami ni tita sa may sofa.
"A-aray. Masakit nga pala pwetan ko huhuhu." Daing ko
"Ay sorry. Masaya ako para sayo. First time mong magka crush. Hihi."
Kailangan kong ipaalam kay David na may crush ako sa kanya.
Hmmm. Sa Monday ko sasabihin. Kapag tapos na kami mag perform. Pero pwede rin naman bukas. Kapag nandito na sya ^_^
Nung magdilim na, pumunta na ako sa kwarto ko. Since 8:20 pa lang naman ng gabi, kinuha ko muna yung net book ko sa may side table.
Iiistalk ko muna si crush. Hihi
Nag log in ako sa fb. Then click search button
David Lorieta
Wala syang official na facebook account pero may page sya.
Puro stolen picture nya lang yung nandun.
Kinuha ko yung usb ko tapos sinave ko yung ibang magagandang kuha.
Ipapa develope ko 'to sa Monday. ^_^ tapos ipapakita ko sa kanya. Bago ako tuluyang makatulog, ginawa ko muna nag daily routine ko.
Pumunta ako sa tapat ng bintana at binuksan iyon. Tumingin ako sa mga bituin at sumigaw..
"I miss you mama at papa." Paiyak na ako nang biglang may sumigaw din sakin
"Hoy ang ingay mo." Napatingin ako sa katapat ng bintana ko.
Si David pala.
"Hi David. May sasabihin nga pala ako sayo." Ngayon ko na sasabihin na crush ko sya.
Pero... Bigla na lang syang tumayo at umalis sa pwesto nya. Padabog nyang sinarado yung bintana.
Bakit ganon? Parang may biglang kumirot sa puso ko.
Malungkot akong tumingin sa mga bituin.
Ayaw nya ba sakin? Siguro hindi ko na lang sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko para sa kanya.
Mukhang wala naman syang pakealam don.
Hayss. Matutulog na nga lang ako.
David's POV
Nakahiga ako sa kama. Kahit ilang ulit kong ipikit ang mata ko, hindi talaga ako makatulog.
Pumunta ako sa tapat ng bintana. Inalala ko lahat ng nangyari kanina.
Paulit ulit kong itinatatak sa isip ko yung sinabi ni Jaspher. Na ang pag ibig ay kathang isip lamang.
"I miss you mama at papa." Tsk. Sya na naman.
Bigla na lang kumabog yung puso ko.
"Hoy ang ingay mo." Sabi ko
"Hi David. May sasabihin nga pala ako sayo."
Ayoko. Hindi pwede. Paano ko sya mapapatay kung lapit sya ng lapit sakin ngayon?
Tama. Dapat ang iniisip ko ay kung paano ko sya mapapatay.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Padabog kong sinara yung bintana.
Humiga ako at nag isip ng paraan ko paano ko sya mapapatay ng walang kahirap hirap. Wala si Jaspher kaya lalong hindi ako makapag isip. Lagi kasing sya ang nagdidikta sa bawat gagawin ko pero biglaan naman syang nawala.
Kahit anong isip kong pagpatay sa kanya, nauuwi parin sa mga pangyayari kanina.
Ugghh
Tigilan mo na yung utak ko Samantha.
Pero diba? Kapag mas malapit ako sa kanya, mas mabilis ko syang mapapatay. Pwedeng kapag nakatagilid, nakatalikod o kaya harapan.
Tama... Nakabuo na ako ng plano. Lalapitan ko sya ng lalapitan. Sa paraang iyon, mabilis kong syang mapapatay.
Pero bakit ko nga ba gustong gustong patayin si Samantha?
Simple lang...
Dahil iyon ang gusto ni Jaspher.
Mukhang gumagawa ata ng paraan ang tadhana para mamatay sya.
Tamang tama..
Pupunta ako sa bahay nila bukas at isasagawa ko na ang aking plano.
---
To be continuedA/N:
Hi guys first time kong mag A/N. Hihi.. Sorry pala kung maikli lang yung update ngayon. Babawi ako sa next chapter.I just want to thank my cousin, Whena dahil sya yung gumawa ng cover ng story ko.
Gusto nyo bang malaman kung sino yung cover ng story na to?
Just search him on facebook, twitter and instagram.
Sceven Nolasco
Member ng hype5iveBut anytime pwede ko syang palitan as a character.
Kaya ko sya ginawang cover....
Wala lang. Trip ko lang.Sorry sa mahabang A/N. Last na to
See you guys on next chapter.
PLEASE VOTE AND COMMENT.
Para na rin malaman ko mga reactions nyo.Thank you ^_^
BINABASA MO ANG
When The Devil Becomes An Angel
Dla nastolatkówPaano nga ba kung maka encounter ka ng isang taong nakipag sundo sa demonyo? Will you stay away from him or you will make him an Angel? This story is all about a boy named David Lorieta who turns into a devil because of the tragedy that happened to...