Chapter 2

12K 370 8
                                    

Chapter 2

[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa batok. Dahan dahan akong umayos mula sa pagkakahiga at pilit na inaalala ang nangyari kanina.

"Hindi pwede..." Naluluha kong sambit ng maalalang isinama ako ng lalaki sa portal.

Pinagmasdan ko ang paligid, nasaan ako? Bakit nasa may damuhan ako. 'Yung lalaki kanina nasaan na siya? Wala akong ibang makita kung hindi mga matataas na puno, wala din akong makitang mga bahay dito.

"Nasaan ka?!" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot. Saan niya 'ko dinala? Bakit niya ako iniwan dito?

Muntik na akong mapamura sa sakit ng katawan ko pero naalala kong hindi pala ako nagmumura. Napangiti ako ng bahagya.

"Aw!" Napangiwi ako ng makitang may nakatusok na maliit na kahoy sa may binti ko.

"Ang malas ko naman..." Inis kong bulong.

Tiniis ko ang sakit at pilit na tumayo para maghanap ng pwedeng silungan. Sana lang ay may bahay akong makita.

Sa tagal kong naglalakad ay sa wakas may naaninag akong bahay sa di kalayuan, kaya kahit na nahihirapan at paika-ika ay sinubukan kong mas bilisan ang lakad.

          "TAO po? Tao po?" Tawag ko sa maliit na bahay na nakita ko, mukha na 'tong luma at gawa lang sa kahoy.
Nagdadalawang-isip ako kanina kung tatawag pa ba ako dahil mukhang walang nakatira dito pero umaasa ako na sana mayroong taong makatulong sakin.

"Ouch..." Bulong ko dahil sa pagkirot ng sugat ko sa binti. Patuloy ng pagdaloy ng dugo mula dito.

Sinubukan ko ulit na tumawag pero nawawalan na ako ng pag-asa. Mukhang walang makakatulong sakin dito. Saan kasi nagpunta ang lalaking 'yon?

"Tuloy ka..." Nabuhayan ako ng loob ng may nagbukas ng pinto. Isang magandang babae ang bumungad sakin, nakakulay itim siyang dress na lalong nagpatingkad sa kaputian niyang taglay.

"Magandang araw po." Bati ko at ngumiti, pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya. Namangha ako sa nakita, dahil simple lang ang ayos nito. Gawa sa ginto ang lahat ng gamit, may mga nakabote ring liquid na may iba't ibang kulay na nakalagay sa mga estante.

"Ang ganda..." Mangha kong sabi. Maliit lang ang bahay niya nandoon na rin ang kusina, sala at hapagkainan ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa mga nakikita ko, para akong nasa isang palabas sa telebisyon. Mukha kasi 'tong bahay ng witch pero hindi nakakatakot.

"Nakakatuwa ka." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya habang may kinukuha siya sa kusina.

"P-pasensiya na po, ngayon lang po kasi ako nakakita ng ganitong klaseng bahay." Nahihiya kong sagot.

Lumapit siya sa akin at may iniabot. "Ano po 'to?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Hindi mo alam kung ano 'yan?" Nagtatakang tanong niya sakin na parang sinusuri ang buo kong pagkatao.

"H-hindi po?"

"Saan ka nagmula?" Mabilis niyang tanong, nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. Nakakatakot kasi.

Hindi ako agad nakasagot dahil nag-aalangan akong sabihin kung saan ako nagmula, na isa akong tao. Pero hindi ba isa rin siyang tao? O baka kalahi siya noong lalaki? No please. Baka saktan niya ako.

"Tao."

"Isa kang tao."

Kinuha niya ang basong may laman na pulang likido at pinalitan 'yon ng tubig.

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon