Chapter 7

10.3K 300 15
                                    

Chapter 7: Under the Sky and the Moon


[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay muli niya akong iniwan sa lamesa.

Pasuspense pa 'tong si Zefrina. Bakit hindi na lamang niya sabihin ng diretso. Bakit kailangan ko pang hanapin ang kasagutan sa aking mga katanungan.

Napahinga ako ng malalim at inabala na lamang ang aking sarili sa mga pagkaing nakahapag.

Ang daming putahe. Nakakamangha na ang mga bampirang ito ay kumakain din ng mga pagkain katulad ng sa tao. Higit na mas masarap lang nga ang mga ito.

Napatingin ako sa kopang may laman na kulay pulang likido. Nakakasuka talaga ang amoy. Hindi ko kakayaning uminom ng dugo, mabuti nalang at mayroon silang tubig.

Napatingin ko sa aking harapan at nakita ang lalaking kanina pa ako pinagmamasdan.

"Cheers?" He move his glass up in the air.

Hinawakan ko naman ang akin at ginaya siya. Napangiti ito at ininom ang sa kaniya habang hindi iniaalis ang tingin nito aa akin.

Nakakailang naman ang lalaking 'to. Napatingin ako sa kopang hawak ko. Nagdadalawang isip ako kung iinumin ko din ba ito.

Nalukot ang mukha ko ng muli ko itong maamoy. Gosh, paano nila naiinom ang ganito kalansang dugo. Nakakadiri.

Nag-akto na lang ako na ininom iyon para hindi siya magtaka.

"Maari ba kitang maisayaw?" Napatingin ako sa gilid ko ng may magsalita.

Isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa akin. Mayroon itong singkit na mata, matangos na ilong at kulay rosas na mga labi.

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ah, ano kasi..."

Tatanggapin ko ba ang nakalahad niyang kamay sa aking harapan. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi ako hindi ba? Sayang ng gwapo niya pa naman.

"You don't want to dance with me?"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi at agad na umiling. Jusko, anong gagawin ko?!

"Hindi naman sa ganoon, ano kasi..."

Inilibot ko ang paningin ko sa mga nilalang na nandito. Kailangan kong makita si Zefrina upang makasigurado kung ayos lang ba na tanggapin ko ang alok ng lalaki.

Wala akong tiwala sa kahit na sinuman sa lugar na ito.

Pero mukha naman siyang mabait. Napakaamo naman kasi ng mukha niya. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko hindi ba? Aish, bahala na nga.

"Ang akala ko ay isang oras pa akong maghihintay..." Pabirong sabi nito habang papunta kami sa gitna.

"Gusto mo ba?"

Narinig ko ang pagtawa nito. Lalo tuloy siyang nawalan ng mata.

Inilagay niya ang kamay ko sa kaniyang balikat at ang kamay naman niya sa aking beywang.

Habang sumasayaw ay panay ang biro niya, lagi niya ring pinupuri ang kagandahang nakikita niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy hindi na bumaba ang dugo ko sa mukha.

"Mukhang tumatanda na talaga ako."

"Ha? Bakit naman?"

"Nakalimutan ko kasing magpakilala." Sagot nito habang kinakamot ang ulo.

Napairap ako sa sinabi niya, "Pinakaba mo 'ko."

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa dahil sa naging reaksiyon ko.

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon