Chapter 1

20.4K 447 13
                                    

Chapter 1

[ZAIA MARIE LOCKHEART'S POV]

Maaga akong gumising para makapaghanda sa pagpasok sa eskwelahan. Ako lang mag-isa sa bahay dahil wala na akong magulang, salamat nalang dahil nakapasa ako bilang scholar sa isang sikat na unibersidad dito sa aming lugar.

Pagpasok mo palang ay maririnig mo na ang sari saring usapan ng mga estudyante. Kalat na naman kasi ang sunod-sunod na pagpatay sa mga kababaihan.

"Girls alam nyo ba 'yong portal doon sa may lumang building?"

"Bakit?"

"May namatay na naman daw kagabi."

"OMG?! Paano?"

"Ewan ko pero ang sabi may natagpuan daw na babae doon na may dalawang butas sa leeg."

Hindi ko na pinakinggan pa ang iba nilang usapan at dumiretso na sa aking silid. Mas may importante pang dapat asikasuhin kaysa pakinggam ang mga usapan tungkol sa mga demonyong bampira.

"Good morning Class 1P, itatanong ko lang kung anong oras nga ba ulit ang labas ninyo?"

"7 PM po, Sir." Tugon ng aming presidente.

"Maaga pa pero sa ngayon delikado na, kapag uwian niyo na ay dumiretso na kayo agad sa mga bahay ninyo o kaya magpasundo kayo. Wag na kayong gumala pa." Paalala niya samin.

"Ang aga pa kaya noon, Sir!"

"Oo nga Sir!"

Napailing nalang ako sa naging reaksiyon ng mga kaklase ko. Reklamo doon, reklamo dito. Bakit hindi nalang kaya sila sumunod. Para rin naman sa kanilang kaligtasan ang sinasabi ni Professsor Lee.

Ang titigas ng ulo.

"Alam niyo naman ang nangyayari sa lugar natin ngayon, kaya wag na kayong magreklamo. Pinag-iingat ko lang kayo."

Tumahimik na ang buong klase at nagsimula na siyang magturo.

            PAGKATAPOS ng klase ay bumili na muna ako ng mga gagamitin kong sangkap sa pagluluto ng dinner, darating kasi ang kambal kong kaibigan na si Alexa and Alexis.

"Magkano po ito?" Tanong ko sa tindera.

"Limang piso nalang sa iyo ineng." Sagot ng matanda. Tumango ako at iniabot na ang bayad.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay napatingin ako sa aking orasan, alas otso na pala ng gabi. Ang bilis ng oras. Sana lang ay makauwi ako ng maayos.

"Marie? Nasaan ka na we're here!" Agad na bungad sa telepono ni Alexis.

Naiisip ko na kung anong itsura niya sa kabilang linya. Ayaw kasi nitong pinaghihintay siya ng matagal. Hindi niya ata alam na patience is a virtue.

"Pasakay na ng elevator, sandali."

"Okay! Take care ha." Napailing na lamang ako nang bigla nitong patayin ang tawag.

Inayos ko na ang aking mga pinamili, baka bumukas na rin kasi ang elevator ng building kung saan ako nakatira. Laking pasasalamat ko na lang dahil may pamilya na tumulong sa akin. Binigyan nila ako ng condo unit na tinitirahan ko ngayon, sinagot na rin nila ang tubig at kuryente, pati allowance ko buwan-buwan. Mahirap mang paniwalaan pero isa ako sa mga pinakamaswerteng tao na napiling biyayaan ng ganitong klaseng pagpapala.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nagbukas na pala ang elevator. Sinalubong naman ako ng malamig na hangin na nagmumula sa loob.

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nasa aking harapan. Nakasuot siya ng purong itim na kasuotan. Mula sa sumbrero nito hanggang sa sapatos, ni hindi mo makikita ang kabuuang itsura nito. 

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon