Chapter 5

11.2K 355 1
                                    

Note: The revising of the next chapters is still on-going please stay tuned for the updates. Thank you for your understanding.

[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

Nanlumo ako sa narinig ko. Hindi niya ba ako kayang patawarin? Simpleng bunggo lang naman hindi ba?

Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, Nagagalit ako, naiinis ako sa sarili ko. Ano bang klaseng lugar 'to at pati ang maliit na bagay ay pinapalaki. Humingi naman ako ng tawad sa kaniya diba, pero ang laki pa rin ng nawala sakin.

"NASAAN KA NA BA?!"

"BAKIT MO BA AKO DINALA SA LUGAR NA 'TO!"

"SANA PINATAY MO NALANG AKO!"

Wala akong pakialam kung sino man ang makarinig sa 'kin. Naiinis ako, lalo na sa bwisit na lalaking 'yon na nang-iwan sa 'kin dito. Sino ba kasi siya at bakit niya ako dinala sa lugar na 'to pagkatapos ay iiwanan din pala niya ako dito. Ni pangalan niya ay hindi ko alam, nakakainis talaga!

Kumuha ako ng maliliit na bato at inihagis 'yon sa may lawa, bahala na kung sino ang matamaan.

Umalis ako kanina sa 'min ng sabihin 'yon ni Zefrina, naalala ko ang lawang tinuro niya sa 'kin dati kaya agad akong pumunta dito para magpahangin, para ilabas ang inis na nararamdaman ko!

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Umihip ang malamig na hangin, napakatahimik ng paligid. Napatingin ako sa kalangitan, dumidilim na. Pero ayoko na munang bumalik. Wala akong gana.

Kung nasa mundo lang ako ng mga tao kasama ko sana sina Alexa at Alexis na pwede kong pagsabihan ng nararamdaman ko. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko, gusto ko ng umuwi.

"I hate my life! I hate it! " Inis kong bulong.
Sa dinami-dami ng tao, bakit isa pa ako sa napakamalas na nilalang na napunta dito.

Napayakap ako sa sarili ko ng humangin ng napakalamig.

"Hindi ko inaasahan na makikita kita rito, Binibini."

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa kung saan. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi ako nakakasigurado kung siya nga ba 'yon.

Kung siya nga ay paniguradong double kill ako.

"Sino ka?"

Kahit natatakot ay pinilit kong lakasan ang loob ko. Naghintay ako na tugunin niya ang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot, tanging ang naririnig ko lang ay ang pag-ihip ng malamig na hangin.

"You're King..."

Hindi ako makagalaw. Jusko, tama naman ang narinig ko hindi ba?

"Pakawalan mo 'ko!"

Lalo akong natuod sa kintatayuan ko ng maramdaman ang pagpulupot ng kaniyang kamay sa aking beywang. Bakit ba ang hilig nilang mangyakap.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakayapos niya sa 'kin pero mas lalo niyang hinigpitan dahilan para mas maramdaman ko ang matigas niyang dibdib sa aking likuran.

"Bitawan mo sabi ako!"

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Agad akong lumayo at inayos ang aking balabal, aalis na sana ako pero hinila niya ako dahilan upang magkaharap kaming dalawa.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"M-mahal na H-hari?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita siya, hindi ako pwedeng magkamali siya yung lalaki kanina. Madadagdagan na naman ba ang kasalanan ko nito?

Sobrang lapit ng mukha niya at nakakailang dahil kahit madilim ay hindi magawang maitago ng kadiliman ang napakagwapong mukha ng Hari ng mga Bampira.

Bakit ganito ang itsura niya, sobrang amo ng mukha niya, napakaperpektong nilalang. Ang isang 'to ay mukhang anghel.

Napayuko ako, "M-mahal na H-hari, patawad po sa nakita at narinig niyo kanina. Hindi ko po sinasadya."

"Ikaw ang babae sa bayan kanina, hindi ba?" Nagulat ako ng itanong niya 'yon. Mukhang namukhaan niya ako. Patay na talaga!

"O-opo, hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari kanina. Patawarin niyo po talaga ako tatanggapin ko po ang kahit na anong kaparusahan na ipapataw niyo sa akin."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Kahit ano?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Pumunta ka sa gaganaping selebrasyon sa palasyo bukas ng gabi." 

Ano?! Bakit ako pupunta ng palasyo? Anong gagawin ko 'don? Paglilinisin ba niya ako ng buong kaharian niya? Gagawing katulong? Tagasilbi? Hayst!

Nanlaki ang mata ko, di kaya doon niya ako patayin? Sa harap ng maraming tao? Hindi, hindi pwede!

"Umuwi ka na." Sabi niya at kinalas ang pagkakayakap sa 'kin. Wala na akong sinayang na oras at umalis na.

Napansin ko namang nakasunod siya sa 'kin kaya naglakas loob akong magtanong.

"Papunta rin po ba ang daan niyo dito?" Tumingin siya sa 'kin pero iniiwas ko din ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad. Dapat yata ay hindi na 'ko nagtanong.

"Oo."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

Bakit kaya wala siyang mga kasamang kawal? Hindi ba sa mga palabas ay may mga kasama ang Hari na mga kawal para pumrotekta sa kanila? Nakakapagtaka dahil wala akong makitang kawal na kasama niya.

"Ouch!" Sa kakaisip ay hindi ko namalayang mauuntog na pala ako sa puno buti nalang ay sinalo ng kamay niya ang noo ko kaya hindi masyadong masakit, Zaia, what a shame!

"P-pasensiya na po!" Agad kong sabi.

"Malalim yata ang iniisip mo, Binibini?" Tanong niya, napayuko na man ako at hindi na siya sinagot.

"Binibini..."  Ang sarap talaga sa tenga kapag may tumatawag sa 'yong Binibini, pakiramdam ko tuloy isa akong babaeng karespe-respeto.

"Zaia!" Nagulat ako ng marinig ang tawag ni Zefrina sa 'kin, hindi ko namalayang nandito na pala ako sa bahay namin. Napansin ko namang nandito pa rin ang Hari.

"Mahal na Hari." Yumuko si Zefrina bilang pagbibigay galang sa Hari, nakalimutan kong gawin 'yon! Patay, sobrang dami ko ng atraso.

"Zaia, pumasok ka na sa loob." Sabi sa 'kin ni Zefrina kaya tumingin na muna ako sa Hari at yumuko bilang paggalang, simbolo na rin ng pagpapapaalam.

Napahinto ako ng bigla siyang magsalita.

"Kapag hindi ka dumating bukas ay papatayin kita." Napalunok ako ng sabihin niya 'yon, lumingon ako sa kinatatayuan niya at seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

Napatingin ako kay Zefrina at nakitang umiiling-iling siya.

.....

          "NAGKITA na naman kayo." Sabi ni Zefrina habang umiiling.

"Oo."

Kahit na mayroon akong takot sa aking puso ay hindi ko parin maiwasan na hindi isipin kung gaano kaperpekto ang pisikal na kaanyuhan ng Hari. Ang akala ko ay isa itong impaktong kulubot ang mukha ngunit nagkamali ako.

"Zaia, mag-iingat ka. Lalong lalo na sa Hari. Hindi mo alam kung anong pinasok mo,"

"...Hindi mo pa siya lubos na kilala."

Napatingin ako sa kaniya, napakamakahulugan ng mga binibitawan niyang mga salita.

"Hindi mo gugustuhing makita ang itinatagong demonyo ng Hari, kaya kung ako sayo ay mag-ingat ka,"

"Remember Zaia, looks can be deceiving. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, lahat ay may itinatagong baho, lahat ay may itinatagong demonyo mula sa mala anghel nilang mukha. Sa mundong 'to ay wala kang mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili mo."

Napatulala ako sa sinabi niya.

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon