Chapter 6

10.5K 330 7
                                    

Chapter 6: Celebration

[ZAIA MARIE LOCKHEART's POV]

"Ilugay mo ang buhok mo." Sabi niya at tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko.

"Bakit?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nakakapagtaka ang ikinikilos niya ngayong araw.

Nang matapos ang pag-uusap namin kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos sa dami kong iniisip.

Wala akong ideya kung ano ang mayroon ngayong gabi. Hindi naman ako sinasagot ni Zefrina kapag nagtatanong ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko, kanina pa ako pinapawisan ng malamig dahil sa kaba.

Isang aristokratikong damit ang ipinasuot niya sakin, kulay itim at may piling kristal. Simple pero maganda.

"Ayos na ang lahat, handa ka na ba?" Kinakabahang napatango ako.

          INALALAYAN ako ng isang kawal pababa sa sinasakyan naming karwahe.

"Salamat." Ngumiti ito sa akin kaya sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti.

"Zaia, tayo na." Agad akong sumunod kay Zefrina.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa paligid. Napakaganda ng labas ng kaharian, lalo na siguro ang loob nito. Jusko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Punong puno ito ng mapupulang rosas, ipinagtataka ko lang bakit nay kulay itim. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon.

I never expect that something like this exist.
Sayang at wala akong cellphone, picturan ko sana.

"Saan gaganapin ang selebrasyon?"

Tumingin sa akin si Zefrina at sumagot, "Malapit na, mayroon pang dalawang pinti bago tayo makarating."

Tumango ako. Sadyang napakalaki at napakalawak bg kahariang ito.

"Oh my God..."

Namangha ako dahil sa ganda ng loob ng palasyo. Ang lahat ay gawa sa kristal at ginto. Nakakahiyang umapak sa napakakinis na sahig nito.

"Halika na."

Binuksan ng dalawang kawal ang napakalaking pintuan. Bakas ang pagkamangha sa mukha ng mga bisita ng makita nila kami. Napayuko ako dahil sa hiya.

Napatingin ako kay Zefrina ng nagsalita ito, "Zaia, huwag kang yumuko."

Inayos ko ang pagkakatayo ko at tumuwid ng mukha. Kinakabahan talaga ako, lalo na dahil karamihan ay sa akin nakatingin. Ang iba naman ay nagbubulungan.

May chismosa din pala dito.

Nang makaupo na kami ay hindi pa rin nila tinanggal ang tingin sa amin, partikular na sa akin, "Bakit ganiyan sila makatingin Zefrina?"

"Marahil ay nagagandahan sila sa iyo."

Tumaas ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinagot ni Zefrina.

Naku! Wag mo 'kong biruin ng ganiyan ateng, wala akong dalang piso!

"Lagi bang nagkakaroon ng selebrasyon dito?" Pag-iiba ko ng tanong.

Iginala ko ang mata ko sa paligid, ang gaganda ng mga kasuotan nila. Napakaeleganteng tignan ng lahat,  nababalutan rin sila ng mga diyamante sa leeg at kamay.

"Hindi naman, nagkakaroon lamang ng selebrayon kung may importanteng gaganapin."

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin ay may mahalagang okasyon ngayon. Ano naman kaya?

Wala naman siguro akong kinalaman hindi ba? Sa harap ba ng mga nilalang na ito ako papatayin pagkatapos ay pagpapasapasahan nila ang aking dugo.

Napahawak ako ng mahigpit sa aking kamay, mukhang ito na ang huling gabi ko.

FALL FOR THE KING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon