Chapter 4

11K 364 12
                                    

Chapter 4

[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

Akala ko saan niya ako dadalhin ngayon pala ay pupunta lang kami sa bayan para mamalengke. Wala na daw kasing prutas at gulay sa bahay niya kaya kailangan na naming mamili.

"Mamili ka kung anong gusto mong prutas." Bulong niya sakin, tumango ako.

Para din pala 'tong palengke sa mundo namin, maliban na lang sa malinis dito at medyo malayo layo ang bawat tindahan. Ang tinitinda nilang mga prutas ay katulad lang sa mundo ng mga tao, may mansanas, lansones, pakwan, at iba pa pero mas madami ang ubas dahil ginagawa nila 'tong purong alak. Mas mabuti na 'yon  dahil walang halong alcohol na nakakasama sa katawan.

"Eto po 'yung bayad." Iniabot ko ang dalawang salaping ginto. Oo, ginto ang pera nila dito.

Kung sigurong pupunta sila sa mundo namin ay mayaman na sila agad.

"Ngayon lang kita nakita dito sa bayan ng Transylvania." Sabi niya. Kinabahan ako bigla, mukhang maha-hotseat ako dito.

"Ah ngayon lang po kasi ako lumabas ng bahay kaya siguro ay ngayon niyo lang ako nakita." Palusot ko, sana lang ay maniwala siya.

Hindi na siya nagtanong pa bagkus ay nginitian na lang niya ako, "Kakaiba ang ganda mo. Nakakapagtaka din ang kulay ng iyong buhok ngayon lamang ako nakakita ng ganiyan."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Karamihan kasi sa mga nilalang dito ay may kulay itim na buhok lamang at wala pa akong nakikitang katulad ng sa 'yo na kulay ginto. Marahil ay kalahating bampira ka at kalahating diwata." Paliwanag niya at ngumiti.

Sandali akong napaisip, pero isa akong tao imposibleng maging kalahating bampira at kalahating diwata ako. Posible kaya ang sinabi niya, simula pagkabata kasi ay ganito na ang kulay ng buhok ko. Minsan ding nagtaka ang mga nag alaga sa 'kin. Akala nga nila ay may lahi ako.

"Ah g-ganoon nga p-po." Naiilang kong sagot. Kinakabahan ako pero hindi ako dapat magpahalata baka magtaka siya.

"Sino ang 'yong Ina?" Tanong niya, napasapo ako ng noo. Anong isasagot ko? Wala pa naman dito si Zefrina kung kailan kailangan ko siya. 

"Zefrina, si Zefrina po." sagot ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha, "Zefrina? Siya ang 'yong ina?"

"O-opo."

"Pero imposible---" Naputol ang sasabihin niya ng may marinig kaming mga kabayo.

"Nandiyan na sila, magbigay pugay sa ating minamahal na Hari!" May biglang sumigaw sa di kalayuan, ang iba ay nagkakagulo at ang iba naman ay nag-aayos ng kanilang sarili. Ano kayang mayroon.

"Nandiyan na ang Hari." Pabulong na hiyaw ng mga kababaihan.

"Pasensiya na!" Mabilis kong pinulot ang mga nalaglag kong prutas dahil may nabunggo ako. Masyadong malalim ang iniisip ko at hindi ko na napansin ang mga nangyayari.

Pinagmasdan ko ang paligid ang lahat ay nakayuko para bang nagbibigay sila ng galang kung kanino. Napansin ko ring nanginginig ang iba dahil mukha silang takot na takot, para silang matatae na ewan. May mga napapatingin din sa gawi ko. Hindi ko nalang sila pinansin at pinulot ng mabilis ang mga prutas na pinamili ko, dapat yata ay gumaya ako sa kanila.

Nakita kong may nag-abot sa 'kin ng mga prutas, siya yata 'yong nakabunggo ko.

"S-salamat, pasensiya na ulit." Puno ng sinseridad kong sabi ng hindi siya tinitignan pero wala akong narinig na kahit konting salitang lumabas sa bibig niya.

"Ang Mahal na Hari!" Napatingin ako sa sumigaw, nakita kong nakatingin siya sa direksyon ko.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung bakit siya dito nakatingin, ibig sabihin...

Agad akong lumayo sa kaniya, hindi ko alam pero nanginginig ako sa takot. Takot na baka patayin niya ako dahil nabunggo ko siya. Alam kong simpleng bunggo lang 'yon pero hindi ordinaryong tao ang nakabungguan ko.

Ang aura niya ay sadyang nakakapangilabot, hindi ako makakilos. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"P-pasensiya na p-po! H-hindi k-ko po s-sinasadya!" Halos lumuhod na ako kakahingi ng paumanhin sa kaniya, alam kong hindi sapat pero ayoko pang mamatay. Hindi siya tumugon, hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil nakayuko ako.

Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko dahilan para umangat ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.

A physically perfect looking man is in front of me, he has a proud exquisite eyebrows, heavenly authoritative gray eyes, well designed nose and kissable red lips. Oh my god is this heaven. Lord pwede mo na akong kunin---mahal ko pa pala ang buhay ko wag muna.

I remained my eyes in him, he's eyes were familiar to me. Parang nakita ko na ito dati.

Agad kong inilayo ang mukha ko sa kaniya at inayos ang balabal ko.

"Paumanhin po ulit Mahal na Hari!" Pagkasabi ko 'non ay nagmadali akong umalis mabuti nalang at hindi ako sinundan ng mga tauhan niya at hinayaan nila akong makalayo.

"Saan nga ba ang daan pauwi..." Bulong ko dahil naliligaw yata ako. Lumakad pa ako ng lumakad hanggang sa maging pamilyar sa akin ang daan, dapat siguro ay maisaulo ko na ang daan sa lugar na 'to para hindi ako maligaw.

"Tama nga..." bulong ko, sa wakas ay nakita ko na ang bahay namin. Mabuti na lang ay may susi ako para makapasok dahil mukhang wala pa si Zefrina dito, paniguradong hinahanap na ako 'non sa bayan.

"Zaia!"

"Zaia!"

May narinig akong tumatawag sa 'kin mula sa labas kaya agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa 'kin si Zefrina.

"Saan ka nanggaling?!" Galit na hasik niya sakin.

"S-sa bayan..." Pabulong kong sagot dahil nakakatakot ang itsura niya, para siyang mangangain ng tao.

"Sa bayan? Alam mo bang nagkakagulo 'don ngayon at hindi kita mahanap?!" Sigaw niya.

"A-alam ko pero hindi naman kita nakita, sinubukan din kitang hanapin pero wala ka." Paliwanag ko. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Nagkagulo sa bayan dahil sa isang babae. Walang nakakakilala sa babae dahil ngayon lamang daw nila ito nakita." Napayuko ako sa sinabi niya, alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Mali yata na isinama pa kita sa oppidum ultra siluane." Ramdam ko sa boses niya ang pagkadisappoint.

"Oppidum Ultra Siluane? 'yon ba ang tawag niyo sa bayan ng Transylvania?" tanong ko, tumango naman siya.

"Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo Zaia." nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nakakunot noo kong tanong.

"Dahil sa nangyari ay hindi ka na makakaalis pa sa mundong 'to."

to be continued...

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon