Chapter 3

11K 344 8
                                    

Chapter 3


[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

Madaling lumipas ang mga araw at marami na rin akong nalalaman sa lugar na 'to. Ang kwintas na bigay sakin ni Zefrina ay ang magiging proteksyon ko laban sa mga nilalang sa mundong 'to. Sa paraan na hindi nila maaamoy ang dugo ko habang suot suot ko ang kwintas. Kapag nawala 'to baka maging katapusan na rin ng buhay ko.

Nalaman ko na may namumuno pala ditong isang haring napakalupit at walang habas kung pumatay. Kumbaga ay walang sinasanto. Kaya pinaalalahanan ako ni Zefrina na huwag kung saan saan pupunta o magpapakita man kahit kanino. Kailangan kong mag-ingat, hindi ligtas ang taong katulad ko laban sa mga nilalang sa mundong ito.

"Paano mo nasabing kakaiba ang aking dugo?" Tanong ko kay Zefrina habang kumakain.

Umiinom lang siya ng dugo pero mayroon siyang naka stock na mga karne, gulay at mga prutas dito sa bahay. Sabi niya ay nakakakain naman daw ang mga bampira at mga mangkukulam ng pagkain ng tao pero mas malakas ang naibibigay sa kanila ng dugo ng tao.

"Dahil sagrado ang dugo mo, tanging ang mga Lockheart lang ang may taglay ng pinakamainam at purong dugong makapagbibigay lakas at kapangyarihan ng sampung ulit sa amin." Namangha ako sa nalaman.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi, kakaiba kami. Kakaiba ang pamilya namin. May posibilidad kayang hindi ako tao? Hindi, hindi maaari.

Kung ganoon kalakas ang naibibigay ng dugo ko sa mga bampira talagang kailangan kong mag-ingat baka pag-agawan nila ako kapag nalamang isa akong Lockheart.

"Siya nga pala, paano ka napunta sa lugar na 'to?"

Speaking of, inaasahan ko nang itatanong niya 'yon dahil sino ba namang hindi magtataka na nakapunta ako dito diba. Pero sa paglipas ng araw ay hindi ko pa rin ulit nakikita ang lalaking nagdala sakin dito. Napatay na kaya siya? Huwag naman sana, kailangan niya muna akong ilabas sa mundong 'to bago siya mamatay.

"May nagdala sakin dito." Sagot ko at kumunot ang noo niya.

"Sino? Bakit ka niya dinala dito?"

"Punishment." Maikli kong sagot.

"Anong ibig mong sabihin na parusa?"

"Hindi naman sa parusa talaga pero bali ako 'yung kapalit para makalabas sa Teriment 'yung mga kaibigan ko."  Paliwanag ko.

'Sinasabi ko na nga ba.'

"Ano po?" Tanong ko ng may binulong siya na hindi ko naintindihan.

"Wala, lalaki ba ang nagdala sayo dito? Anong itsura niya?"

"Lalaki nga po," Napaisip ako sa kung ano nga ba ang itsura niya.

"Nakaitim siyang damit mula sa sumbrero hanggang sa sapatos. Mukha nga siyang kulto eh." Sagot ko.

"Ano pa?" Tanong niya na parang may gusto pang malaman.

"Kulay abo ang mga mata niya at nagiging kulay pula, nagniningning pareho kapag natapatan ng buwan."

Napatigil siya sa pag-inom ng sabihin ko 'yon. Siguro napaisip siya kung may kakilala siyang ganoon ang itsura.

"Ano pa?" Tanong niya at tumitig sa mga mata ko na parang may hinahanap pa. Pakiramdam ko ay hinahalungkat niya ang buo kong kaluluwa.

"W-wala na po." Sagot ko. Hindi siya agad nagrespond at nanatili ang titig niya sakin, naramdaman niya ata na naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya saka lang siya ngumiti at tumango.

"Huwag ka ng mag 'po' at 'opo' sa 'kin, lalo akong tumatanda." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan pero nabasag din ng magsalita siya.

"Sabi mo kanina may mga kaibigan ka  'di ba?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Sigurado akong nag-aalala na sila sayo at siguradong ikaw din ay gusto nang makabalik sa mundo niyo, hindi ba?"

"Gusto kong makabalik agad, baka may alam kang daan para makabalik sa mundo namin?" Tanong ko nagbabakasakaling matulungan niya ako para makabalik sa mundo ng mga tao, para hindi ko na rin hanapin ang lalaking 'yon.

"Meron." Maikli niyang sagot, nabuhayan ako ng malamang mayroon siyang alam na daan palabas sa mundong 'to.

"Kung ganoon ay tulungan mo ako Zefrina! Ituro mo sa 'kin ang daan." Masaya kong sabi sa kaniya pero tiningnan niya lang ako at nanatiling tikom ang bibig.

"Zefrina..."

Napaupo ako ng hindi niya ako sagutin, mukhang pinapaasa niya lang ako na makakalabas pa ako sa mundong 'to. Pati ba naman siya ay paasahin ako? Lahat nalang pinapaasa ako ah. Hindi ba ako kamahal mahal? Joke.

"Hindi kita matutulungang makabalik sa mundo niyo." Sabi niya. Hindi ba isa siyang mangkukulam? Dapat ay magaling siya a mga ganito.

"P-pero bakit?" Tanong ko.

"Kailangan ng pahintulot ng Hari, siya lang ang may kapangyarihan para makapunta sa mundo ng mga tao."

Napahinto ako, kung siya lang ang may kapangyarihan para makapunta dito ay sino ang lalakinh nagdala sa akin dito? Siya kaya ang Hari? Hindi. Hindi maaari.

"Wala na bang ibang paraan para makalabas sa mundong 'to?" Inilingan niya ako.

"Wala na, kapag nakakuha ka ng basbas niya ay pwede ka ng makapunta sa mundo ng mga tao."

"Kung ganoon ay kailangan kong makakuha ng basbas ng Hari para makabalik ako sa 'min?" tanong ko na tinanguan niya.

"Pero hindi basta basta nakukuha ang basbas niya." sabi niya.

Natahimik ako, sa tingin ko nga din ay hindi ako bastang makakakuha ng basbas ng Hari ng mga Bampira, baka bago pa ako makapasok sa palasyo ay patayin na ako ng mga tauhan niya.

"Anong basbas, anong klaseng basbas ang kailangan?"

"Bibigyan ka niya ng isang gintong rosas saka niya ituturo ang daan palabas."

Gintong rosas? Paanong naging ginto ang kulay ng rosas.

Kung wala ng ibang paraan ay kailangan kong makapasok sa palasyo at makuha ang loob ng Hari. Pero walang kasiguraduhan ang gagawin ko.

Napahilamos ako ng mukha, nakakainis lang dahil kung 'nong isang araw ay gusto kong manatili dito para makakuha ng sagot tungkol sa pamilya namin ngayon hindi na ako natutuwa. Mas mabuting pinatay nalang ako ng lalaking 'yon kaysa makulong ako sa lugar na 'to.

"Magbihis ka." Bigla niyang sabi saka siya tumayo.

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"May pupuntahan tayo."


FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon